Chapter 14

46 5 0
                                    

Xyzin's POV

Pinagpahinga ko muna ng dalawang linggo ang katawan ni Devilia. Mahahalata din ng awtoridad kung masyadong sunod-sunod ang pagpatay na gagawin ko. Mahirap mahuli. Marami pa ang nakahilera sa listahan ko. Marami pang walang ekis sa tabi ng pangalan. Kailangan maubos ko sila.

Wala daw akong kwenta sa lipunan. Wala daw akong magawang matino. Dating kargador, tindero, pokpok at iba pa hanggang sa naging mamamatay tao. At ngayon, multo na. A good ride from a bad life. Ayos din.

Tinitigan ko si Devilia habang nasa labas ako ng coffee shop kung saan siya nagtatrabaho. Cashier and waitress siya roon. Hindi gano'n kasikat na shop pero p'wede na rin.

Luminga-linga ako sa paligid dahil may naramdaman akong kakaiba. May lalaking pumasok sa coffee shop. Matipuno ang katawan pero kalbo. Mukhang maniyak. Kitang-kita ko ang malagkit na tingin niya kay Devilia.

Aba. Mukhang kilala ko na. Siya pala. Buhay pa pala siya.

"Parillio Procio," I whispered.

Parillio Procio is not a Filipino. He came from another country. I met him when I was 15 years old. Siya ang may-ari ng motel kung saan ako naging pokpok. He is a maniac. No, a serial rapist. Hindi siya nahuhuli dahil sa koneksyon. Malakas ang kapit sa labas at loob ng bansa.

20 years old and above ang mga target niyang babae. Pero hindi lalagpas ng 40 years old. May fetish siya sa mga babaeng may asawa na.

Pinanood ko kung paano niya tingnan si Devilia. Parang hinuhubaran niya na at hindi ako natutuwa. Nagkibit-balikat na lang ako. Kasama naman kasi siya sa mga target ko. Mayamang peste din naman kasi ang isang 'to.

Pumasok ako sa loob ng coffee shop. Um-order ng kape at isang slice ng cake si Parillio. Pahigop-higop lang siya sa kape niya habang nakatingin sa dibdib ni Devilia.

Lumapit ako kay Devilia na nakatayo sa likod ng counter. "Be careful," I whispered to her.

"Bakit?" pabulong niyang tanong.

"Delikado ang lalaking 'yon," Tinuro ko si Parillio.

Tumango naman siya agad.

Nakamasid lang ako sa mga galaw ni Parillio. Gago talaga ang lalaking 'yon. Grabe kung tumingin.

Nang tumayo siya, lumapit siya kay Devilia.

"Bakit po, Sir? May kailangan ka pa po ba?" tanong ni Devilia.

"I just saw how beautiful you are. Gusto mo bang maging model? This coffee shop is too small for you grand elegance. "

Mabubulaklaking salita. Diyan siya magaling. At syempre, ginagamitan niya ng pera.

"Hindi po ako mahilig sa ganon," nahihiyang sabi ni Devilia.

"Here," Inabot niya kay Devilia ang maliit na card. "Nandiyan ang address kung saan mo ko pwedeng puntahan. May phone number din diyan. Call me if you decided already. "

Tumango lang si Devilia. Umalis na sa coffee shop si Parillio.

"Gago," gigil kong saad.

"Xy?"

Liningon ko siya. "Ano?"

Umiling siya at nagtrabaho na lang ulit.

Binuo ko na agad sa isip ko ang plano. Papatayin ko siya. At ngayong gabi ko gagawin. Hinintay kong matapos ang shift ni Devilia. Mga alas nuwebe na ng gabi natapos.

"Devilia?" pagkuha ko sa atensyon niya.

"Hmm?"

"Can I borrow your body? Gusto ko kasing pumunta sa plaza. Gusto kong magliwaliw."

Kumunot ang noo niya. "Sige. Pero huwag kang gagawa ng masama," paalala niya.

Nakangiti akong tumango. Ngiting tagumpay na naman dahil sa  pagpapanggap ko. Pumasok siya sa CR kaya sumunod ako. Pumikit siya. Senyales na pwede na kong pumasok.

Noon, sinubukan kong sapian siya ng hindi niya alam. Hindi ko nagawa. Kailangan ko munang magpaalam at may hangganan lang. Hindi p'wedeng matagal.

Pumasok na ko sa katawan niya. Ang sarap na naman. Always better than sex. Nag-ayos na muna ako. Halos ipang-ligo ko na ang pabango.

Lumabas ako ng CR at nagpaalam sa may-ari ng coffee shop. Dinukot ko sa bulsa ng pantalon niya ang calling card. Nakalagay doon ang address ng condo unit na pupuntahan ko.

Nag-taxi ako papunta roon. Malikot ang mga mata ko. Natatakam na. Kating-kati na ko.

Bumaba ako ng taxi. Naglakad papasok sa condominium building. Nasa 8th floor ang unit niya. Sumakay ako sa elevator habang nakatungo. May CCTV kasi maging sa elevator.

Bumukas ang pinto kaya lumakad na ko palabas. Tinanggal ko ang tali sa buhok at inayos iyon. Alam na alam ko pa naman ang hilig ng lalaking iyon.

Nahanap ko na ang unit. Nag-doorbell ako ng dalawang beses. Bumungad sa 'kin ang naka-bath robe na si Parillio.

"Good evening po," I greeted him.

"Pasok ka."

Halos hatakin niya ko papasok. Natuwa naman ako. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagsisimula ng bago kong palabas.

Brandel's POV

"Handa na ba kayo sa operasyon natin?" tanong ko sa walong pulis na sasama sa 'kin.

"Opo!" sabay-sabay nilang sagot.

Pinaghanda ko na silang lahat. Pinagdasal ko na rin.

Isang serial rapist ang huhulihin namin. Tarantadong kriminal 'yon. Mukhang balak pang maghasik ng kahalayan dito sa lugar namin.

Nagsisakay na kami sa dalawang police mobile.

Pinaalam na rin namin ito sa may-ari ng condominium building. Kailangan namin ng kooperasyon nila.

Nag-park kami sa tapat ng building. May backup naman kami at sa iba sila nakapuwesto. Tinungo agad namin ang floor kung na saan ang serial rapist.

Si Parillio Procio. Mahuhuli na siya ngayon.

Alisto kaming lahat sa bawat kilos. Umayos kami ng puwesto nang nasa tapat na kami ng unit niya. Magdo-doorbell sana ako pero kusang bumukas ang pinto. Hindi naka-lock.

"Alisto kayo," sabi ko sa mga kasama ko.

Nagkasa ako ng baril saka pumasok sa madilim na unit. Kinapa ko ang switch ng ilaw saka pinindot.

"Puta!" bulalas ng isa sa amin.

Kahit ako napamura rin ng mahina dahil sa tumambad sa amin.

Puro dugo ang puting tiles. May mga lamang-loob na nakalagay sa sofa. Pumasok pa din kami kahit ganoon ang sitwasyon. Hindi pwedeng bumaliktad ang sikmura.

"Captain, grabe 'to," komento ng isa kong kasama.

I gulped.

May bituka sa lapag. May ilang balat din. Pumunta ko sa kusina.

Doon ko nakita ang katawan ni Parillio. Katawang walang ulo at wasak ang tiyan. Nagtakip ako ng ilong habang lumilinga. Sinilip ko ang lababo dahil bukas ang gripo.

Halos mabuwal ako sa pagkakatayo. Nandoon ang ulo. Butas ang bandang taas. Mulat ang dalawang mata at lantad ang utak.

TinTalim

Chattel (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat