44. Sos be like "O.O"

10.6K 374 144
                                    

Chapter 44

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Karylle

I was breathing heavily while staring at the pregnancy test kit which was placed on the sink. Two months had passed and I'm still hoping na sana, positive na ngayon. Ilang beses na 'kong gumamit nito pero puro negative ang lumalabas.

These past few weeks, araw-araw nalang akong nasusuka. Lagi rin akong nahihilo. I'm always looking for the foods na wala sa bahay. Anne told me na baka buntis na nga ako. So here I am, bumili nanaman ako ng PT.Kit at nagdadasal na sana positive na.

Iisa palang yung guhit. Lumipas pa ang ilang minuto pero wala parin. Mukhang wala talaga. Umasa nanaman ako. I thought mabubuo na ulit kami ni Vice. Pero hanggang pangarap nalang yata talaga ako.

Lumabas ako ng CR when I heard Vice knocked. Paniguradong maliligo na 'to. I threw the pregnancy test kit sa basurahan sa CR saka lumabas. I felt so empty. Akala ko magiging maayos na kaming mag-asawa.

"Ano bang ginawa mo sa loob?" iritadong tanong niya sabay hawi sakin palabas.

"Wala," I answered. "Sige na maligo ka na, ihahanda ko lang yung damit mo."

-

General

Nanghihinang tinungo ni Karylle ang closet para ihanda ang damit na susuotin ng asawa. Ito na ang araw-araw niyang ginagawa. She was trying her best to be a better wife kahit hindi siya tinatrato ng maayos ni Vice.

Pagkalapag niya ng damit ng asawa sa kama, bumukas muli ang pintuan ng CR. Vice went out habang hawak-hawak ang pregnancy test kit na ginamit ni Karylle kanina.

"Negative ulit eh," malungkot na sabi ni Karylle habang nakatingin sa hawak ng asawa. "Baka hindi talaga ako mabubuntis,"

Vice handed her the kit. Naghesitate naman si Karylle kung tatanggapin ba niya oh hindi. But Vice insisted by holding Karylle's hand and placing the kit on her palm.

"You're pregnant," walang emosyong sabi ni Vice as he pointed the two lines sa PT.Kit.

Hindi naman agad nakapagsalita si Karylle na nanatiling nakatitig sa bagay na nasa palad niya. Bumibilis ang tibok ng puso niya dala narin ng tuwa.

Biglang umusbong ang pag-asa sa puso niya na malaki ang posibilidad na maayos ang gusot sa pagitan nilang mag-asawa.

Maya-maya pa'y tumalon si Karylle sa sobrang tuwa. She hugged Vice tightly na siya namang ikinagulat ng huli. Nanatili siyang tuod sa kinatatayuan at hinayaan nalang na nakayakap sa kaniya ang asawa.

"I'm pregnant," sabik na sambit ni Karylle. "Magiging mommy na 'ko. Magiging daddy ka na,"

Kung si Karylle ay tuwa ang nararamdaman, Vice doesn't know what to feel. Masaya siyang magiging tatay na siya. He's sure with that, pero hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Karylle ngayong buntis na ito.

"Aren't you happy?" nagtatakang tanong ni Karylle nang maramdaman na hindi gumagalaw ang asawa. "Akala ko ba..."

"I'm happy. I'm happy," he muttered with a fake smile. Naglean forward siya para mahalikan si Karylle sa noo. "I'll just take a bath. Wag ka ng kikilos. Ingatan mo nalang si Baby,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon