#9 Blue

324 3 7
                                    

#9 – Fall of Blue

❝You can’t undo a fall like this.❞ 

xxx

Nasanay na ako na magaganda at mayayamang mga babae ang nakapaligid sa akin. Dito ba naman sa prestihiysong unibersidad na ito, sinong dukha ang makakapag-aral dito?

“Look at her. Siguro ginayuma niya iyong dean kaya nakapasok siya rito. How could a girl like her enter our school? God!” Narinig ko ang mga nagrereklamong estudyante dito.

I looked at where they’re looking and saw a girl, a poor girl, here in our campus. Wait, bakit sa room ko siya papasok? Don’t tell me, classmate ko siya sa subject ko ngayon?

“Excuse me miss. No pooritas allowed.” Saad ko at inunahan ko siya sa pagpasok. Sinadya ko pa siyang banggain.

Nakita ko naman napayuko na lang siya sa sinabi at ginawa ko. Tinukso naman ako ng mga kaibigan ko nang makita nila ang ginawa ko.

“She’s a girl, dude. You’re really mean, Blue.” My friend told me. Nagkibit-balikat na lang ako.

“Mamaya ma-inlove ka doon pare.” Sabi naman ng isa ko pang kaibigan.

“Baliw ka ba?” Tugon ko naman rito at pinaliparan siya ng notebook. Umiwas siya pero natamaan pa rin sya.

“Anong ako ang baliw? Ikaw pare. Mababaliw ka doon sa babaeng iyon!”  Sambit niya pero isinawalang-kibo ko na lang dahil wala namang kwenta ang mga lumalabas sa bibig niya. Siya talaga ang baliw.

Lumipas ang ilang oras at natapos rin ang klase. Nasa harapan ko pa iyong babae kanina. Napag-alaman ko pa ang pangalan niya. Hennesy. Not an ordinary name.

“Hennesy Roque,” banggit ko sa pangalan niya habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko.

“Dude, what?” Tanong nila sa akin nang may malalaking mata dahil sa gulat. Kahit ako, nabigla sa sinabi ko.

“I told you, mababaliw ka, Blue. Wow, did that just rhyme?” Saad niya habang tumatawa pa. Baliw din siya, sabi ko na nga ba eh.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makita namin siyang nakaupo sa isang bench at gumagawa yata ng schoolworks. Studyholic pala itong babaeng ito.

“Speaking of…” Saad ng kasama ko at sinamaan ko lang siya ng tingin.

Pumulot ako ng mga bato sa paligid at inilagay ko iyon sa bag niya nang palihim. Mabuti na lamang at napansin kong naka-earphones pa siya.

I bet local iyon. How could a poor girl like her buy one?

“Pare. Hindi naman porke probinsyana eh mahirap na.” Utas ng kasama ko habang pabalik kami sa klase namin.

“Wala akong pakialam kung galing siya ng probinsya o mahirap siya o ano.”

“Iyan na ‘yon, Blue.” Aniya at nagtaka naman ako.

Fall.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang