Chapter 6

62 7 0
                                    

Devilia's POV

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa napanaginipan ko. Tumingin ako sa orasan at mag-aalas tres na ng madaling araw. Hinihingal ako. Hindi rin ako mapakali. Tumingin ako sa sulok ng kwarto.

Nandoon siya! Nandoon si Xyzin.

"D-Devilia..."

Tumayo ako at agad na lumapit sa kaniya. "Totoo ba lahat 'yon?" tanong ko.

Marahan siyang tumango habang may pangamba sa mukha niya. Nagulat ako nang yakapin niya ko. "Pasensya ka na kung pati ikaw nadadamay pa," bulong niya.

Yinakap ko rin siya. Parang buhay siya habang yakap ako. Imbes na lamig ay init ang nararamdaman ko. 

"P-Pasensya ka na. Ikaw lang kasi ang alam kong makatutulong," Umiiyak na naman siya. Ibang-iba siya nong gabing hinabol niya ko. Ibang-iba nong una ko siyang makita sa harap ng flower shop. "Tulungan mo ko. Nagmamakaawa ako..."

Nakakapanindig ng balahibo ang paglapat ng  hininga niya sa bandang leeg ko. Patay na ba talaga siya? Pero bakit ganito ang pakiramdam?

Marami na kong nakitang multo. Sa sobrang dami hindi ko na matandaan kung sino-sino. Pero ngayon lang nakalapit sa 'kin ng ganito ang isang multo. Kahit si Aling Lulu ay dumidistansya din.

Hinagod ko ang buhok niya. "Pag-iisipan ko. Naguguluhan pa din ako hanggang ngayon," bulong ko.

"Salamat. Maraming salamat," At nawala na lang siya bigla.

Umupo ako sa kama. Tumulala. Nagmuni-muni kung anong susunod kong gagawin. Naaawa ako sa kaniya. Awang-awa na na ko sa kaniya. Pero kriminal siya no'ng buhay pa. Baka may iba siyang plano.

Kitang-kita ng tatlong mata ko kung gaano kasama ang itsura niya no'ng hinahabol niya ko. Para kong hinahabol ni kamatayan. Pero kanina parang isang batang nawawala ang itsura niya. Batang humihingi ng tulong.

Hindi ko napansin na ala singko na pala ng umaga. Nakaupo din si Angelus sa tabi ko. Nakatingin siya kung saan ako nakatingin.

"Good morning, ate."

Nginitian ko siya. Ginulo ko ang buhok niya. "Good morning. Kanina ka pa ba?"

"Opo. Nakita kitang tulala. Nag-aalala ko, ate." yinakap niya ko.

"May iniisip lang si ate."

Tinitigan niya ko. "Ate? Kilala mo ba 'yong nakatatakot na lalaki dito sa bahay?"

My eyebrows furrowed. "Sinong lalaki? Si kuya ba?"

"Hindi po. Ngayon ko lang po siya nakita. Kahit patay na po ako, parang papatayin niya ko ulit."

I gulped.

I know he's talking about Xyzin. Siguro nakakatakot lang para sa batang tulad niya si Xyzin. Seryoso kasi minsan ang mukha non. At hindi ko naman itatanggi na kakaiba ang awra niya.

"May ginawa ba siya sa'yo?" tanong ko.

"Wala po. Kapag nakikita ko siya, tumatakbo po agad ako."

Tinapik ko ang  balikat niya. "May pasok pa si ate. Maghahanda na ko."

Naghanda na ko para pumasok sa trabaho. Naghanda ng almusal, naligo, nagbihis at nag-ayos ng sarili. Mukhang nauna na namang umalis si kuya. Wala na kasi siya agad sa bahay.

Naglakad na ko papunta sa flower shop. Nasa malayo pa rin ang isip ko. Masyadong mabigat na issue 'yong kay Xyzin. Hindi ako p'wedeng magdesisyon ng basta-basta na lang. Hindi p'wedeng mawala sa isip ko na mamamatay tao siya noon.

Bigla akong nakarinig ng malakas na busina. Nagulat na lang ako nang may kotse ng humaharurot palapit sa 'kin.

Naramdaman ko na lang na may humatak sa 'kin pero may tumulak din sa 'kin paatras.

"Sis! Ano bang ginagawa mo?! Muntik kang masagasaan!" rinig kong sabi ng isang boses ng babae.

Napatingin ako sa kalsada. Nakita ko roon ang multo ni Xyzin.

"Sis!" nagulantang naman ako. Nakita ko si Jeline na nakahawak sa braso ko. Alalang-alala ang mukha niya.

"A-Anong nangyari?"

"Muntik kang masagasaan! Gaga ka talaga!"

Ako? Muntik masagasaan? Maybe I'm spacing out too much. Buti na lang buhay pa ko. Hindi ko alam kung naligtas ba ko ng paghatak sa 'kin ni Jeline o ng pagtulak sa 'kin ni Xyzin.

"Ayos ka lang ba? Jusko! Aatakihin ako sa puso!" sabi ni Jeline habang masama ang tingin sa 'kin.

"S-Sorry na. Malalim lang iniisip ko."

Hinampas niya naman ang braso ko saka ngumuso. "Sasamahan na kita hanggang sa flower shop," Kumapit siya sa braso ko.

Ngumiti naman ako at tumango. Sabay kaming naglakad habang nakakapit siya sa braso ko.

"Sasabihin ko 'yan sa kuya mo!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hoy! Huwag! Mapa-paranoid na naman 'yon," natataranta kong sabi.

"Alam mo pala, eh! Bakit kasi tulaley ka habang naglalakad!"

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nang makarating naman ako sa flower shop, umalis na rin agad si Jeline. May trabaho rin kasi siya.

I sighed softly.

"Ayos ka lang ba, hija?" tanong ni Ma'am Zeia.

"O-Opo. Muntik lang masagasaan kanina."

Umiling-iling naman si Ma'am Zeia. "Alagaan mo ang sarili mo, hija. Ikaw na lang ang kasama ng Kuya mo. Ayaw mo naman sigurong iwan siya sa murang edad," pangaral ni ma'am.

"Buti nga po nandoon si Jeline. Kung hindi, nasa ospital na ko ngayon."

Inabutan ako ni Ma'am ng mga bulaklak. "Magtrabaho ka ng maayos. Maraming costumer ngayong araw. Bawal ang wala sa focus," nakangiti niyang sabi.

Mabilis naman akong tumango.

Hirap na hirap ako sa pag-aayos ng mga bulaklak. Mali-mali ang mga napagsasama-sama ko. Napapagalitan tuloy ako.

"Ayusin mo nga ang trabaho mo!" sigaw ng babaeng costumer.

White and red roses pala ang gusto niya. Yellow and red ang nabigay ko na para pala sa ibang costumer.

Binagsak niya sa sahig ang pumpon ng bulaklak. Doon na rumagasa ang mga luha ko kahit kanina niya pa ko sinisigawan. "Ang tagal-tagal ko ng bumibili dito ng bulaklak tapos nagkamali ka pa!"

Napayuko ako at humingi ng tawad.

Naglakad siya palabas ng flower shop. Bumuntong-hininga ako. Lumapit sa 'kin ang isang costumer. Tinapik niya ang balikat ko at pinulot ang mga bulaklak sa sahig.

"Hayaan mo na. Menopause na kasi," nakangiting sabi ng costumer.

"Salamat po," nakangiti kong sabi.

Napatingin kaming lahat sa labas ng flower shop dahil sa malakas na ingay. Nakita na lang naming lahat na nagbanggaan ang dalawang kotse.

Pero hindi lang 'yon...

Kahabag-habag ang nangyari. Hindi ko inaasahan ang nakita ko.

Damn!

Naipit 'yong babaeng costumer na nanigaw sa 'kin kanina sa pagitan ng dalawang kotse. Ipit na ipit ang katawan niya. Sumisirit pa ang dugo.

Nakabuka ang bibig ng babae at halos tumirik ang mata. Nagtatakbuhan ang mga tao sa labas. Nagkagulo din sa loob ng flower shop.

At may mas matindi pa akong nakita. 

Nakita ko si Xyzin sa likod ng patay na biktima.

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now