#7 Yani

143 4 7
                                    

#7 - Fall of Yani

❝There are lots of reasons not to fall for you but I still did.❞

xxx

This love won’t last forever, I told myself.

Just merely staring at this guy and the way how he dances makes me love him even more.

“Yani, itigil mo na.” Sambit ko sa sarili ko habang nakatitig pa rin habang nagpapraktis siya ng sayaw.

Napabuntung-hininga na lamang ako at pinagmasdan siya.

This is where my real place is. Somewhere far away from him where I could protect myself.

Hanggang dito lang ako. Bawal lumapit.

Hanggang ngayon, masakit pa rin para sa akin. He never noticed me. He never saw me. He never looked around. He never knew what I feel for him. He was never aware how long I’ve been waiting. He never knew how long I’ve been pretending in front of him. He didn’t know what he caused to me.

Hindi niya alam na nasasaktan ako. Hindi niya alam na nandito pa rin ako, nagbabakasakali na mapansin niya.

He never knew that I love him. And, he never loved me and never will.

Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko upang pigilan ang nagbabadyang tumulong mga luha ko. Alam ko naman ang lugar ko eh. Alam ko kung ano ang mga bawal. Pero masisisi ba niya ako kung nahulog ako sa kanya?

Oo, palagi niya lang akong tinataboy. Tuwing kakausapin ko siya, irritable at pabalang siya kung magsalita hindi tulad sa iba naming mga kasama na sobrang mahinahon ang boses niya. Kapag aalukin ko ng pagkain o tubig, hindi niya tatanggapin. Ayaw niya na marinig ang pangalan ko.

Sa madaling salita, ayaw niya sa akin. Malaking ekis ako para sa kanya.

Ganito pala yung pakiramdam noh? Hindi ka friend-zone. Hindi ka sisa-zoned. Hindi ka seen-zoned.

M.U. ka. M.U. as in Mahirap Umasa at M. U. as in Mag-isang Umiibig.

Sobrang sakit pa rin kahit hanggang ngayon. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya, sa isang taong hindi karapat-dapat sa pagmamahal ko.

“Yani!” tawag sa akin ng mga kaibigan ko. Lumingon naman ako sa kanila at nakita ang mga ngiti nila.

“Cheerdance competition na bukas ah?” Sambit ng isa sa mga kaibigan ko. Tumango naman ako, “Uh, oo. Medyo injured pa nga paa ko eh.”

“Magpagaling ka!” Sambit pa nila at tumingin sila kay JM, “Para kay JM! Kayanin mo. Goodluck!”

Ngumiti naman ako at umalis na rin sila. Ako kasi ang ili-lift ni JM pero sa kasamaang palad, na-injure ang paa ko. Medyo sumakit lang naman, hindi pa ganoon kalala at mabuti at hindi pa ako napilay.

Alam niyo naman siguro kung bakit nagkaganito ako. Sa sobrang sama ng timpla niya kanina ay hindi niya ako nabuhat nang maayos kaya heto ako ngayon.

Fall.Where stories live. Discover now