Chapter 25

61 4 1
                                    

Devilia's POV

Dapat na kong mamatay. Wala naman na ring saysay ang buhay ko. Bakit pa nga ba ko humihinga?

I was used by a ghost. Ang tanga ko. Sinabihan lang na mahal ako, akala ko totoo na.

Wala pa kasing nagsabi sa 'kin ng ganoon. Because I'm a weirdo. Ayaw nila sa 'kin. Kaya todo asa naman ako noong mayroong dumating.

Nagbulag-bulagan ako. Umasa na magbabago ang isang multo na dating mamamatay tao. Hinayaan ko siyang sumapi sa 'kin. Hinayaan ko siyang gamitin ang katawan ko. Ang isip ko. Ang puso ko.

Dapat nakinig ako kay Aling Lulu. Dapat noon pa lang naging listo na ko. Dapat hindi ako nagpadala sa mga sinasabi niya.

Dahil manloloko siya! Manggagamit! Walang kwenta! Demonyo!

Hinayaan ko ang sarili kong mapamahal sa isang multo na pati tao, kayang gaguhin. Ako nga nagago niya.

Hanggang buhay ako, may magagamit siya. Habang naririto ako, may pagkakataon siya. Habang nakakahinga ako, papatay at papatay siya. Ano pang saysay ng buhay na walang direksyon? Ano pang kahulugan nito? Wala nang katiwasayan ang buhay ko.

Kaya mas maigi pang mamatay. Hindi na ko magagamit. Hindi na ko maloloko. Hindi na ko masasaktan.

Hindi ko alam kung sino ang mga pinatay ni Xyzin habang nasa katawan ko siya. Hindi ko alam kung paano niya nasikmura. Hindi ko alam kung bakit sagad sa kaluluwa niya ang pagiging masama.

Hinayaan ko siya! Hinayaan ko siyang gamitin ang katawan ko sa maraming kasalanan! Ilang  tao ba? Tatlo? Lima? Lagpas sa sampu? Hindi ko alam!

Dapat noong nahuli ko siya na may pinapatay na lalaki, inagapan ko na. Bakit kasi may third eye ako?! Bakit napakalupit ng mundo?!

I was just a normal girl who can see ghosts but now I'm a criminal. I was once the victim. But now, the culprit.

Hinarap ko ang mataas na bangin. Sa ibaba noon ay puro bato. Matutulis na bato. Dito ko gustong mamatay. Gusto kong mamatay sa siguradong paraan. Iyong hindi na ko makakaligtas. Hinakbang ko pa lalo ang mga paa ko. Naramdaman kong may yumakap sa 'kin mula sa likod.

"Huwag," he whispered.

"Umalis ka na! Sinira mo ang buhay ko!"

"N-No. I just want to protect you."

"Hayaan mo na lang ako. Nakikiusap ako. Lubayan mo na ang buhay ko."

Pinaharap niya ko sa kaniya. Punong-puno ng pag-aalala ang mukha niya. "Don't do this, please? Sumama ka na lang sa 'kin. Aayusin natin lahat."

Napatawa ako ng pagak dahil sa sinabi niya. "Xyzin Illustro, wala kang kwenta," madiin kong sabi.

Nagulat ako nang ngumisi siya saka humalkhak ng malakas. Nahintakutan ako at napaatras. Naramdaman kong nasa pinaka gilid na ko ng bangin.

"Alam ko," he smirked. "Thanks for your stupidity. My plans went smoothly. You were a very nice toy to play with."

Nagulat ako nang buong lakas niya kong itinulak. Nanlaki ang mga mata ko.

Fuck! He pushed me!

Naramdaman ko na lang na nahuhulog na ko sa bangin na tatapos sa buhay ko. Handa na ko.

Pumikit ako. Saka ko naalala ang unang pagpatay na ginawa ko.

Flashback

"Papa! Bilhan mo na kasi ako ng manika!" pagpupumilit ko kay Papa.

Lumuhod siya sa harap ko. Hinagod niya ang buhok ko. "Wala pang pera si Papa, eh," ngumiti siya nang pilit.

Nagdilim ang paningin ko. "Mas mahal niyo kasi si kuya kaya siya maraming laruan! Bilhan mo ko ng manika!" sigaw ko.

"A-Anak naman. Wala pa talagang pera si Papa."

Naiinis ako! Sabi na nga ba't mas mahal niya si kuya! Paborito niya kasi si Kuya Brandel!

Dinampot ko ang gunting. Wala sa sariling pinagsasaksak ko si Papa sa leeg at dibdib.

Galit ako sa kaniya! Galit ako sa kanila ni kuya! Pati kay Mama! Galit ako sa kanilang lahat!

Nakita ko na lang na tumumba na si Papa sa sahig. Tinapon ko ang gunting sa lapag. Pumasok ako sa banyo at naligo. Ang lansa ng dugo. Hindi nakatutuwa ang amoy.

End of Flashback

Tumama ang katawan ko sa mga bato. Patalbog-talbog na para bang isa lamang akong bola na inihulog sa bangin.

Pumikit ako. Naramdaman ko kung paano tumarak sa likod ko ang matulis na bato nang bumagsak na ko ng tuluyan.

"S-Sorry, Papa."

"I-I was possessed by a psycho..."

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now