Chapter 21

5.6K 187 96
                                    

Chapter 21

Jealous

"She's my ex-girlfriend back in New York."

Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na sasabihin sa kaniya. I never expected that that bitch was his ex-girlfriend. At mas lalong hindi ako makapaniwala na nagkaroon pala siya ng ex-girlfriend. I thought that he doesn't involve himself in any relationship because of Gwyn.

He was in love with Gwyn, right? The question he never answers in front of me. Now, that it came across on my mind, I wonder if he was over on her.

"Ohhh..." ang tanging nasabi ko na lang. I appreciate his honesty though.

He seems not convinced on my emotions dahil mariin ang kaniyang paninitig sa akin.

"You okay?" nag-aalalang tanong niya ulit sa akin.

"Yeah, I'm fine. I'm just tired," sagot ko naman sa kaniya habang inaayos ko ang bag sa aking balikat.

He still observes me intently. Parang hindi naniniwala na ayos lang ako. I even showed my smile to him so just he could be at ease.

"Okay lang talaga ako, Reeve. No need to worry about me."

"You're silent inside the car earlier and it made me anxious," he stated.

I laughed upon his statement, "Wow... Akala ko ayaw mo sa maiingay. I made yourself a favor, Mr. Sandoval."

"I don't like noises but if it's you who made the noise, I love it. Your loud voice is music to my ears," namaos niyang sambit habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

I looked away as I felt my heart was pounding over and over again. Parang may mga paro-parong dumadaloy sa aking katawan. How can this man makes my heart pound so hard just by telling me a simple statement!

"U-uhmm.." I stuttered and lost for words. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sasabihin sa kaniya.

Kapag siya na ang nagsasalita madaling matapos ang pinag-uusapan dahil sa mga biglang linyahan niyang sinasabi sa akin.

"Pasok ka na sa loob at magpahinga. It's been a tiring day for you," sambit niya ng mapansin ang pananahimik ko.

Ngayon ko lang din napansin na kanina niya pa pala hinahawakan ang aking kanang kamay at wala yatang balak na ialis ito kung hindi ako ang nagkusang alisin.

I observed the weather. The rain was getting heavy and heavy and it's also getting darker... At kung uuwi siya ngayon ay delikado na sa daan dahil halos hindi niya rin naman makikita ang dinadaanan niya. I should let him stay until the rain would stop.

"Uhmm... Masyadong malakas ang ulan at kung uuwi ka ngayon ay masyadong delikado," pagsisimula ko, "you can stay here for a moment and wait for the rain to stop so that you could go home safely."

For a moment I saw him froze on his position. Nakita ko rin ang paggalaw ng kaniyang adams apple at bahagyang umubo. "Ayos ka lang?" kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Ayos lang sa'yo?" nanghihina niyang sambit sa akin.

"Delikado na sa daan at konsensiya ko pa kung may mangyayari sa'yo," I told him honestly.

"Talaga bang ayos lang sa'yo?" tanong niya pa ulit.

Mas lalong nangunot ang noo ko sa tanong niya. Paanong hindi magiging maayos sa akin eh ako nga ang nag offer sa kaniya.

"I wouldn't offer it to you if isn't fine with me.." naguguluhang wika ko sa kaniya.

"You sure?"

In Your Arms ( Med Series #1)Where stories live. Discover now