#3 Sheila

164 5 0
                                    

#3 - Fall of Sheila

❝Wala talagang forever.❞

xxx

I have always loved someone who can make me laugh. And I have always fell for someone who doesn't even catch me.

Habang breaktime namin ay may sinusulat ako sa likod ng notebook ko.

Ang pangalan niya. 

"Ewan ko bakit kita nagustuhan eh. Ano bang meron sayo na wala sa iba? Kung tutuusin ang daming iba diyan eh, pero bakit ba kasi ikaw pa?

"Hindi mo ba alam na nahihirapan na ako? Ilang years na akong ganito. Gusto kita, may nararamdaman ako para sayo pero ikaw din, may iba kang gusto.

"Para lang akong tanga, Kent. Promise, mawawala din ito. 

"Kasi wala talagang forever. At alam kong hindi ako forever magkakagusto sayo."

Napasubsob na ako sa upuan ko, ipapahinga ko muna itong utak ko. Kailangan na ata nito ng pahinga eh.

---

"Kent! Si Sheila oh, I love you daw."

Namulat ang mata ko sa sigaw ng kaklase ko. Ano ba naman itong kaklase ko! Bakit niya pinakialaman yung notebook ko.

"Hoy, pakialamero ka eh noh!" at saka ko itinago yung notebook ko. This is much of humiliation.

"May love letter pa para sayo, Kent oh! Gwapo naks!"

"Ano ba! Tumigil ka na nga!" Saway ko sa kanya pero nabigla ako nang magsalita siya.

"Hayaan mo siya, baliw yan e."

Ganoon? Ganoon lang iyon? Baliw? Palibhasa kasi akala niya biro biro lang ang nararamdaman ko para sa kanya. 

Sa bagay, tama naman siya eh. Baliw nga siguro ako. Baliw lang naman ang babaeng magkakagusto sa walang modong taong ito!

Naramdaman kong nag-init ang mata ko, bakit ako iiyak? Napakababaw ko naman para doon.

To think na wala naman akong karapatan umiyak. Sabi naman kasi sayo Sheila eh, hindi ka dapat nagmahal ka sa taong iyan. Hindi iyan marunong magbigay importansya sa nararamdaman ng isang babae at sa babae. Kahit kailan, hindi ka niya mapapansin. Hindi niya mararamdaman yang nararamdaman mo para sa kanya.

Please lang, wag kang tanga.

My eyes blurred and with that, lumabas ako ng classroom namin.

---

Uwian na at nasa labas akong bumibili ng pagkain. May practice pa kasi kami para sa play namin. 

Nadaanan ako ng bestfriend ko at may ipinakita siyang photo sa akin. Nakita lang daw niya sa Twitter.

Fall.Where stories live. Discover now