Chapter 22

43 2 0
                                    

Xyzin's POV

One fucking month had passed. One fucking month after the death of Emelda, the lawyer bitch. Pinatay ko siya sa CR ng police station. Binilisan ko lang pero ginandahan ko naman. She deserves a good crime scene.

That day, nasapian ko si Devilia nang wala man lang siyang kaalam-alam. Nagdahilan na lang rin ako. Mukhang malaki talaga ang naitulong ng pagsisinungaling ko na mahal ko siya. Tatanga-tanga kasi. Lahat na lang nalulusutan ko pero kahit pa ganoon, hindi pwedeng sunod-sunod ang mga pagpatay. Nakakapagod masyado saka madaling mahalata kapag ganoon.

Marami pang nakatalay sa listahan ko. Hindi pa rito natatapo ang lahat. Kahit pa marami nang namatay. Kahit pa nagkakagulo na silang lahat.

Nauubos na rin ang mga tao rito sa barangay. Mukhang nakakatunog na ang bawat isa. Sa lumipas na isang buwan, naging mahigpit na sila. Pero mga wala pa rin silang kwenta.

Mas walang kwenta si Brandel. Ni hindi man lang napapansin na nasa loob na mismo nang bahay niya ang kalaban. Pero pinaghihinalaan niya na ang kapatid niya. Nakikita ko siyang laging nakamasid kay Devilia.

Masama siyang kuya. Ultimo ba naman kapatid niya ay pinghihinalaan. Naaawa tuloy ako kay Devilia. Naaawa ako sa sobrang kagagahan niya. Easy to get and easy to fool. Swerte ako sa kaniya. Swerteng-swerte.

May isa pa kong kinaiinisan sa bahay na 'to. 'Yong matandang hukluban na multo. Sinisiraan pa ko kay Devilia. Sayang lang at hindi ko siya pwedeng patayin.

Pinuntahan ko na lang si Devilia sa kwarto niya. May balak akong patayin ngayong gabi. Excited na ko. Makakakita na naman ako nang dugo. At gusto ko, maraming dugo.

"Devi," I uttered.

I saw her reading a book. Kakauwi niya lang galing sa trabaho. Galing siya sa coffee shop na palugi na dahil wala naman ng masyadong costumer na pumupunta. Ewan ko rin kung bakit nagtatrabaho pa siya roon. Pwede namang huwag na. Puro na lang trabaho mamamatay din naman.

"Oh, hi. Tara rito," Tinapik niya ang kama.

Humiga ako roon at umunan sa hita niya. Kailangan kong maging sweet. Kailangan mukha akong mabait at matino. Hindi pwedeng maghinala siya sa 'kin. Dahil siya lang ang alas ko. Siya lang ang magagamit ko. Siya lang rin naman ang uto-uto na kilala ko.

"Pwede ba tayong bumili ng baseball bat bukas? Saka bola na rin," ungot ko.

Kumunot ang noo niya. "Para saan naman iyon? Hindi naman ako marunong mag-baseball," taka niyang sabi.

"Eh 'di sasapi ako sa'yo. Miss ko na maglaro nang baseball," Yumakap ako sa bewang niya." Kung wala sa budget mo, pwede namang huwag na."

"May pera pa naman ako. Binigyan ako ng bonus ng boss ko. Tatlo na lang kasi kaming staff ng coffee shop. Kaya don't worry, bibilhan kita bukas."

Sumiksik ako sa kaniya at lihim na ngumisi. Tumingala ako ng kaunti. "Salamat. Ang bait mo talaga sa 'kin kahit naging masama akong tao," I smiled.

"Nagbago ka na kasi," nginitian niya rin ako.

"I love you."

Muntik akong masuka dahil sa sinabi ko. Kung pagkain iyon, napakapangit ng lasa. Iyon na ang pinaka nakakadiring kasinungalingan ko. Para kong maduduwal sa tuwing sinasabi iyon.




Kinabukasan, wala siyang pasok. Pumunta kami sa mall para bumili ng baseball bat at bola. Umungot din ako nang gloves na itim kahit hindi naman kailangan. Mahal ang mga iyon pero binili niya pa rin.

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now