#23 Richard

48 3 0
                                    


#23- Fall of Richard


"Please do not fall in love with someone else."


xxx


Masyado pang maaga upang gawin ko ang isang bagay walang kasiguraduhan noon. Masyado pang maaga upang sabihin ko na siya na nga. Alam kong ilang taon na akong nanatili na ganito. Ganito lagi ang set-up. Hulog ako sa kanya, mahal ko siya pero hindi niya ako mahal. Kailanman ay hinding-hindi mangyayari iyon.


Alam kong masakit. Pero gano'n naman talaga ang pakiramdam kung magmamahal ka nang totoo, hindi ba? Masakit, mapait, sa bandang huli lamang giginhawa.


"Richard, may nabalitaan kami." Usisa sa akin ng tropa ko, halatang tinakbo ang distansya naming dalawa.


Kumunot ang noo ko, "Ano 'yon?"


"Si Maine, aalis na. Pupunta na siyang California ulit." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko iyon. Sinabayan pa ng pagbigat ng kalooban ko. Sa limang taon, hindi pa ako nagkaroon ng lakas loob na sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Nagpakaduwag ako. Napakalaki kong duwag.


Hindi ako makaimik. Tulala lang ako at nag-iisip nang kung ano-ano. Paano kung sabihin ko sa kanya na mahal ko siya? Paano kung gano'n ang gawin ko? Aalis pa ba siya? Will she stay? Natural hindi. I am just a nobody to her. I mean, a friend. I was her friend back then.


Ako lang ang naging cold sa kanya. Hindi ko siya pinansin noon. Hindi ko siya nilapitan. Iniwasan ko siya at lahat ng mga bagay na may kinalaman sa kanya noong mga panahon na unti-unti kong natanto sa sarili ko na minamahal ko na siya. Ang pinakamasakit na pagmamahal o pagkahulog ay ang pagmamahal o pagkahulog mo sa kaibigan mo,  na kaibigan lang ang turing sa iyo. Walang anumang pakiramdam. Plain friend, plain shit din.


"Richard, ano na? Ano na'ng plano mo?"


Napayuko ako habang umiiling. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Gustong-gusto ko nang umamin sa kanya pero parang may nagho-hold back sa akin. Hindi ko maintindihan, ganto ba talaga iyon? Iyong pipiliin mo na lang din kung saan siya masaya? Iyong nasasaktan ka na pero ayaw mong ipakita dahil wala kang karapatan? Kahit na sa pagkakaalam ko, na ang masaktan ay hindi karapatan.


"Ewan ko. E'di pumunta siya. Wala namang magbabago kung umamin ako."


Napailing silang lahat at tila mas iritado pa sa akin. Huminga ako nang malalim, "May boyfriend yung tao. Bawal pa rin, okay?"


Sinubukan kong maunang maglakad pero lalo lang akong dinudurog. Pinipiga ang mga ugat sa puso ko. Hindi ako makahinga. 


Matagal ko nang alam na isa sa mga araw na ito, aalis siya ng bansa. Babalik siya ng California upang doon na tumira at magtrabaho. I told you we were friends back then and she used to tell me this. Noong una, naisip ko na ayos lang iyon dahil para iyon sa kinabukasan niya. Pero ngayon, parang hindi ko kaya. 


Maglalaho siya sa mundo ko nang hindi niya nalalaman ang totoo. Bahala na, gustuhin man niya rin ako o hindi, marahil ay matatanggap ko iyon.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Oct 16, 2015 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Fall.Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz