#12 Jann

105 3 3
                                    

#12- Fall of Jann

 

“We fall for someone who has already fallen in love with someone else.”

xxx

Napakasaklap talaga ng pagmamahal. Magmamahal ka na nga lang, hindi ka pa handang magsakripisyo. Magmamahal ka na nga lang, kailangan mo pang masaktan. Bakit ba kasi sa tuwing nariyan ang salitang pagmamahal ay inaasahan na ng mga tao na ang karugtong nito ay ang sakit.

Napakasakit magmahal. Iyong tipong magkakagusto ka na nga lang, doon pa sa taong hindi pwede. Magkakagusto ka na nga lang, doon pa sa imposible. Magmamahal ka na nga lang, doon pa sa pagmamay-ari na ng iba.

Iyong magmamahal ka na nga lang, doon pa sa taken na.

“Jann, diyan ka magaling!” Panunukso sa akin ng katropa ko dahil nakita nilang may kasama akong babae at alam kong aware din sila kung gaano ako kabaliw sa babaeng ito. Gusto ko siyang maging girlfriend kaso natotorpe naman ako.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at humarap na ulit kay Jackie, “Ano nga ulit iyong sinasabi mo?”

Hindi niya ako sinagot sa halip ay hinila niya ako patayo at palayo sa kinauupuan namin kanina. Parang kanina lang, nagkukuwento siya ng kung ano sa akin pero walang pumapasok sa isipan ko dahil sa kanya lang mismo nakatuon ang atensyon ko at hindi sa sinasabi niya.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya sa akin.

“Gusto kong maglakad.” Tumango naman ako.

“Bakit ba ganyan kayong mga lalaki, Jann?” Utas niya kaya naman napalingon ako.

“Bakit ba ang hilig niyong maghanap pa ng iba kahit na mayroon namang nandiyan na para sa inyo?”

Hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin lang siya nang diretso sa daang tinatahak namin. May mga nagbibisikleta ring nadaraanan kami, mga tricycle at mga batang naglalaro ng tumbang preso o kaya tagu-taguan.

Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin maintindihan kung ano ang pakuhulugan niya.

“Bakit ba hindi niyo maramdaman kung nakakasakit kayo ng ibang tao?”

Ngumiti na lamang ako sa mga sinasabi niya. Ayaw kong sumagot dahil sa palagay ko ay hindi talaga iyon ang sasagot sa sitwasyon niya. Nararamdaman kong gusto niya lang maglabas ng saloobin niya.

Gusto ko siyang yakapin pero hanggang haplos lang sa likod ang nagawa ko.

“At bakit ba kasi napakamartyr ninyong mga babae? Bakit nandiyan pa rin kayo kahit na pinagmumukha lang kayong tanga ng mga lalaki?” Saad ko at naaninag ko naman na parang sumimangot siya.

“Mararanasan mo rin magmahal, Jann. Mararanasan mo kung anong nararamdaman ko ngayon.” Sambit niya at ngumiti naman ako. Kung alam lang niya…

“Naranasan ko na, Jackie. Mas masakit pa sa nararamdaman mo ang nararamdaman ko.”

Nakita ko namang parang nagtaka siya sa sinabi ko.

Fall.Where stories live. Discover now