Chapter 19

44 4 0
                                    

Devilia's POV

"Totoo ba talagang mahal mo ako?" Diretso ang mga mata kong matiim na nakatitig sa lalaking ito na nasa harapan ko. Nakayuko lang siya habang nakaupo sa upuan na nasa harap ng kama ko.

Kaaalis lang ng best friend ko na si Jeline. Ang dami naming napagkuwentuhan. Okay lang na umuwi siya ng gabing-gabi. Bukod sa matanda na siya, may sarili na siyang tirahan. Nawili kami sa kuwentuhan. Isang cupcake na nga lang naitira namin kay kuya.

Tinext ako ni kuya na hindi siya uuwi. Mag-o-overnight daw siya roon sa estasyon. Wala na naman siyang maayos na pahinga. Hindi rin kakain ng maayos iyon dahil sa dami ng ginagawa.

Hindi pa rin sumasagot si Xyzin kaya kumunot ang noo ko. "Nagsisinungaling ka ba?"

"No!" napaangat bigla ang ulo niya. Puno ng sensiridad ang mga mata niya. Pero may nababadha akong hiya sa mga iyon.

Wait, torpe ba siya? This freaking serial killer? I can't believe this. Baka naman mali lang ako nang akala.

"I-It's true. You took care of me even if I'm a ghost. I appreciated that. Ngayon lang may nag-alaga sa 'kin ng ganoon," Napahinto siya bago nagsalita muli. "At kung kailan patay na ko ay saka pa. "

Wala akong maapuhap na sasabihin. Nabibigla kasi ako sa kaniya. Hindi ko nga alam kung paano niya nasabing inaalagaan ko siya. Well, I'm like a mommy to him. Lagi kong tinatanong kung kumusta siya. Kung saan siya pumupunta kapag 'di siya nakabuntot sa 'kin.

Gusto ko lagi akong updated sa mga nangyayari sa kaniya. Ayaw kong may inililihim siya sa akin.

Wait. What? Demanding na ba ako sa kaniya? Nag-aalala lang naman ako na baka may mangyari sa kaniyang masama kapag wala siya sa tabi ko. He said that he is my protector and my love ones' protector. Pero gusto ko ring protektahan siya dahil walang gumawa ng ganoon sa kaniya noong kaya pa niyang huminga.

"Pag-iisipan ko muna," I said in a flat tone.

Tumango siya nang mabilis. Nagliwanag ang mukha niya saka sumilay ang matamis na ngiti. A genuine smile from a retired serial killer.

I can't imagine na mapapangiti din ako dahil sa ngiti niya. Ngiting masigla. Ngiting parang ngayon lamang kumurba mula sa mga labi niya sa loob ng mahabang panahon.

Nakulong siya sa pagnanais na pumatay. Hindi ko siya masisisi. Marami siyang napagdaanan na sobrang sakit. Pero kahit pa ganoon, pumatay pa rin siya.

"Pwede ka bang sumama sa 'kin bukas? Dadalhin kita sa lugar na mahalaga sa 'kin," Tipid siyang ngumiti.

Ako naman ang ngumiti nang malapad. Marahan akong tumango.




Kinabukasan, maaga akong gumising. Madaling araw pa lang, actually. Hapon daw kasi uuwi si kuya. Malaya pa naman daw iyong pupuntahan namin ni Xyzin.

Natapos akong magbihis ng mga bandang ala singko. Nagluto na ko ng ulam para sa pang-lunch at dinner. Nagbaon ako nang kanin at ulam pati na rin konting biskwit. Buong araw daw kami roon ni Xyzin. Matagal din kasi ang biyahe papunta doon.

"Ready ka na ba?" tanong niya.

Nilagay ko ang payong, flashlight, tubig, pagkain at bimpo sa bag ko. Syempre cellphone na din. Nagdala pa ko nang power bank. Bukod sa girl's scout talaga ko kapag umaalis, may kakaiba akong pakiramdam.

"Ready!" masigla kong sabi.

Nagpaalam na ko kay kuya na maggagala ako dahil leave ko naman. Pumayag siya pero alam kong bawal akong gabihin. Magwawala iyon at papagalitan ako lalo na't mag-isa lang ako. Not totally mag-isa.

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now