#15 Mace

55 1 0
                                    

#15 - Fall of Mace


"Who falls, lose."



xxx



Hindi ako patatalo sa kahit ano'ng bagay. Hindi ako matitibag ng kahit na sino. Kung nasaan man ako ngayon, walang makakahigit o makakapantay sa akin. Walang kayang magpabagsak sa akin. None, never.


"Mace, top 2 ka na ngayon." Bungad sa akin ng kaibigan ko pagkapasok ko ng classroom. Nanlaki ang mata ko sa gulat ko.

"Ano'ng sabi mo?" Sabi ko pero hindi ko na siya pinasagot at agad akong pumunta sa bulletin board namin. Napailing ako. This is just frustrating!


"Humanda sa'kin 'yang si Alvin!" Saad ko at umupo na sa upuan ko. God, pagkatapos ng lahat ng pagsusunog ko ng kilay, matataasan niya ako! Kumokopya siguro siya sa akin tuwing exams dahil nasa likuran ko siya. Baka kinukuha niya ang notebooks ko kapag may assignment dahil nasa harapan niya lang ang bag ko. Sht, I can't let this. Hindi pwedeng maagaw niya ang trono ko! Ako dapat ang top 1 at hindi siya.


"I deserved it." Naiinis kong sabi. Sakto namang naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Uy Alvin, congrats!" Anila.

"Ang galing niya talaga! Gwapo na, matalino pa." Sambit pa ng iba. Napairap ako at nagpipigil. Hindi ako pwedeng mainis sa harap niya. Baka mapatay ko siya! How dare he get my position? How dare he get what's mine?


Naramdaman kong umupo na siya sa likod ko. Tumaas ang isang kilay ko. This is it!


"Paano ka naging top 1?" Bungad ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako. Napairap ako.


"Top 1 ka pero simpleng tanong hindi mo masagot?" Sht, bakit ko ba siya tinawag na top 1? Dapat na karugtong ng salitang iyon ay pangalan ko.


"Mace, nag-aaral ako nang mabuti. Saka may inspirasyon ako, you know. May tinitingala akong tao." Aniya at huminga ako nang malalim. Napapikit ako dahil sa nararamdaman kong inis.

Pagdilat ko nga lang ay nakatambad na ang mukha niya sa akin, sobrang lapit.


"Annoyed much?" Aniya. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa lapit namin. Umatras ako nang kaunti bago magsalita, "It's because this is disappointing! I did my best and no one dares to beat me."


"Well, ibahin mo ako, Mace." Aniya.


Lumipas pa ang ilang oras at nagkaroon ng panibagong lesson. Last subject then dismissal time. Ito ang unang beses na mas ginusto kong umuwi.

I need to recover. I need to study the hardest I can.


"Mind if we go out?" Aniya habang nagliligpit ako ng gamit. Hindi ko siya nilingon o sinagot man lang.

"Come on, my treat." Naiirita talaga ako.


"Alam mo, Alvin. Nakuha mo na ang gusto mo. Nakuha mo na yung akin. Just please, back off." Saad ko at saka nag-ipit ng buhok ko.

Fall.Where stories live. Discover now