Chapter 11

49 6 0
                                    

Devilia's POV

Nagising ako na nakahiga na sa sarili kong kama. Nagulat ako nang makita ko ang suot kong damit. Masyadong masikip. Parang hindi ako makahinga dahil masyado talagang masikip. Hinubad ko ang fitted shirt at nagpalit ng mas maluwag. Ngayon ko lang tuloy napansin si Xyzin na nasa isang sulok at nagmamasid lang.

Tandang-tanda ko pa ang ginawa niya kahapon. Parang naging magkasama kami sa loob ng katawan ko. Kakaiba sa pakiramdam. "Anong ginawa mo kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"Nag-ikot-ikot lang naman ako. Naglakad-lakad. Masaya pa lang maramdaman na buhay ulit," He smiled genuinely.

"Wala ka namang ginawag kalokohan, 'di ba?" Umiling siya. "Kailangan ko ng maghanap ng trabaho."

Umupo siya sa tabi ko. "Tutulungan kitang maghanap ng trabaho. I know lots of jobs where you can apply to."

Napangiti naman ako. "Nagpapalakas ka lang yata sa 'kin, eh. Natuwa ka ba sa paggala mo kagabi?"

Tumango siya ng mabilis. "Medyo boring lang dahil wala namang mga tao sa daan. Gusto ko sanang makakita ng mga tao sa umaga habang buhay ako."

"Sa susunod naman 'yon. Kailangan ko talagang maghanap ng trabaho," I sighed.

"Maligo ka na at magbihis. Alam mo bang alas otso na ng umaga?"

Napatayo naman agad ako dahil sa sinabi niya. "A-Alas otso na?!"

Tumawa lang siya habang nagkukumahog naman ako sa pag-aayos ng sarili ko. Parang hindi na siya multo sa paningin ko. Masaya siya ngayon at kung nakikita man siya ng iba, hindi naman siya mukhang mamamatay tao.

Naligo na ako at nagbihis. Kailangan kong makahanap ng trabaho dahil hindi naman ako sanay na lagi lang nasa bahay. Nakakahiya rin kay kuya kung sa kaniya lang ako aasa.

Nagsimula na akong maghanap ng trabaho. 


Isang linggo rin ang tinagal ng paghahanap ko dahil hindi naman job hunting season. Natanggap ako sa isang bar bilang waitress. Waitress lang ako. Just a plain waitress.

Linapitan ko si kuya na nakaupo sa may sofa habang umiinom ng kape at nagbabasa ng patong-patong na case files.

"Kuya," pagkuha ko sa atensyon niya. "Nakahanap na ako ng trabaho."

"Oh? Saan naman?" Binaba niya agad ang mga hawak na papel at binaling ang tingin sa akin.

"Sa isang bar doon sa kabilang barangay. Waitress ako roon. Waitress lang talaga. Walang extra service. Saka kapag hinawakan naman ng costumers ang waitress, ipapakulong sila," paliwanag ko.

"No," madiin niyang sabi saka kumunot ang noo. "That's a decent job but people inside those bars are not decent."

"Kuya, hindi ko naman hinihintay na pumayag ka. Sinasabi ko lang sa'yo," sumimangot ako.

"So, if I told you not to work there, you will still hold the job with both hands?" seryoso niyang tanong.

"Yes!"

"Fine! Basta ba mag-iingat ka roon. Sabihin mo sa 'kin kapag may bumastos sa'yo."

Nag-thumbs up naman ako agad saka bumalik sa kwarto ko. Dali-dali kong sinuot 'yong uniform galing doon sa may bar. Nag-ipit na rin ako ng buhok. Disente naman ang uniform ng mga waitress doon. Puting shirt na may logo lang ng bar at itim na pantalon.

Nahagip ng mga mata ko ang isang pigura sa may pintuan. Nakita ko doon si Xyzin. "Sasama ka ba?"

"I'll always follow you, Devilia," ngumiti siya. "Saka gusto kitang bantayan sa bago mong trabaho."

Ginantihan ko siya ng ngiti. Sabay kaming naglakad palabas ng kwarto. Nagpaalam ako kay kuya na aalis na kahit alam kong medyo inis pa rin siya. Sumakay ako sa tricycle papunta doon sa bar. Nasa kabilang barangay pa kasi. Buti na lang kasama ko si Xyzin. Kahit papaano alam kong may nagbabantay sa akin.

Nang makarating kami sa bar, in-orient lang ako no'ng manager. Sinabi pa nga no'ng manager na kung may makikita akong kahalayan, kalimutan ko na lang.

Nagsimula na kong mag-serve sa mga costumers. Masaya naman dahil mabait ang mga kasama ko. Masyado lang malakas ang amoy ng sigarilyo.

Xyzin's POV

"Here comes the manwhore," nakangisi kong sabi nang makitang pumasok na sa loob ng bar ang barangay captain na si Randy Casimero.

Isang tiwaling politiko si Randy Casimero. Wala siyang kwentang tao. Pinapalala lang niya ang mga krimen dito sa barangay. At siya ang target ko sa gabing ito.

Tumakbo ako palapit kay Devilia. Nagse-serve siya ng drinks sa dalawang babae.

Bumulong ako sa kaniya. "Let me borrow you."

Napalingon siya sa 'kin kaya ngumiti lang ako at pinasok ko na agad ang katawan niya. Wala dapat masayang na oras.

Lalo na't mukhang maraming dugo ang dadanak ngayong gabi.

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now