#22 Geralyn

52 4 0
                                    

#22 - Fall of Geralyn

"'Cause when you fall in love with someone, you never really stopped loving them."

xxx

How do you stay in love with someone who is not worth your tears?

How do I keep to myself all the hurt and pain he gave me? No one knew the answer. Neither do I.

"Joshua, si Crisha, tulungan natin oh," rinig kong sambit ng isa niyang kaibigan.

Napalingon ako sa kanya na agad namang tumingin sa direksyon ni Crisha at tinulungan nga nila itong magbuhat ng props na gagamitin nila para sa Interpretative Dance.

Parang may kumirot sa parteng dibdib ko at mukhang alam ko na kung alin iyon doon. Lagi namang ganito, hindi pa ba ako nasanay?

Iyong kada titingnan ko siya, may kasama siyang babae at madalas si Crisha iyon. Iyong kapag magkasama sila ay masaya sila pareho.

Minsan naisip ko, sana balang araw, ako na lang. Ako na lang ang kasama niya. Ako na lang ang makapagpasaya sa kanya. Ako na lang ulit.

I should've called you out
I should've said your name
I should've turned around
I should've looked again

Hindi ko alam. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kasalanan ko naman ito noong una pa lang. This is all my fault in the first place.

Ginusto ko ito kaya dapat tanggap ko. Ito yung pinili ko eh--- yung malayo sa kanya.

"Geralyn, mahal na mahal kita. Seryoso ako doon, kahit na sabihin pa nila na playboy ako noon. Seryoso ako sa'yo, maniwala ka naman sa 'kin." Aniya noong araw na nagtapat siya sa akin ng kanyang nararamdaman. Nagulat ako noon dahil kitang-kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

But oh, I'm staring at the mess I made
I 'm staring at the mess I made
I 'm staring at the mess I made
As you turn, you take your heart and walk away

Matagal nang sinasabi sa akin ng mga ibang tao na malaro sa babae itong si Joshua. Iyong pagkatapos ng relasyon sa isang babae ay may pamalit kaagad.

May part sa akin na hindi iyon pinaniwalaan dahil ipinaramdam niya sa akin ang ngayon ko lang naranasan. Iyong may mag-aalaga sa akin, iyong may nag-aalala, magtatanong kung nasaan ako o kaya ay hahanapin ako kung hindi niya ako makita sa paligid niya.

Ipinaramdam niya sa akin ang ginagawa ng isang seryosong manliligaw.

Ngunit, may part din sa akin na nag-doubt tungkol sa totoo niyang motibo sa akin. I doubted his feelings for me. Minsan, naisip ko na baka nga isa siyang playboy dahil pinaglalaruan niya ang feelings ko. May araw na hindi siya sweet, may araw na dinadaanan niya lang ako, may araw na hindi niya ako pinapansin. Mas madalas din noon, kasama niya si Crisha kung hindi man ang tropa niya.

What the f was that? Was he really courting me or was he courting us? Iyon bang kung sino man ang unang sumagot sa amin ay magiging girlfriend niya at kung pagsawaan na niya ay bigla na lamang siyang maglalaho na parang bula at makikita mo isang araw na kasama ang panibago niyang biktima?

Hell kind of a guy. He isn't man enough. But still, I fell for him. I'm just not sure of his feelings for me.

"Has it faded now, Joshua?" Naiiyak kong sabi habang pinanonood siyang sumayaw.

I should've spoken up
I should've proudly claimed
That oh my head's to blame
For all my heart's mistakes

Fall.Where stories live. Discover now