Epilogue

89 5 4
                                    

Brandel's POV

Mawawala na yata ako sa katinuan. Tatlong araw, tatlong linggo at tatlong buwan na ang lumipas. Ganoon na katagal simula nang matagpuan ang kapatid ko sa may bangin. Dalawang araw na siyang patay nang matagpuan. Halos lasog na lasog na ang katawan niya.

Ang kawawa kong kapatid.

Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na mahal na mahal ko siya. Ang nag-iisa kong pamilya. Ang nag-iisa kong kapatid.

Mahal na mahal ko siya. Hindi man ako naging perpektong kapatid. Ni hindi ko man lang pinagtuunan ng pansin ang mga pagbabago niya. Hinayaan ko lang siya na gumalaw mag-isa. Na kayanin lahat ng mag-isa.

I thought she's old enough to carry everything on her shoulder. Akala ko lang pala.

Namatay ang kapatid ko. Wala kong nagawang maayos para sa kaniya. Wala man lang akong naibigay na regalo sa kaniya kahit noong nakaraan niyang kaarawan. Lumuhod ako sa harap ng puntod ng aking kapatid. Katabi nang puntod ng Papa namin. Nasa harap ko ngayon ang mga taong mahahalaga sa 'kin.

"D-Devi."

Sinimulan kong linisin ang mga puntod nila. Linagyan ko nang mga bulaklak. Nagtirik din ako ng kandila.

Nagdasal ng tahimik. Inaalala ang mga huling sandali na nakasama ko sila. Mga araw na naging iresponsable akong kapatid at anak.

Mga araw na hindi ko na kayang ibalik pa.

May lumuhod sa tabi ko. Tiningnan ko siya. Nakatingin din siya sa 'kin at nakangiti. "Kasama mo ko. Maaasahan mo ko," nakangiting sabi ni Jeline.

"Salamat," I smiled at her.

"Lagi lang akong nandito hangga't kailangan mo ko," she smiled genuinely.

Kasama ko si Jeline. Tinulungan niya ko sa maraming bagay. Hindi niya ko pinabayaan. Mas lalo ko siyang nagugustuhan.

Magkapanabay kaming naglakad palabas ng sementeryo. Tuwang-tuwa ako habang nagkukuwento siya. Ang giliw niyang magsalita. Ang cute niya pang ngumiti.

Huminto kami sa tapat ng gate nang sementeryo. Nag-ring kasi ang cellphone ko. Chief namin ang tumatawag. Urgent daw.

Sinagot ko muna ang tawag. Si Jeline naman ay tumawid papunta sa street foods.

Nagulat ako nang may bumusina nang malakas. Halos panawan na naman ako nang katinuan dahil sa nakita ko.

Dalawang tao ang nakahandusay sa gitna ng kalsada. Ang isa ay bata. Ang isa ay babae. Nakita ko pa ang isang lalaki na tumatakbo palayo sa mga tao sa kalsada.

Tumakbo ako palapit doon. Bumubulwak ang dugo mula sa sentido niyang nabutas. Lumuhod ako sa harap niya. Nangingilid ang mga luha mula sa mga mata.

"B-Brand," she whispered.

"Jeline! Jeline, huwag kang matutulog! Dadalhin kita sa ospital!" Yinakap ko siya saka binuhat sa bisig ko.

"I-Ingatan m-mo," umubo siya ng dugo. "A-Ang sarili m-mo..."

"N-No. Huwag namang ganito." Tinitigan niya ko ng maigi.

"Mahal k-kita, " halos pabulong niya nang usal.

"Mahal din kita! Mahal na mahal! Please, stay!"

Hinaplos niya ang pisngi ko. Saka pumikit ang mga mata niya. "No! No!"

Para na kong masisiraan ng bait. "Mahal kita, Jeline Aldozo. Mahal na mahal!"

Xyzin's POV

Tinatamad akong umupo sa bench dito sa park. Still finding someone that I can fool heavily. 'Yong hindi na papapalpak.

May gumulong na bola patungo sa paa ko. Inis akong tumingin doon. May batang babae na lumapit. Kinuha niya ang bola sa paanan ko.

"Kuya, bakit tumagos 'yong bola sa paa mo?"

Ngumisi ako. "Hindi mo ba ko kilala?" I asked her.

Umiling siya nang mabilis. "I'm your guardian angel," I smiled.

Lumawak ang ngiti nang walang muwang na bata. Ginulo ko ang buhok niya. "And I'm going to change your life."

The End.

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now