#5 Thea

203 4 0
  • Đã dành riêng cho bbyrng
                                    

#5 -Fall of Thea

❝This is an unexpected fall for you.❞

xxx

Kasalukuyan akong gumagawa ng assignments sa classroom namin. Maaga kasi akong nakatulog kagabi kaya hindi ko nasimulan ang mga ito. Sobrang dami pa man din kung magbigay ang mga teachers ng assignment. Lahat pa ng subject areas namin ay may binigay na assignment.

Ako pa lang mag-isa sa classroom namin. Napakaaga ko nga ngayon eh. Tulog pa ang mga magulang ko nung umalis ako sa bahay. Maaga naman talaga akong pumapasok dahil na rin sa secretary ako. Biniro pa nga ako ng guard kanina pagpasok ko sa gate na mas maaga pa ako sa principal ng school na ito.

Medyo inaantok pa ako kaya naman nagpatugtog ako.

♪ I lie awake at night

See things in black and white

I've only got you inside my mind

You know you have made me blind 

♪ I lie awake and pray

That you will look my way

I have all this longing in my heart

I knew it right from the start ♪ 

♪ Oh my pretty pretty boy I love you

Like I never ever loved no one before you

Pretty pretty boy of mine

Just tell me you love me too 

♪ Oh my pretty pretty boy

I need you

Oh my pretty pretty boy I do

Let me inside

Make me stay right beside you 

Maya-maya ay may naramdaman ako na nakatingin sa akin. Ayaw kong tumingin dahil 5:30 pa lang ng umaga. Sobrang aga ko naman kasi!

“Anak,” Saad ng nakatingin sa akin. Anak? Si Lord ba ito? Dinadalaw niya ako?

“Nak.” Tawag nito ulit.

Sa akin ba? Baka naman may kasama na ako sa classroom. Gusto kong ilibot ang mata ko sa classroom pero natatakot ako. Mamaya multo o aswang pala itong tumatawag sa akin. Masasapak ko iyon!

“Pst, uy, Thea.” Binanggit na niya ang pangalan ko.

Mas lalo akong kinabahan. Grabe, Thea, parang hindi ka matapang ah? Babae ka na ngayon?

Thea? Ako ba? Huminga ako nang malalim bago lumingon dito. Itinigil ko  ang pagpapatugtog ko.

“Ah, Sir.” Sabi ko nang nakangiti. Napahiya ako doon ah. Nakakahiya, si Sir Soms na pala ito. Akala ko kung sino. Ang creepy kasi ng dating para sa akin.

Lumapit ako kay Sir at ganoon rin siya sa akin. Nakita ko pang medyo nakatawa si Sir Soms at matalim ang tingin sa akin.

“Bakit, Sir? Sorry po pala kanina.” Sabi ko saka nagkamot ng ulo ko. Nakakahiya talaga kanina. Nakailang tawag pa si Sir Soms sa akin.

Fall.Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ