#18 Coleen

55 2 0
                                    

#18- Fall of Coleen



"Don't be afraid, afraid to fall."



xxx






Lahat ng nahuhulog ay nababasag. Lahat ng nahuhulog, nasasaktan. Lahat ng nahulog noon, tila ayaw nang mahulog pang muli. Nakakatakot. Sobra-sobrang sakit lalo na kapag diretso lagapak ka sa lupa. Sobrang sakit kapag walang sumalo sa iyo.



Lahat ng sakit na yon ay nanumbalik sa akin sa gabing ito. Nakahawak siya sa baywang ko nang napakahigpit. Samantalang nakapatong naman ang mga kamay ko sa balikat niya.


Walang usap-usap. Walang imikan kahit na siya ang escort ko.




"You are so damn lovely tonight." Aniya bigla na nagpainit ng pisngi ko. Dammit, bakit ba napakapa-fall niya?



Pa-fall nga ba siya o ako lang itong assuming? Hay ewan.



"S-salamat, Genesis." 



Hinawakan niya ang baba ko at hinuli ang mga mata ko. Napapikit ako nang mariin. Hindi pwede. Hindi na pwedeng maghuramentado ang puso ko. Natatakot ako. Takot na ako.



Dalawang taon na rin mula nang magkaiba kami ng landas ni Genesis. Parehas kaming Grade 12 na at halos graduating na rin. Magkaiba kami ng school na pinasukan. Sa unibersidad ako nag-aral samantalang siya ay doon pa rin sa dati naming school. Nag-vocational siya samantalang ako ay nag-acads at tumuloy na ako sa unibersidad na nag-offer ng Senior High School. Napailing ako.



"I missed you." Sambit niya. Napaangat ako ng tingin at nakita ko ang lungkot at pagkaseryoso sa mga mata niya. Oh shit lang! What now?




"Na-miss kita nang sobra, Coleen. Nawala ang isang parte ng buhay ko nung nag-university ka agad. Damn, halos mabaliw ako. Inoobserbahan kita doon." 


Nagulat ako sa tinuran niya. Seryoso ba siya?




"Inii-stalk mo ako?" Sabay turo ko sa mukha ko. Seriously?


Dahan-dahan siyang tumango at napayuko ako. Pa-fall nga ang isang 'to!


Fall.Where stories live. Discover now