#19 Samantha

37 2 0
                                    

#19- Fall of Samantha


"I fell in love once before."


xxx

I never thought that love could be this murderous. It could be this dangerous. It could make you feel alive but it can hurt you big time. Kaya ko pa kayang magmahal ulit?

"Dammit!" Saad niya habang nakatitig sa akin. He clenched his jaw.

Yumuko ako habang umiiling, "I'm sorry, Miguel."

Hinampas niya ang manibela kaya nagulat ako. Ramdam na ramdam ko ang tensyon sa loob ng kotse. Ginulo niya ang kanyang buhok at paulit ulit na nagmura. Halos mabingi na ako sa mga sinasabi niya. May naalala lang ako na ayaw ko nang maalala pa.

"Fvck it, Sam. You are hurting me..." Aniya at kinagat ko ang labi ko. Why? Is he really hurting?

"Damn it." Sobrang lakas ng paghinga niya. Parang hindi iyon galing sa diaphragm niya.

"Miguel, m-may iba pa naman d'yan. Y-yung hindi ka sasaktan tulad ko. Y-yung magmamahal sa'yo."

Nag-iinit ang mga mata ko. Hindi ko alam. Hindi ko na talaga alam!

"Bullsht, Samantha! Ikaw ang mahal ko tapos maghahanap ako ng iba? Hindi ako gago! Kung mahal kita, mahal kita! Sht naman!" Aniya.

I can feel frustration in his voice. Napalunok ako. Halos mabilaukan pa ako nang gawin ko.

Mahal niya ba talaga ako? Totoohanan na ba lahat ng ito? Bakit parang nagba-baka sakali rin ako?

Ang sabi ko dati ay ayaw ko na. Ayaw ko na magmahal ulit. Gano'n pala kasakit 'yung bagay na 'yon. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng bagay iyon.

Karamdaman ba ang pagmamahal? Isa ba 'yong uri ng sakit? Yung tipong sakit na pabalik-balik? Yung talagang iniinda mo?

Wala na bang gamot doon? Hindi ko alam. Minsan ko nang naranasan ang magmahal at ayaw ko nang umulit pa.

"Please damn fall in love with me, Samantha. Love isn't all about pain. Hindi yon--"

"Shut it, Miguel."

"Fvck! Hindi ba pwedeng makinig ka lang? Pag nagmahal ka, masasaktan ka, Samantha! Pagsubok lang 'yon! Kaya huwag kang susuko..."

Nanghihina na siya. Alam ko iyon dahil napayuko siya. Alam ko iyon dahil hindi na siya makatingin sa akin.

Ewan ko pero nasasaktan ako. Hindi ko mai-deny. Nagmamahal ba ako ulit? Ayaw kong aminin! Dahil sa oras na gawin ko ay masasaktan ulit ako. Alam ko. Gusto kong sumugal sa kanya pero parang... ewan.

Nababaliw na yata ako. Bakit may lumandas na tubig sa pisngi ko? Bakit naninikip ang dibdib ko? Bakit parang na-inlove ulit ako?

"I know you fell for the wrong guy, Samantha. But I want to claim that I'm the right one for you. Risk for me, Sam. Kasi hulog na hulog ako sa'yo. Walang makasasalba sa'kin kundi ikaw."

Nilalaro ko ang nga daliri ko. Kinagat ko ang labi ko. Naramdaman ko na lang ang nanginginig niyang kamay na pinunasan ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya.

I fell in love once before

Now I won't be falling for that anymore

Somewhere in your basement

I think I misplaced my heart

What did I do that for?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko si Miguel pero hindi pa ako handa.


I always wanted you to stay

But now I'm wishing you away

If this is what love feels like

I'm done with it



Gusto ko maging handa ako. Gusto ko maging siguradong maayos na ako. Yung kahit medyo naghilom na ako. Yung kahit medyo matapang na ako.

Yung handa na akong sumugal. Yung handa na akong masaktan ulit kung hindi pa ako nasasaktan sa lagay na 'to. Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako.

Magsasawa rin kaya siya tulad ng ex-boyfriend ko?

Gagaguhin rin niya kaya ako? I know... I know boys aren't all the same. But I absolutely know love can be just the same. Kung may natutuhan man ako sa past romance ko ay iyon yung dapat sigurado ka sa nararamdaman mo.

Dahil hindi naging sigurado ang ex ko sa akin. At nang malaman kong hindi siya sigurado sa akin ay nagdalawang-isip rin ako kung minahal ko ba talaga ang isang gago'ng katulad niya.

He was the wrong guy. I loved the wrong guy. And this guy beside me is the right guy for me. I want him to be right. Gusto kong siya ang tamang lalaki para sa akin. Gusto kong tama na nahulog ang loob ko sa kanya.

'Cause we found the right love at the wrong time. Wrong timing dahil puno pa rin ako ng pag-aalinlangan at hinanakit.

"You okay?" Aniya at suminghap, "Stupid question. Of course, you are not!"

Lumingon ako sa kanya at nagpeke ng ngisi, "A-ayos na ako sa tabi mo."

Napaawang ang bibig niya sa tinuran ko habang nagdi-drive. Lumaki ang ngisi ko at nag-iwas ng tingin.

"Pakiulit?" Aniya at umiling lang ako.

"Samantha! Ulitin mo! Damn!" Sigaw niya pero hindi iyon tono ng galit kundi excitement.

"I told you I'm fine."

Ngumiti siya at bumilis ang pagpapaandar niya sa sasakyan. Singbilis ng tibok ng puso ko.

"You are fine by my side. Of course, you'll be, my Samantha."

Lalo lang tuloy akong nahuhulog sa kanya. Posibleng-posible. Hindi ko maikakaila.


"Dadahan-dahanin natin, Sam. A'ryt? Dadahan-dahanin nating mahulog ka sa'kin para hindi sobrang sakit."


Ngumisi siya, "Kahit hindi ka naman talagang masasaktan, kasi salong-salo na kita. At sa pagsalo ko sa'yo, ako naman yung lumagapak."

Hinagkan niya ako, "Samantha, nalulunod na yata ako. Anong klaseng dagat ka ba?"

Sinapak ko siya. "Damn it, girl. I am really in love with you."

Parang unti-unti nang nawasak ang puso ko. Iyong wasak sa mabuting dahilan. Wasak na wasak kaya nakapasok siya.

Tumulo na rin ang luha ko. Damn it, Miguel. Hulog na hulog rin ako sa'yo.

Instant-narcotics. Instant-anaesthesia.

I never thought that love could be this relieving. It could be this unbelievable. It could mend your broken pieces.

At alam ko sa sarili ko na kaya ko na. Kaya ko pang magmahal ulit.

--------

Dedicated sa mga na-in love, nasaktan. At na-in love ulit. Haha apir tayong mga tanga! Lols peace.

Salamat sa inyo!

Xoxo

Fall.Where stories live. Discover now