#2 Irish

228 5 5
                                    

#2- Fall of Irish.

❝I fell until I forgot I was falling.❞

xxx

Studious person ako. Maraming pangarap sa buhay at running for honor.

Okay naman lahat eh, kung hindi lang ako nahulog sa lalaking ito, sa taong ito. Ang masaklap pa ay hindi niya ako nasalo.

One year na din simula nang makaramdam ako ng kakaiba sa kanya, kapag kasama ko siya or makikita ko siya. Simpleng tingin o ngiti niya lang sa akin, nahuhulog na ako sa kanya.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lang parati. Yung tipong sasabihin ko sa sarili ko na hindi maaari kasi wala sa priorities ko ang magmahal, lalo na ang magpakatanga sa isang taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Isa pa ay dahil nga sa mga pangarap ko para sa akin, sa pamilya ko, iniisip ko na matutupad ko iyon kung maiiwasan ko ang ganitong magulong bagay, ang umibig.

Sa lahat ng nagustuhan ko magmula ng bata ako, siya lang ang tumagal sa puso ko.

"Irish, assist daw tayo sa event mamaya."

It was him who called me. Ganoon lang iyon, tatawagin lang ako kapag may kailangan nang gawin. We're both part of the Student Government. 

Pagkalingon ko sa kanya ay may nakapalibot na namang babae sa kanya. Irish, parang hindi ka pa nasanay ah. 

It was his ex-MU. Alam ko naging mag-MU lang sila, hindi naging sila. Eh ano naman sa akin?

"Ron, sumunod ka na lang ah." Bilin ko habang papunta na sa iba pang mga SG's. Maya-maya lang ay may humawak sa braso ko.

"Saglit, sabay na tayo."

In-assign kami pareho sa Peace and Order. Habang nagbabantay sa mga estudyante ay nagbabasa ako ng textbook. Tinatambakan kasi kami ng assignments ng teachers namin eh, tapos officer pa ako kaya kailangan ko ng time management o matalinong paggamit sa bawat oras.

"Kahit nag-aassist tayo, nag-aaral ka pa rin?" Tanong niya kaya naman napahinto ako sa pagbabasa.

Ngumiti ako, "Ah, kailangan kasi e."

Tumango naman siya at saka nag-cross arms.

Napansin kong nawawala ang distansya namin sa isa't-isa.

"Naranasan mo na bang magmahal, Irish?" 

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Anong klaseng tanong ba iyon? My heart was beating fast.

Huminga ako nang malalim, "Um, hindi pa." 

Sinungaling ka, Irish. Kailangan mo nang mangumpisal mamaya.

"Sigurado ka? Kahit minsan lang, hindi?" 

"Bakit mo ba naitanong?"

"Nagtatanong lang naman. May masama ba roon?"

Ewan ko pero umuurong ang dila ko kapag si Ron ang nagsasalita. May halong pagkama-otoridad ang boses niya.

"Oo, naranasan ko na, pero pinipigilan ko eh. Hindi kasi pwede eh."

Matagal bago siya nakasagot, "Bakit naman hindi pwede?"

Nagkibit-balikat ako. 

"Kasi ayaw mo masaktan?" Eh halos araw-araw naman nasasaktan ako kapag may lumalapit na iba sa iyo eh.

Fall.Where stories live. Discover now