Chapter 9.2

59 6 0
                                    

Devilia's POV

Hinihingal ako nang matapos kong tabunan ang butas kung saan ko tinatambak ang mga pinapatay kong hayop.

"Ang galing mo!" Nakita ko sa harap ko ang nakangiting si Xyzin.

Noong una, nandidiri ako. Ayaw kong gawin. Pero, masarap pala. Mag-iisang buwan ko na 'tong ginagawa. Hindi ako mapakali kapag wala akong nakikitang dugo. Para kong nauuhaw.

Hindi ko alam kung bakit ko sinusunod ang mga gusto ni Xyzin. Siguro dahil binabantayan niya si kuya at Jeline. Nabawasan na ang mga krimen sa lugar namin. Maging ang mga aksidente. Naka-move on na rin ako sa pagkamatay ni Ma'am Zeia.

Natapos imbestigahan ang kaso at idineklarang suicide ang nangyari. Nakakagulat nga dahil umuwi ang anak ni ma'am galing abroad. Hindi ako pumunta sa libing niya na ipinagtaka ni kuya. Sinabi ko na lang na ayaw ko ng masaktan at maalala pa ang nangyari pero kasinungalingan iyon. Gusto ko pa kasing pumatay.

Nandito lang ako sa bahay dahil wala pa kong trabaho. Naghahanap naman ako pero hindi ako makapag-focus. Nangangati ang kamay ko palagi.

Naligo ako. Naglinis ng mabuti ng katawan. Halos ipang-ligo ko na rin ang pabango ko. Sa umaga, naghahanap ako ng trabaho. Pumapatay naman ako ng mga hayop sa gabi.

"Ang bango mo," Nanginig ako nang marinig ang boses ni Xyzin. Naramdaman ko ang pagyapos niya sa bewang ko. "How was it? Masaya ba?" tanong niya.

I smiled. "Oo naman."

I was shocked when he started kissing my nape. "Pauwi na ang kuya mo," bulong niya.

Tumayo ako at naghanda ng makakain niya. Nagluto ako ng Adobong itlog na may patatas. "I'm home," rinig kong sabi ng isang boses.

Sumara ang pinto. Bumungad naman sa 'kin ang pagod na mukha ni kuya.

"How's work?" tanong ko.

"Fine. Tiresome but I can say that it's fine."

Inabutan ko siya ng maiinom na tubig. Umupo naman siya sa upuan na katapat ng lamesa. "Saan-saan ka ba naga-apply ng trabaho?" tanong ni kuya.

"Sa mga mall, coffee shops at restaurants," sagot ko.

Nagsandok ako ng kanin at ulam saka ko linapag sa harap niya. "You can rest for a while. Alam kong na-shock ka sa pagkamatay ni Ma'am Zeia."

I smiled while looking at him. "I'm fine now, kuya. Naka-move on na ko. Kung hindi ako kikilos, magiging pabigat ako sa'yo."

Tiningnan niya ko. "Araw-araw na linis na linis ang bahay. Nababagot ka ba rito?"

Napalunok ako. Linilinis ko lagi ng maigi ang bahay. Ayaw kong may maiwang bakas ng pagpatay ko.

"Hindi naman. Saka, tama lang naman na laging maglinis ng bahay."

He smiled. "Salamat, Devi. Maaasahan ka talaga."

Nagsimula na siyang kumain. "Masarap ba, kuya?" tanong ko.

"Oo naman. Ang galing mo ng magluto. Mas gumaling ka no'ng palagi ka lang nasa bahay," komento niya.

Madalas, ginagamit ko na rin sa pagluluto ang mga hayop na pinapatay ko. Para naman mapakinabangan ko ng maayos.

"Mag-apply kaya akong chef," napaisip ako.

"P'wede. Kaso mai-stress ka roon. Pero kung gusto mo, why not."

Mabilis niyang naubos ang pagkain. Inabutan ko siya ng tubig. "Hindi mo naman kailangang i-push ang sarili mo na magtrabaho agad. Malaki naman ang kinikita ko. Kasya sa 'ting dalawa," sabi ni kuya.

"Hindi ako sanay na hindi nagtatrabaho, kuya. Gusto kong may gawing prodaktibo," sabi ko naman.

"Ang kulit mo," he scratched his nape.

"Saka, paano kapag nag-asawa ka na? Nandito pa rin ako? Ayaw ko ng gano'n," paliwanag ko.

"Ikaw ang bahala. Basta, be careful with your decisions."

Tumayo siya't lumapit sa 'kin. Hinalikan niya ang noo ko saka pumasok sa kwarto niya.

I sighed. It's hard to act like I did nothing when I'm in front of him.

Paano na lang kung mahuli niya ako? Paano kung malaman niya ang mga ginagawa ko? Paano kung magalit siya?

Ang pagpatay ay nasimulan ko na. Mahirap ng itigil. Parang paggamit lang ng iligal na droga. Sobrang nakakaadik dahil masarap sa pakiramdam.

Pumasok na rin ako sa kwarto ko. Nakita ko si Xyzin na nakaupo sa kama ko.

"I've been waiting for a long time."

Umupo ako sa tabi niya. "May sasabihin ka ba?" tanong ko.

"I want to try something," he looked at me. "I badly want to try something right now."

Tinitigan niya ko ng matagal. "Gusto kong sumapi sa'yo."

Nagulat ako sa sinabi niya. "H-Huh? Bakit naman?"

He chuckled. "Gusto kong maranasang kumain ulit. Gusto kong makita ako ulit ng mga tao. Gusto kong maranasang mabuhay muli. Nakaka-miss pala."

Napalunok ako. "Hindi ko alam kung papayag ako," umiwas ako ng tingin.

"Nasapian ka na ba noon?" tanong niya.

I sighed. "Oo."

Tatlong beses na kong nasapian. Pero puro babae ang mga iyon. Tinulungan ko sila.

Si Ate Alicia, gusto ko rin sanang sumapi siya sa 'kin para makausap siya ni kuya pero hindi ko na siya masyadong nakikita.

"I want to try it, Devilia. Gusto kong maramdamang humihinga ako ulit," sabi niya pa.

Lumunok ako ng ilang beses. "Hindi ganon kadali iyon."

Madali lang naman talaga. Kailangan lang mag-isa ang mga isip namin. Kailangan ko lang ding pumayag. Pero wala kong naaalala sa tuwing nasasapian ko. Baka may gawin siyang masama. Natatakot akong baka may gawin siyang mali.

"Please? Subukan lang natin."

Tiningnan ko siya. Nakakaawa ang mukha niya. "Ipangako mong wala kang gagawing kalokohan," seryoso kong sabi.

"Aalagaan ko ang katawan mo. Saglit lang din ako," ngumiti siya ng matamis.

Papayag ba ko? Ngayon lang naman. Tapos hindi na p'wedeng maulit. He's not doing anything weird aside from he taught me how to kill animals. It was actually satisfying. I don't know what's happening to me. I feel good, but I'm doing weird things. I can't explain it and I can't stop.

Napahiga ako sa kama nang itulak niya ko. "Papasukin mo ako, Devilia," pakiusap niya.

Nangungusap ang mga mata niya. Nagmamakaawa. "S-Sige," napipilitan kong sabi.

Ngumisi siya. Naramdaman ko ang kakaibang sakit. Sakit na parang sisira sa pagkatao ko.

"AHHH!" malakas kong sigaw.

Sobrang sakit! Parang binubutas ang katawan ko! Naramdaman ko na lang na nawawalan na ko ng kontrol. Hindi ko na kaya.

H-Hindi ko na kaya...

Xyzin's POV

Unti-unti akong pumasok sa katawan ni Devilia. Hindi ko inaasahang papayag agad siya. Napaka-soft hearted kasi niya. Naaawa tuloy ako sa kaniya. Naramdaman kong naipasok ko na ang sarili ko ng buo. Muli akong nakaramdam ng kasabikan.

Marahan akong nagmulat ng mata. Umupo ako at umiling-iling. Sinuntok-suntok ko din sa hangin ang kamao ko.

Tumingin ako sa katawan ko. Katawan ng isang babae.

Napahawak ako sa matatayog na dibdib. "Ganito pala kalambot ang mga ito," I smirked.

TinTalim

Chattel (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu