25. Mah--tooot!

11.1K 361 35
                                    

Chapter 25

.

.

.

.

.

A guy, who's silently watching his Ex-Girlfriend from afar. Nakaramdam siya ng kirot sa bandang dibdib dahil sa mga nakikita niya. Maaring katangahan ang panonood sa taong mukhang masaya na sa piling ng iba... pero hindi niya mapigilan ang sarili niya lalo na't ang ngiti na matatanaw niya mula sa dalaga ang siyang nagpapalakas sa kaniya.

After few minutes of watching them, he finally turned his back and went kung saan nakapark ang motor niya. Agad niya itong pinaandar and decided to go sa isang kaibigan na alam niyang makakaintindi sa pinagdadaanan niya.

"Watta serious face, bro." natatawang bati sa kaniya ng kaibigan. "Problema mo?"

"I saw her," walang gana nitong sabi as he sat down sa sofa. "With that hell gay,"

"Ooh, so totoo nga yung sinasabi nung Co-Teacher mo na, she's now happy with her new boyfriend?"

"Yeah,"

"Pero bakla?"

"Yun na nga Jhong e... I couldn't understand why she has to be with that gay. Bakit si Vice pa?" Jhong chuckled while placing his feet above the mini table.

"Ikaw na nagsabi, bro. Mabait yung Vice diba? Sabi mo, galante... hindi madamot. Malay mo naman yun ang nagustuhan sa kaniya ni Karylle,"

"Hindi pwede,"

"Tarantado karin kasi eh," Jhong threw a disappointed look at gis friend. "Diyosa na yun si Karylle o. Diyosa na, pinakawalan mo pa."

"You know what an alcohol could do,"

"Pero pinatulan mo parin? Uminom ka parin? Eh, wag mong isisi sa alak yung kagaguhan mo, Chris."

Napabuntong hininga na lamang si Christian sa muling panenermon sa kaniya ng kaibigan. Noon pa man ay alam na niya na kilala ni Vice ang dating nobya dahil narin sa impormasyong nakuha kay Budi, and as a plan, kailangan niyang kunin ang loob ni Vice upang makahanap ng paraan para sirain ang pagsasama nila ni Karylle.

//

"Ugghhh," impit na ungol ni Karylle habang nakahawak sa dibdib. Bigla nalang niya nabitawan ang paint brush na hawak kaya nagmadali namang umalalay sa kaniya si Vice na nakatanga lang sa gilid.

"Bhie? Bhie, a-anong nangyayari sa 'yo?" he asked worriedly habang nakapulupot ang mga kamay sa bewang ng dalaga. "Karylle naman... wag mo naman akong takutin,"

"I-I couldn't breathe..." nahihirapang sabi ni Karylle as she closed her eyes.

"Vhong!!! Billy!!! Fvck," Vice called out of fright na baka may mangyaring masama sa dalaga. He  supported her back para hindi ito tuluyang bumagsak sa sahig. Nang marinig nila Vhong at Billy ang kaibigan, they immediately went sa stage.

"Vhong, kunin mo yung inhaler bilis," utos ni Billy habang minamasahe ang mga kamay ng dalaga. "Karylle... breathe in... breathe out..."

Vice slowly sat down and let Karylle leaned her back on him. Patuloy lang niyang hinahagod ang likod ng dalaga kasabay ng paghawi sa buhok nito at panaka-nakang paghalik sa ulo nito.

"Ano bang nangyayari, K?" natatakot na tanong ni Vice dahil ngayon niya lang nakitang gan'to si Karylle. He gave her a long kiss sa ulo, as if it was the cure.

"The paints you were using really stinks. Hindi nakayanan ni Karylle yung amoy, that's why..."

Bumalik si Vhong dala ang isang inhaler at agad ipinagamit kay Karylle. Vice continued rubbing her back dahil alam niyang makakatulong ito sa dalaga. Pagkatapos ng ilang minuto, naging normal muli ang paghinga ni Karylle ngunit naroon parin ang pagkaputla sa mukha nito.

Marry You (Vicerylle)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora