58. May sakit si Bakla

12.1K 454 56
                                    

Chapter 58

✌♡✌

Karylle

Ilang araw ng naghihintay si Thaira sa pagdalaw ng magaling niyang ama pero kahit anino ni Vice hindi namin makita. Ni hindi manlang tumatawag para kamustahin kami... oh kahit yung anak manlang niya. Psh! Imposible namang hindi pa gumagaling yun eh magdadalawang linggo na simula nung magkasakit siya.

Pinapanuod ko lang na natutulog si Thaira. Kanina pa kasi niya ako inaayang puntahan yung tatay niya. Hindi ko naman mapagbigyan kaya umiyak ng umiyak... hanggang sa nakatulog na siya.

I couldn't help but to feel pity para sa anak ko. Hindi naman niya dapat nararanasan 'tong mga nangyayari samin ng tatay niya. She deserves to have a complete family. Yung masaya lang. Yung walang problema. But I failed giving it to her.

When Vice asked me to move in sa bahay niya. Hindi ako nagdalawang-isip na tumanggi. Sa sobrang dami ng napagdaanan ko sa buhay, narealize ko na nakakapagod din pala talaga. Kahit gustuhin mong lumaban ng lumaban, you would still come to the point that you would rather choose giving up than holding on.

I love him.

Hinding hindi ko naman itatanggi yun. Kung mamamatay man ako at mabubuhay ulit, siya at siya parin naman ang gugustuhin kong mahalin. Hindi ko ikakaila. Sarili ko lang din naman ang gagaguhin ko if I would say that I don't love him anymore kahit ang totoo, wala naman talagang nagbago sa nararamdaman ko para sa kaniya.

But at this point kasi, I really have to give what my heart deserves to get... rest. Kailangan ko muna siyang ipahinga dahil feeling ko, konting konti nalang mawawala na lahat ng veins. Konting konti nalang hindi na magfa-function ng maayos yung puso ko. At ayoko namang mangyari yun.

I'm not mad. Kahit kailan hindi ako magagalit sa kaniya. I'm just hurt. Hindi ko naman magagawang magalit sa kaniya dahil alam kong nasaktan ko siya. Iniwan ko siya and that was the biggest mistake I've ever made. Pero nasasaktan ako dahil parang hindi naman niya naaappreciate lahat ng efforts ko just to show how much I love him. Hindi niya tinanggap yung pagmamahal ko.

I really want to say "Hoy bakla! Mahal na mahal kita!" but I couldn't. Nakatatak na kasi sa isip ko yung sinabi niya na hindi na niya ako mahal. Ayokong magmukhang kawawa. Ayokong mabigo ulit. Ayoko ng lumaban lalo na kung hindi ko rin naman makukuha yung premyo ko, kung hindi ko rin naman siya makukuha ulit.

I really wanna say "Vice akin ka lang," pero hindi ko kaya. Kasi pakiramdam ko hindi naman siya naging sakin. He's never been mine. Hindi ko siya naging pag-aari.

Mahal ko ang asawa ko... pero hindi ko na alam kung paano pa 'ko lalaban ngayong ipinaparamdam niya sa 'kin na wala na talaga.

✌♡✌

General

Sa loob ng mahigit dalawang linggo, nanatiling may sakit si Vice. Tila hindi ito gumagaling dahil sa pagiging pasaway nito. Minsan ay ayaw nitong inumin ang gamot at pinipilit ang mga kaibigan na tawagan si Karylle para ito ang mag-alaga sa asawa pero nahihiya naman ang mga bakla.

Ngayon ay parang mas lumala pa ang sakit ni Vice. Bukod sa nangangatog na ito sa lamig, bahagya naring tumitirik ang mga mata nito kaya napagdesisyunan  a ng mga bakla ang isugod si Vice sa hospital. Aligaga namang nagmaneho si Lassy habang si Buern at Archie naman ang umaalalay kay Vice.

When they arrived sa hospital, agad inadmit si Vice. Worried naman ang mga bakla habang naghihintay sa labas para sa result ng test ng kaibigan. Paglabas ng doctor, sinabi nito na hindi lamang simpleng lagnat ang nangyayari kay Vice kundi Dengue na umabot na ng Stage 2 kaya kinakailangan nito ng matinding pahinga at matagal tagal na pamamalagi sa hospital.

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now