#11 Ced

104 3 4
                                    

#11 – Fall of Ced

“It’s bizarre how one person falls in love, more.”

xxx

Matagal nang sinabi ng lola ko sa akin na kapag nabihag ka ng mata ng isang tao, may posibilidad na mahulog ka din sa taong iyon. You fall in love with the eyes, then you really are falling in love with that person.

Leslie: Hi, thanks po sa floodlikes!

Me: No worries.

/ Seen 12: 36 pm /

 

That was the start of everything. That was when I really found myself falling in love. Hindi ko siya ganoon kilala pero alam kong schoolmate ko siya. I was a senior while she’s a sophomore.

Nakikita ko lang ang mga selfies niya sa wall ko sa Facebook and admittedly, maganda naman siya. Matangos ang ilong niya, ‘yong kurba ng labi niya pati iyong mga mata niya, maganda.

Matagal kong natitigan ang mga mata niya kahit doon pa lang sa picture niya. Paano pa kaya kung makita ko siya nang personal?

Oo, tinadtad ko siya ng likes. Kahit throwback pictures niya yata ay ni-like ko na. Halos lahat yata ng notifications niya ay ako ang dahilan.

Isang beses, recess namin. Bumaba ako dahil nagbaka-sakali akong makikita ko siya. Kaibigan pala siya ng isa kong kaklase na babaeng kaibigan ko rin. Pinagtanungan ko na siya about kay Leslie at puro positive naman ang narinig ko.

“Bakit? In-love ka noh?” Panunukso naman niya sa akin at umiling naman ako.

“Crush lang. Harmless crush.” Pagtatama ko sa kanya at ngumisi naman siya.

“Anong harmless, Ced?! Kapag nagmahal ka na, o kahit mahulog ka man sa isang tao, may kakambal nang sakit iyon!”

Tumawa naman ako, “Hugot?”

Binatukan naman niya ako at pagkalabas namin ng canteen ay saktong nakasalubong namin siya. Ngumisi naman ang kasama ko at lumapit kay Leslie saka ito inakbayan.

“Leslie, si Ced, kaibigan ko,” sabay turo niya sa akin at kumaway naman ito. Ngumiti rin ako nang ngumiti siya.

“Ced, si Leslie, kaibigan ko rin.” Loko talaga ito! Daming alam!

Hindi ko alam anong nangyayari sa akin. Masaya ako dahil nakita ko siya nang personalan pero bakit ang bilis ng pagtibok ng puso ko?

“Hi, kuya Ced.” Aniya at ganoon rin ako sa kanya.

“H’wag ka na magkuya. Ced na lang.”

“Sows. Huwag daw i-kuya kasi lalandiin ka rin lang!” Hinawakan ko naman siya at hinila na paalis doon.

“Ano ka ba? Nilalakad ka na nga eh.”

“Hindi ko kailangan nang pagrereto mo sa akin sa kanya. Kaya ko sarili ko.” Sabi ko naman. Ano na naman ba yung sinabi ko?

“Binata na si Ced.” Aniya at binatukan ko rin. “Hangal ka talaga, ewan ko sayo!”

Pauwi kami at kakwentuhan ko pa rin iyong kaibigan ko. Palabas na kami ng gate nang makita ulit namin siya na bumibili ng footlong. May kasama siyang isang lalaki.

“Ay nga pala. Nakalimutan ko sabihin sayo. May umaaligid nga pala diyan kay Leslie.” Aniya.

“Sino naman yang ungas na ‘yan?” Sambit ko naman at nakisingit ako doon sa mga bumibili. Pinagmamasdan ko iyong lalaking kasama niya.

Fall.Where stories live. Discover now