#13 Quennie

88 2 0
                                    

#13 - The Fall of Queen

"The queen has fallen."

xxx

Tinagurian akong Bitter Queen dito sa campus namin. Madalas nila akong tuksuhin at sinasabi nilang napaka-manhater ko raw. Hindi daw magiging masaya ang buhay ko kung wala akong boyfriend. Kasalanan ko ba kung ayaw ko sa mga lalaki? Naalala ko lang ang Daddy ko na iniwan kami basta-basta, nambabae at nagkaroon ng ibang pamilya. Doon ko naisip na baka pare-pareho lang ang mga lalaki. Mga manloloko, sinungaling at nananakit lang! Isa pang dahilan kung bakit ayaw ko sa kanila ay dahil sa pagpigil ng Mommy ko sa akin.

"Those guys will just hurt you. Protect yourself, Quennie." Aniya isang beses habang nag-rereview ako para sa final exams namin.

"Yes mom, alam ko po 'yon. Dad is a living proof." Utas ko naman at may namayaning inis sa akin. Matapos noon ay niyakap niya ako at sinabi kung gaano niya ako kamahal, "You should study first then go abroad."

Ngumisi na lamang ako though I didn't like the idea. I never wished going abroad to work. Travel ang term ko. Gusto kong pumunta sa iba't-ibang bansa lalong-lalo na sa Europa.

"Quennie, marunong ka na maggitara?" Tanong sa akin ng isang kaibigan kong lalaki. I mean, nag-iisang lalaking kaibigan ko. Maswerte siya, oo. Take note: Hindi daw siya bakla. Medyo nasusungitan ko rin siya pero minsan din naman ay mabait ako.

"Oo, gusto mo hampasin pa kita ng gitara eh!" Mataray kong sabi at isinara na ang cabinet ng first aid namin.

"Sadista ka talaga, Kweng." Aniya at nairita naman ako.

"The fudge, Silvestre? Kweng? Ano ako, pagkain? Parang kwek-kwek lang ganon?" Sabi ko sabay hampas sa kanya sa ulo.

"Ano bang makakpagpalambot diyan sa puso mo?" Tanong niya at sumagot naman ako, "Try mo i-boil."

"Ayieee nagjo-joke siya. Corny ka doon ah. Wag mo na uulitin." Aniya at hinampas ko ulit siya.

"Alam mong sarado 'to diba? May pader 'to, napakataas!" Sabay turo ko sa parteng iyon. "No trespassing." Pinagdiinan ko pa ang sinabi ko sa kanya.

"Great wall of Quennie." Aniya, "Aakyatin ko 'yan. Kahit gaano pa 'yan kataas."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito rin ang pakiramdam ko kapag nagseseryoso siya. Hangga't maaari nga'y ayaw kong maging seryoso ang usapan naming dalawa.

"Kahit gaano kataas?" Saad ko nang wala sa sarili kaya napalingon siya sa akin at napakagat ako ng labi ko.

"Pinapayagan mo na ako, Quennie?" Aniya at nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Binilisan ko ang lakad papuntang classroom namin. Sht, ano bang sinabi ko?!

"Oo, Quennie. Kahit gaano pa kataas 'yan. Aakyatin ko iyan tapos gagamutin ko rin." Saad niya at nagpasak na lamang ako ng earphones ko kahit wala talaga akong pinakikinggan.

Ayaw kong marinig ang mga sinasabi niya. Ayaw kong maniwala at umasa. Ayaw kong mahulog sa kanya kahit na sobrang tagal ko nang nahulog sa bestfriend ko. Nako, Silvestre. Tantanan mo ako! Mababaliw ako rito!

"Ryan Silvestre, it's your turn." Siya na ang tutugtog ng gitara sa harap. Ito ang practicum namin sa Music. Daming nalalaman ng teacher namin eh.

"Ano ang kakantahin, bakit, para kanino?" Tanong ng teacher namin. Automatic na rin naming sasabihin iyon kapag turn na namin.

"Uh, Fall by Justin Bieber. Bakit at para kanino? Um, para sa reyna ng buhay ko na ayaw umalis sa kinalalagyan niya."

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong makinig sa pagtugtog niya. Humiyaw ang mga kaklase ko at nakita ko pa ang ilan sa mga kaibigan niya na lumingon sa akin. Bawal ka magpaapekto. Tinaasan ko lang sila ng kilay at isinubsob ang mukha ko sa armchair ko.

Fall.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon