40. "Hu u" ka ngayon

9.6K 340 72
                                    


Chapter 40

Malalim na buntong hininga ang ginawa ni Karylle pagkababa na pagkababa nilang dalawa ni Iza mula sa eroplano. Wala ng atrasan 'to. Haharapin na niyang muli ang taong iniwan niya few months ago.

"Magstay ka ba sa Condo ko?" Iza asked habang pasakay sila ng Taxi.

"Yhep. Bukas nalang ako babalik sa bahay namin ni Vice," lakas-loob niyang sabi.

"Welcome ka pa ba dun?"  may halong pang-aasar na tanong ni Iza kaya nakatanggap naman siya ng kurot mula kay Karylle.

"We're not yet annulled. Gustuhin man niya oh hindi, I still have the right to live with him." confident na sagot niya as she smirked.

"Anong gagawin mo kapag itinaboy ka?"

"Iintindihin ko. Kasalanan ko parin naman kung bakit siya galit sa 'kin," Karylle smiled sadly. She knows na hindi nga malabong itaboy siya ng asawa after what she had done.

"So magpapaka-martyr ka ganon?"

"He did a lot of things for me before. So turn ko naman ngayon," nagagalak na sabi niya bago ituon ang atensyon na bintana ng sinasakyan nila.

.

.

.

.

.

Katatapos lang ayusin ni Karylle ang mga gamit niya when her phone rang. Tinignan muna niya kung sino ang tumatawag and when she saw na si Anne ang caller, she immediately jumped over the bed at sinagot ang tawag ng kaibigan.

"I'm backkkkkkk!" masiglang bati ng dalaga habang nakayakap sa unan.

"What do you mean by your back?" nagtatakang tanong ni Anne.

"I'm back. Nasa Manila na ulit ako," masayang pagbabalita ni Karylle. Narinig naman niyang tumili si Anne then they laughed in unison.

"Kailan pa?

"Kahapon lang,"

"So handa ka na talagang harapin yung asawa mo huh?" hindi agad nakasagot si Karylle dahil bigla siyang nakaramdam ng kaba. "Anong balak mo ngayon?"

"Babalik ako sa DLSU," tila desidido niyang sabi.

"Sigurado ka, Karylle? Mukhang hindi magiging maganda yung relationship niyo ni Ma'am Sos,"

"Hindi naman siya yung dahilan kaya ako bumalik no. I went back for my husband,"

"Anne sino kausap mo?" nanlaki ang mga mata ni Karylle nang marinig ang boses ng isang lalaki sa kabilang linya. Kilala niya ang boses na yun. Hindi siya pwedeng magkamali. "Oh my god. Tinatawag na 'ko ng asawa mo,"

"Magkasama kayo? Nasan kayo? Anong ginaga--"

"Calm down. Jusko! May paparty kasi si Georgina. Ikakasal na ang lola mo," pagbabalita nito.

"Aww pakisabi naman kay Georgie, congratulations huh?"

"Makakarating. Sige na Karylle, I'll call you later nalang huh?"

"Sige. Sige. Thank you, Anne."

Napangiti nalang si Karylle kasabay ng pagpasok ng isang idea sa utak niya. Uuwi na siya sa bahay nila ng asawa.

.

.

.

.

.

"Anne sino kausap mo?" nagtatakang tanong ni Vice nang makita si Anne sa gilid ng pool habang bumubulong ito.

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now