Chapter 12

46 6 0
                                    

Xyzin's POV

I entered the dressing room for prostitutes. I smiled because no one is there. Nagbihis ako ng bunny costume.

It fits. Fucking fits this body. I also wore a black high heels. I look like a whore. A slut in a bar. Just like the old days. Before, I need to dance in front of random ladies. Taking off my clothes. Showing my body. That's the easiest way to earn money. I used to have sex with old filthy women. Iyong mga pinabayaan na ng mga asawa. Iyong mga wala ng sex life. Seducing people. Men and women is my specialty. Enticing them by being the top. Lahat talaga papatulan mo kapag kailangan mo ng pera. Saka mo sila sasaksakin sa likod. Literally.

Tumingin muna ako sa salamin. Pinagmasdan ang nakaaawang itsura ni Devilia. Kumuha ako ng lipstick. Naglagay ako sa labi at ngumisi. Nagsuot din ako ng maskara na mata lang ang natatakpan.

"It's another time for my job," I smirked.

Lumabas ako sa dressing room. Diretso ako sa private room. Doon pumasok ang politikong 'yon. Binuksan ko ang pinto. Nakaupo ang barangay captain sa isang sofa. Nasa likod niya ang tatlong bodyguard. May limang prostitute sa harap niya at nagsasayaw. Tuwang-tuwa naman ang matanda.

"Good eve po, Mr. Casimero," bati ko. Nabaling ang tingin niya sa 'kin. Sa una'y nakakunot ang noo. 'Di kalauna'y nanlaki ang mata at ngumisi ang manyak na matanda.

"Wow. May ganito pala kaganda rito," komento niya.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Yumapos agad ang matanda sa baywang ko. Humihimas doon paakyat sa dibdib. Inutusan niya ang iba pang prostitute at mga guard na lumabas muna.

"Pinadala ka ba ng may-ari?" tanong niya.

"Opo," mahinhin kong sabi.

"Ayos."

Naramdaman ko ang dalawa niyang kamay sa gilid ng dibdib. Tinaas ko ang dalawang braso ko at nagsimulang gumiling. Tumayo ako at humarap sa kaniya. Ginaya ko 'yong sayaw ng mga babae kanina. Pinapaalog ko ang dibdib ko na ikinatutuwa naman niya.

"Puta!" bulalas niya sabay inom ng alak.

Yumuko ako at nagpakita ng cleavage. Halos tumulo na ang laway niya. Hinatak niya ko. Hiniga sa sofa at umibabaw siya. Kung saan-saan humimas ang magagaspang niyang kamay. Tatanggalin niya sana ang maskara ko pero tinulak ko siya pahiga sa sofa at umupo sa tiyan niyang bahay-alak naman.

"Gusto ko po sa ibabaw," malambing kong sabi.

Lumawak ang ngiti ng matanda. "Ayos ka ah. Malaki ang ibabayad ko sa'yo."

Sumayaw ulit ako habang nakaupo sa tiyan niya. Marahan kong hinubad ang heels.

Bigla ko na lang tinusok sa mata niya ang takong ng sapatos. Hinablot ko ang bote ng alak saka pinasak sa bibig niya bago pa siya makasigaw. Winasak ko ang mukha niya gamit ang takong ng sapatos. Paulit-ulit kong hinampas sa mukha niya.

Ang likot niya! Naiinis ako!

Diniin ko ang bote na nakapasak sa bibig niya. Pinaghahampas ko siya ng bote sa ulo. Nagkunwari akong umuungol ng malakas para 'di makalahata ang mga nasa labas.

"Ahhhh! Ohhhh sige pa!" kunwaring ungol ko habang pinapasukan ng bubog ang loob ng bibig niya.

Nang makasigurong patay na, ngumiti ako. Nag-ayos ako ng sarili. Lininis ko ang heels para walang maiwan. Nakakita ako ng lighter. Sinindihan ko ang sofa. Pati na rin ang bangkay na nakahiga doon.

Ngumisi ako ng buong galak nang magsimulang umapoy ang katawan niya.

Hinubad ko ang costume at sinama sa nasusunog. Tinulak ko ang lamesa para humarang sa pinto.

"Good job," I whispered. Tumakbo ako papunta sa bintana. Binuksan ko iyon at lumabas ako mula roon. Sinara ko pa ulit. Sando na lang at cycling ang suot ko. Naghintay ako ng ilang minuto.

Narinig ko na ang sigawan sa loob ng bar. Pumuslit na ko sa staff room at nagbihis ulit ng proper uniform. Ngising demonyo ako nang lumabas sa staff room. Tumakbo ako palabas ng bar. Sumabay ako sa ibang tao.

Nang makalabas na, pinanood kong masunog ang bar. Kawawa naman.

I sighed.

Ramdam kong kailangan ko ng iuwi si Devilia. Nakakaramdam na ko ng pagod. Naglakad ako palayo sa sunog. Parang tangang nakangiti habang tulirong naglalakad. Nakita ko na lang ang sarili ko sa tapat ng bahay.

Bumukas bigla ang pinto. Bumungad si Brandel na may kausap sa telepono.

"Papunta na ko!" taranta niyang sabi.

"K-Kuya?" pagdadrama ko.

Nanlaki ang mata niya saka tumakbo palapit sa 'kin. Yinakap niya ko ng mahigpit.

"Ayos ka lang ba, huh? Okay ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

Umiyak ako. Madali lang namang umiyak. Yinakap ko rin siya.

"N-Nasusunog 'yong bar kaya nagmadali akong umuwi," paiyak ko ng sabi.

Sinamahan niya ko papasok sa loob ng bahay. Pinaupo niya ko sa sofa at binigyan ng tubig. Nagkunwari pa kong nanginginig.

"Pupunta na ko sa estasyon. Dito ka lang. Magpahinga ka," paalala niya.

"O-Opo."

Patakbo siyang lumabas ng bahay kaya naiwan ako.

Tumulala ako saglit saka tumawa ng malakas. Akalain mo, mas maganda pala maging babae. Madaling mapaikot ang mga nasa paligid.

Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib. Sobrang sakit! Parang binabatengteng din ang ulo ko. Tumayo ako at umiling-iling. Pumikit ng mariin.

Pagdilat ko, nakita ko ang katawan ni Devilia sa sofa. "Sweet dreams."

Lumabas ako ng bahay. Saka naglakad papunta sa bar para manood ng magandang palabas. Palabas na ako ang direktor, aktor, at manunulat. Palabas na ako ang bida at may gawa.

Palabas na pagsisisihan nilang lahat.

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now