#20 Mara

42 0 0
                                    

#20- Fall of Mara


"Take the fall with me."


xxx


Hindi ko ba talaga maiwasan? Kaya ko bang pigilan ang sarili ko?

Napalingon ako sa kinalalagyan nila. Kumusta na kaya sila? Gusto kong malaman kung ano ang pinag-uusapan nila. Gusto kong malaman kung bakit parang ang saya nila samantalang ako, nahihirapan na dito.

"Si Louise ba 'yon? Kasama niya si Drew?" Tanong sa akin ng pinsan ko na kaibigan ni Louise.

Sumulyap ako at tumango sa kanya. Naririnig ko ang pagbungisngis niya sa gilid ko.

"Ang galing ng debut ko, ano? Naging instant-reminiscing place nila."

Nahirapan akong lumunok. Kinagat ko ang labi ko at nilaro ang cocktail na hawak ko. Nabigla ako nang higitin niya ako at napagtantong papalapit kami sa lugar nila Drew. Huminga ako nang malalim. Parang hindi ko kayang lumapit sa kanila. Ayaw kong magkamali.

Nag-hi ang pinsan kong debutant at nakipagbeso sa kanila. Ganoon rin ang ginawa ko since I have no choice. I really don't understand why we do that. Hindi naman kami Amerikano o gano'n kayaman para gawing pambati ang pakikipagbeso.

"Grabe, bagay pa rin talaga kayo. Bakit kasi naghiwalay kayo?" Tanong ng pinsan ko sa kanilang dalawa. Bumitiw naman ako sa pagkakakapit sa akin ng pinsan ko.

Napansin kong lumingon sa akin si Drew. Those eyes I've been secretly staring at for years.

Tumikhim ako, "Uh, n-nilalamig kasi ako. K-kukunin ko lang yung blazer ko. Excuse me."

Hindi ko magawang ngumisi man lang. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Bakit ba siya narito? At bakit ba 'ko ganito?!

Nadaanan ko ang ilang mga higanteng litrato ng pinsan ko. Dalawang taon na rin pala ang tanda ko sa kanya.

Nakarating ako sa garden ng venue. May mga small lights sa ibang mga halaman. Maraming bituin sa langit. Malamig talaga ang simoy ng hangin. Ito yung perfect place para magtanong sa sarili ko.

Humalukipkip ako, "Mara, in love ka pa rin ba sa kanya?"

Pirmi lang akong nakatayo at tila may hinihintay akong sumagot. Ako ba ang dapat sumagot nito?

Napailing ako. Tama ang pinsan ko. Ito yung perfect event para sa reminiscence. Dahil naalala ko ang lahat. Nanunumbalik ang lahat maging ang nararamdaman ko para sa kanya.

Why does it have to be you, Drew?

"I thought you're cold." Anang isang boses sa likod ko. Kilala ko 'yong boses na 'yon.

"Oh yes, you are. Ang cold mo na sa akin, mind explaining?"

Pinipiga ang puso ko. God, help me. "Drew... napadpad ka rito?"

Nagkibit-balikat siya at lumapit sa akin. "Wala ka namang cardigan or blazer. Hinayaan kitang umalis kasi akala ko kukunin mo."

Hinaplos ko ang magkabilang braso ko at hindi na nagsalita pa. Gayong ganito siya kalapit, sana hindi niya naririnig kung gaano kalakas ang pagpintig ng puso ko ngayon.

Napatitig ako sa kanya at may namumuong luha sa mga mata ko. Mabuti na lamang at gabi na at munting liwanag lang ang mayroon dito. Suminghap ako.

"K-kumusta na kayo ni Louise?" Saad ko habang kinikiskis ang mga palad ko.

Ganoon rin ang ginawa niya. "Okay lang naman."

Nagulat ako nang idampi niya ang kamay niya sa tainga ko. Ngumisi siya at kitang-kita ko iyon. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko nang marinig ko ang isang kanta.

Fall.Where stories live. Discover now