Chapter 3

83 10 0
                                    

Devilia's POV

Minulat ko ang mga mata ko. Puro dilim lang pero ramdam kong basa ang kinauupuan ko. Biglang may mga bumukas na ilaw. Nang tingnan ko ang kinalalagyan ko muntik akong masuka.

D-Dugo...

Parang swimming pool ng dugo. Malagkit at nakakasuka ang amoy. May mga nakita rin akong lumulutang na mga katawan sa hindi kalayuan.

Napalunok ako nang makaring ako ng parang hinahasa. Tunog ng matalim na bagay na kumikiskis sa pader. Sinundan ko ng tingin ang tunog. Napako ang mga mata ko sa isang sulok. Nakakita ako ng pigura ng isang tao. Unti-unti kong nasilayan ang mukha niya.

"X-Xyzin Illustro..."

Nginisian niya ko at dinilaan ang kutsilyong hawak niya. "Devilia."

Mabilis akong bumangon nang maramdaman kong gising na ko. Ang sakit ng ulo ko. Ang bigat din ng pakiramdam ko.

Wala naman ang bata kaya bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

Napalunok ako nang maramdaman ko na may nakatingin sa 'kin. Napadapo ang tingin ko sa bintana. May lalaking nakaupo roon. Nakaputing t-shirt at itim na pants pero nakapaa lang siya.

Tinitigan ko ang mukha niya. Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang malaman kung sino siya. Ang lalaki sa panaginip ko! Siya rin 'yong serial killer na napatay no'ng nakaraan!

"P-Patay ka na!" sigaw ko.

"Alam ko. Pero nakikita mo ako."

Naglakad siya papalapit sa 'kin. "Hey, nakalimutan mo na ba ko?"

Sobrang lalim ng boses niya. Mapang-akit ngunit nakatatakot. Parang kakainin niya ko ng buhay. Parang pipisatin ang bawat laman ko. 

Hinablot niya ang kamay ko.

N-Nahahawakan niya ko! Sobrang sama niyang multo dahil nahahawakan niya ko kahit patay na siya. Bakit hindi pa siya napunta sa impyerno?!

"Bitawan mo ko!"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

He smirked, a devilish one. He held my chin and made me look at his disgusting face.

"Looking at you from afar is boring. I want to look closer."

Ano bang sinasabi niya? Baliw na yata ang multong 'to. Malamig ang kamay niya. Sobrang lamig. Kagaya rin ng boses niya.

"Help me like the way I helped you."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi kita kilala!"

Tumayo siya nang tawid at lumayo sa 'kin. "It's hard to be a ghost, you know?" he chuckled. "But it's fun." 

Tumawa siya ng malakas. Nakabibinging tawa. Parang mababasag ang ear drums ko.

Naramdaman kong may yumuyuyog sa 'kin. "Devi! Devi!"

Nagising ako nang tuluyan. Bumungad sa 'kin ang nag-aalalang mukha ni Kuya. Pawis na pawis ako at nanginginig. Kakaibang panaginip iyon. Nakatatakot. Parang sasabog ang puso ko sa kaba.

Pinunasan ni Kuya ang noo ko. "Ayos ka lang ba? Sigaw ka nang sigaw."

Yumakap agad ako kay Kuya. Ligtas na ko mula sa demonyong 'yon. Panaginip lang 'yon.

"Nanaginip ka ba ng masama?" tanong ni Kuya habanag hinahagod ang likod ko.

"S-Sobrang sama."

Bumitaw si Kuya sa yakap at inabutan ako ng tubig. Ininom ko agad iyon. "Babantayan kita hanggang sa makatulog ka ulit."

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now