#14 Kim

89 2 0
  • Dedicated to din
                                    

#14- Fall of Kim

"We're built to fall apart then fall back together."

xxx

Sa bawat relasyon, hindi maiiwasan na may labuan o away kahit na sobrang liit lang na gulo. Sa bawat relasyon, may gugulo at gugulo sa inyo, sinasadya man o hindi. Sa relasyon namin, may mas naging matimbang. Sa amin ng bestfriend niya, hindi ako ang pinili niya. Masakit, oo. Nagrereklamo ako, oo. Nagagalit ako, oo. Pero wala akong magawa. Halos mag-iisang taon na rin simula nang nagkahiwalay kami pero hanggang ngayon, heto pa rin ako. Nahihirapan, mapait, naiinis. Hindi ko alam kung sa sarili ko o kung sa kanya o kung sa best friend niyang napakagaling!

"Kim, sigurado ka? Pupunta ka doon sa dati mong school?" Tanong sa akin ng kaibigan ko habang naghahanda ako nang sarili ko.

"Oo, sigurado ako. Naka-move on naman na ako." Binigyan ako nang kakaibang tingin ng kasama ko kaya naman: "Oo, medyo naka-move on na ako pero sige aaminin ko, bitter ako."

Ngumisi na lamang ako at niyakap niya ako, "Mag-iingat ka doon, ah? Kapag kailangan mo ng resbak, tawagan mo lang ako."

Tumango-tango naman ako at nagpaalam na rin. May event kasi doon sa school na iyon at kailangang nandoon ako para suportahan ang kaibigan ko. Naalala ko ang petsa ngayon. Isang taon na rin pala talaga. Sa araw din na ito ako lubusang nasaktan, nagmukhang tanga, at napaasa nang sobra. Nakakatawa sana kaso mas naiinis lang ako.

"Kim," Bungad sa akin ng isang pamilyar na boses. Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago ako nagsalita, "VIP ako. Saan ako dapat pumunta at umupo?"

"Uh, dito. Halika, i-guide na kita." Aniya sabay turo at napairap ako.

"Hindi na kailangan. Kaya ko sarili ko." Ngumiti ako nang peke sa kanya. Malas nga naman oh, siya agad ang bubungad sa iyo.

"Kim, sorry." Aniya at sinubukan kong magpigil nang sarili. Nandito ako ngayon para suportahan ang kaibigan ko. Kailangang itatak ko sa isip ko iyon.

"Leigh, kamusta na kayo?" Saad ko at hindi ko napigilan ang sarili ko. Napaawang ang bibig niya sa pagiging prangka ko. "Kamusta na kayo ng ex ko?" I stepped forward at nagbuntung-hininga siya.

"He was not your ex, Kim." Malamig niyang sabi. Tumawa naman ako, "Ex-MU, edi fine. Masaya ka na ba? Kayo na siguro ano?"

Napapikit siya, "Kim, hindi kami. Hindi kailanman magiging kami."

I hissed, "Oh talaga? Kunware ka pa kasi eh. Bine-bestfriend mo para landiin mo."

Napahilamos siya sa mukha niya dahil sa inasta ko. Oo, iniinis ko ang bestfriend ng ex-MU ko. Sinasadya kong inisin siya.

"Una sa lahat, wag mo ako masabihang malandi ako. Hindi ko siya nilandi." Aniya.

"Punyemas naman oh, in-denial ka pa rin hanggang ngayon? Magsama kayo ng bestfriend mo!"

"Kim, nagpapakababa na 'ko. Sorry na nga eh. Sorry na kung akala mo ako yung dahilan bakit hindi naging kayo. Sorry kung oo sige, sorry kung malandi ako."

"Kim." Saad ng isa pa sa likod ko. Heto nang hinihintay ko. It's face time, Kim.

"Wala siyang kinalaman sa atin noon. Huwag mo na siya sisihin. Huwag ka na mandamay ng iba sa kasalanan ko. Desisyon ko iyon. Desisyon ko, naiintindihan mo ba?" Ani Warren. Pucha naman oh, bakit naiiyak ako?! Bakit ganito yung pakiramdam na makita siya ulit? Bakit nagkakaganito ako?! Bakit parang gusto ko siya yakapin? Kim, napakahina mo pa rin.

Umalis na ang kanina ko pang kausap na bestfriend ni Warren. Alam kong nasaktan ko siya sa mga sinabi ko pero hindi niya ako masisisi. Napansin kong nilapitan ako ni Warren kaya umatras ako. Ang kanina ko pang gustong gawin sa kanya ay ginawa niya sa akin.

Fall.Where stories live. Discover now