#6 Marco

144 3 0
                                    

#6 - Fall of Marco

❝You’re my sweetest downfall.❞

xxx

Sinabi ko minsan sa sarili ko na hindi na ako aasa pa na may magmamahal sa isang tulad ko. Halos lahat yata ng mga kaklase ko at mga hindi nakakakilala sa tunay na ako, ayaw sa akin dahil daw sobrang sama daw ng ugali ko. Kesyo sobrang mapang-asar ko at nagiging offensive para sa kanila, sobrang pilosopo ko daw at mapagbintang sa iba.

Minsan na akong pumorma sa mga babae. Hindi ako basta-basta pagdating sa mga babae. Tinutukso nga ako ng mga kaibigan ko na mataas daw ang standards ko sa babae. Napatawa na lamang ako noon. Syempre gusto ko sa isang babae ay iyong maganda, maalalahanin, at syempre hindi mawawala yung totoong mahal ako. Gusto ko yung babae na ipagmamalaki ko at hindi ko pagsasawaang makita kahit pa segu-segundo.

“Marco!” tawag sa akin ni Mama na nasa labas ng bahay samantalang ako naman naghahanda ng pagkain ng mga bisita ko. Sumunod naman ako nang sumenyas siya na lumabas ako.

Nandito na siya. Nandito na yung babaeng kay tagal kong hinintay. Narito na yung babaeng maganda, maalalahanin at sobrang mahal ako.

“Happy birthday, Marco.” Napangiti ako na umabot sa batok ko kung possible man. She greeted me a happy birthday. 

Iyon na ata ang bumuo sa buong araw ko. Siya na yata ang kukumpleto sa buhay ko. Siya na yata yung babaeng para sa akin.

“Salamat, Maybeth.” Huminga ako nang malalim at hindi ko alam pero tumitig ako sa kanya.

Sunod kong hinawakan ang mga kamay niya. Nilalamig ako kanina dulot na rin ng sobrang lamig ng panahon pero nung oras na nahawakan ko ang kamay niya ay uminit ang pakiramdam ko. 

Kahit na parehas at tugma na kami ng nararamdaman para sa isa’t-isa ay hindi pa rin nawawala sa akin ang makaramdmam ng kuryente sa pagitan namin.

Naririnig ko na ang puso ko. Sumisigaw ito, napakalakas. Itinapat ko ang mga kamay niya sa dibdib ko.

Kumunot ang noo niya, “Marco?”

“Naririnig mo ba?” Saad ko.

“Ang alin?”

“Maybeth naman.” 

“Seryoso nga, Marco. Hindi kita maintindihan. Hindi porket birthday mo ah?” 

Ngumiti ako at mas lalong bumilis ang pintig ng puso ko.

“Mahal na mahal kita, Maybeth.”

Nawala ang ngiti sa mukha niya na ikinatakot ko naman.

“Marco,” nagsimula siyang magsalita. Nagsimula rin akong kabahan. 

“Marco, ulitin mo nga?” Aniya kaya inulit ko naman ito.

“Maybeth, mahal kita. Hindi ko alam anong gagawin ko kapag nawala ka pa sa akin. Walang patutunguhan ang buhay ko ung hindi kita kasama. Maybeth, mahal kita.” Pag-uulit ko.

Napansin kong nagtubig ang mga mata niya pero natuwa ang loob ko nang makita ko ang ngiti niya. Napakaganda niya talaga kapag ngumingiti siya. At mas natuwa pa ako dahil alam kong ako ang dahilan ng mga ngiti niya.

“Ang corny mo!” Bulalas niya at tumawa nang mahina. Ngumiti rin ako.

“Mahal din kita, Marco,” nagbuntung-hininga siya. “Mahal na mahal.” At saka niya ako niyakap at ganoon rin ako sa kanya.

Ganito pala yung pakiramdam. Ganito pala yung pakiramdam na yakapin ng taong mahal mo, na mahalin ka din pabalik ng taong mahal mo. Napakabihira nun sa mundo ngayon pero mapalad ako dahil minahal ko ang babaeng ito at minahal ako ng babaeng ito.

Pinunasan ko ang pisngi niya pagkaalis namin sa yakap namin at saka ko ikinurba ang gilid ng labi niya.

“Mas bagay sa’yo yung nakangiti.” Sambit ko kaya nilapad pa niya ang ngiti niya. Tama na, nai-inlove na talaga ako, sobra-sobra na.

♪ I can hear her heart beat for a thousand miles

And the heavens open every time she smiles

And when I come to her, that's where I belong

I'm running to her like a river's song

She gives me love, love, love, love, crazy love

She gives me love, love, love, love, crazy love ♪ 

“Sobrang nagpapasalamat ako sa ‘yo kasi hindi mo pinakinggan yung mga sinasai ng iba tungkol sa akin. Salamat sa lahat ng ngiti mo na dahilan bakit masaya ako araw-araw. Sobrang pinasaya mo ako, Maybeth. Grabe, mamamatay na ata ako.”

Narinig ko na naman ang tawa niya na tila musika sa pandinig ko.

 ♪ Yes, I need her in the daytime

Yes, I need her in the night

But I want to throw my arms around her

Kiss her an' hug her, kiss her an' hug her tight

Kiss her an' hug her tight, through the night

And when I'm returning from so far away

She gives me some sweet lovin' brighten up my day

It'll make me feel righteous, make me feel whole

Make me feel mellow down into my soul 

“Ang corny talaga niya,” sabi niya habang hinawakan niya ang gilid ng leeg ko.

“Okay lang. Mahal mo naman.” 

Niyakap ko ulit siya at saka ko siya hinalikan sa noo.

Not all people who fall in love would always feel hurt. There are people who luckily fell in love with someone. 

And this girl, right in my arms, is my sweetest downfall.

----

FOR MARCO slash KEN,

Ow ayan na. Pasensya na kung corny HAHAHA. Promise, binuhos ko lahat ng powers ko diyan  Ge, ingat ka dyan baka kiligin XD

xo.

Fall.Where stories live. Discover now