Chapter 5

67 8 0
                                    

Devilia's POV

My heart is pounding with fear. I think I'm dreaming again. What if it's all about Xyzin again? He's damn wicked!

I'm standing in front of a small house. Tagpi-tagpi ang bahay. Mukhang nasa squater's area pa. Bukas ang gate kaya dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob. Nakarinig ako ng mga sigawan.

"Lumayas ka ditong bata ka! Pabigat ka talagang tangina ka!" Boses iyon ng isang babae. Galit na galit at may tunog pang parang hinahampas. May lumabas na medyo matandang babae. May kinakaladkad siyang batang lalaki.

Puno ng pasa ang bata, pero pinapalo pa rin siya ng malakas ng babae. Nahagip ng mga mata ko ang mukha ng bata. Kagulat-gulat na hindi man lang umiiyak ang bata. Kasing laki na yata ng dos por dos ang pinapalo sa kaniyang bakal. Walang ekspresyon ang mukha ng bata. Waring sanay na sa mga nangyayari.

Tiningnan ako ng bata. Nakita ko kung paano siya ngumisi.

Si Xyzin! Ang batang iyon ay si Xyzin!

Napatakbo tuloy ako palayo sa bahay na 'yon. Tumakbo ako nang mabilis. Ayaw kong makita ang Xyzin na iyon kahit sa panaginip man lang.

Huminto ako sa pagtakbo dahil nakarating ako sa palengke. Luminga-linga ako dahil baka nandiyan na naman si Xyzin. Nakita ko ang batang si Xyzin. Nakatalikod pero alam kong siya 'yon! Mas matangkad nga lang ngunit sobrang payat. Nakita ko kung paano niya nakawan ang mga mamimili. Ang bilis ng kamay niya. Parang wala lang sa kaniya ang masamang gawain.

Liningon niya ako kaya kinabahan na ako. Tumalikod ako at muling tumakbo. Buti pa rito hindi ako napapagod tumakbo. Pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta!

Takbo ako nang takbo. Saan ba ko dadalhin ng mga paa ko? Napagmasdan ko na lang na madilim na ang paligid. Mukhang gabi na rito sa panaginip ko.

Napadpad ako sa tapat ng isang...

M-Motel?

Motel?!

Bakit naman may ganito sa panaginip ko? Napaka-disente kong tao!

Ewan ko pero parang may puwersang nagtulak sa 'kin para pumasok. Mga ungol lang ang naririnig ko. May mga dagundong din. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Kahit sobrang nakakailang ang mga naririnig ko. Nakita kong bukas ang isang pinto.

Sisilip ba ko? Baka naman maargabyado ko ang privacy nila. Pero panaginip ko naman 'to!

Lumakad ako papalapit sa bukas na pintuan. Bukas na bukas na iyon. Parang gustong ipakita sa lahat ang nangyayari sa loob. Sumilip ako roon. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nakita.

May isang babae at isang lalaki. Natatakpan ng kumot ang ginagawa nila pero kitang-kita ko kung paano umindayog ang lalaki sa ibabaw. Napako ang tingin ko roon sa matagal na panahon. Hanggang sa natapos nila at nakasilip pa rin ako.

Nakita ko kung paano bigyan ng limang libo ang lalaki. Tumingin siya sa direksyon ko. Puno ng pait ang mga mata niya pero walang ekspresyon ang mukha.

Xyzin...

Siya si Xyzin...

Bakit niya kailangang gawin 'yon? Bakit siya binabayaran para gawin 'yon?

Naramdaman kong may kumalabit sa 'kin. Humarap ako sa kaniya.

Nagulat ako nang magbago ang itsura ng paligid. Maaliwalas at maganda ang simoy ng hangin. Marami ring bulaklak at halaman. Nakita kong nakatayo sa harap ko si Xyzin.

"You saw it," his voice is deep and filled with pain. "You saw how I suffered. I just want others to feel what I felt."

Naglakad siya kaya sumunod ako. Nakatingin siya sa mga puting rosas. Ang gaganda ng mga iyon. Mas maganda pa kaysa sa mga nasa flower shop namin.

Kumuha siya ng isa at inabot iyon sa 'kin. "My life was a mess," Umupo siya sa damuhan kaya tumabi ako. "Mas maganda pala kapag patay na."

Yumuko siya. "I just want to have a happy family. I want to be loved!" Unti-unti siyang nanginig.

"M-Madumi a-ako."

"W-Wala akong kwenta!

Tiningnan niya ko. Kitang-kita ko ang pagragasa ng mga luha mula sa magkabila niyang mata. "Hindi ako pumapatay ng walang sapat na dahilan," Hinawakan niya ang kamay ko.

Ano bang dapat kong sabihin? Masyado akong nagugulat sa mga nalalaman ko. Hindi ko nga alam kung totoo ba ito o parte lang ng imahinasyon ko.

Hinawakan ko rin ang kamay niya. "Bakit ka pumapatay?"

Tiningnan niya ko ng mata sa mata. "Para mabawasan ang mga makapangyarihan. Ang mga walang awa sa mahihirap," madiin niyang sabi.

"Puro may kaya sa buhay ang pinapatay ko. Kunyari lang silang nagkakawang-gawa pero ginagawa lang nila 'yon para matawag na mabuti. Halos lahat sila ay sangkot sa smuggling, rape at abuse. Pumapatay din sila, pero hindi naman nahuhuli."

"Pumapatay ako para sa ibang tao," Tumingin siya sa malayo. "Pumapatay ako para sa mama ko."

Kumabog bigla ang dibdib ko. "A-Ang Mama mo?"

"Nagbebenta ng drugs si Mama. Nahuli siya sa engkwentro. Sabi binaril niya raw 'yong mga pulis. Wala namang baril si Mama. Manipis na sando at maiksing short lang ang suot niya no'ng lumabas siya. Saan niya maitatago 'yong baril? Kalokohan."

Umismid siya at umiling-iling. "Pinatay naman ng isang politiko ang Papa ko. Dati kasi siyang driver ng politiko na 'yon. Nagtangka si Papa na ibunyag na nangre-rape 'yong politiko kaya binaril din siya."

Napalunok ako sa mga kinukuwento niya. Maniniwala ba ko? Panaginip ko lang kasi 'to.Pero hindi naman ako aabot sa ganitong pag-iisip. Baka nga totoo.

"A-Ano 'yong nakita ko kanina sa motel?"

Napatawa siya ng mahina. "Lagpas tatlong taon din na iyon ang bumuhay sa 'kin. Ang mahal ng bayad do'n. Isang gabi lang, may limang libo na ko."

Mula sa masayang mukha ay muling naging malungkot. "Lalaking pokpok. Kaya ang dumi-dumi ko," naiiyak na naman siya. "Kailangan kong makipag-sex sa mga matatandang babae na pinabayaan na ng mga asawa nila para kumita. Haha sobrang disgusto para sa sarili ko pero ayaw ko namang mamatay sa kalsada."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Masama ako. Madumi. Walang kwenta. Kahiya-hiya at hindi tatanggapin sa langit."

Tumawa siya ng pagak. "Kaya kailangan ko ng tulong. May misyon pa ko sa mundo kaya hindi pa ko napupunta sa baba o hindi naman kaya'y sa taas."

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Ikaw na lang ang pag-asa ko, Devilia. Ikaw lang ang nakakikita sa 'kin!" udyok niya.

Bumuntong-hininga ako. "Pag-iisipan ko."

Lumiwanag ang mukha niya. Ngumiti rin siya ng malapad. Nagulat ako nang hawakan niya ang batok ko. "Tanggapin mo ang pasasalamat ko," At siniil niya ko ng mariing halik.

TinTalim

Chattel (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt