Chapter 21

41 2 0
                                    

Devilia's POV

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Naramdaman ko kaagad ang sakit sa mga balikat ko. Hinimas ko kaagad iyon saka ako nag-inat. 

Muntik pa kong mapaatras ng makita si Aling Lulu sa may paanan ng kama ko. Nakatitig siya sa 'kin. Palalim ang mga tingin niya at bahagya ding nakakunot ang noo.

"Tigilan mo na, Devilia," madiin niyang sabi.

"Ang ano ho?" nalilito kong tanong.

Umupo siya sa tabi ko. Nakaramdam ako nang masidhing lamig ng hawakan niya ang kamay ko. Tinitigan niya ulit ako. Tama ba ang nakikita ko sa mga mata niya? Mababakas ang pag-aalala roon.

"Tigilan mo na ang pagpapagamit mo ng katawan mo sa salbaheng multo na iyon."

Mukhang si Xyzin ang tinutukoy niya. Ngayon ko na lang siya nakausap tapos ganito pa ang bungad niya?

"Makinig ka, hija. Masama ang multong iyon. Sagad sa buto ang kademonyohan niya. Mapapahamak ka kapag nagpatuloy ka pa. Ipasara mo na lang ang ikatlo mong mata. Makakatulong iyon."

Kumunot ang noo ko sa haba nang litanya niya. "Mabait na po si Xyzin."

"Hindi! Naloloko ka lang ng bastardo na iyon! Ang masama, habang-buhay ng masama! Kita mong kahit patay na pero halang pa rin ang kaluluwa."

Nainis na ko sa kaniya. Hindi naman kasi siya concerned noon. Hindi siya ganito noon tapos sinisiraan niya na ngayon si Xyzin.

"Nakita ko kung paano ka niya hikayatin na pumatay ng mga manok," diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

"Hindi na po namin ginagawa iyon. Hindi na rin siya ang dating Xyzin."

"Diyos ko! Nababaliw ka na rin ba, hija? Anong klaseng kalokohan ba ang ibinubulong sa'yo ng demonyong iyon?! Para kang nawawala sa katinuan dahil diyan sa mga pinagsasasabi mo!"

Nagkibit-balikat na lang ako. Ayaw ko nang makinig. Mas kilala ko si Xyzin kaysa sa kaniya. Mas alam ko kung ano ang ginagawa ko. Hindi niya ko kailangang diktahan. Kontrolado ko na ang lahat.

Lumabas na lang ko ng kwarto. Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa lamesa.

Bakit nandoon ang cellphone ko?

Nakita kong nag-text si kuya. Dalhan ko daw siya nang lunch dahil wala siyang baon.

Chinarge ko na lang muna ang cellphone ko. Nagluto ako nang ulam saka naglinis. Buti mahaba ang leave na na-file ko. Bukas pa ko babalik sa trabaho.

Nagluto lang ako nang chopsuey dahil iyon lang ang kaya nang stocks namin. Paborito naman iyon ni kuya kaya paniguradong hindi siya magrereklamo. Nagwalis-walis muna ako at nagpunas ng kung ano-ano. Matapos iyon, naligo na ko. Malapit na kasing mag-lunch time. Siguradong gutom na si kuya.

Nagsuot lang ako nang black flat shoes, plain white shirt na pinatungan ng manipis na black hoodie at itim na pants. Linagay ko sa paper bag ang lunch box ni kuya. Nagdala lang ako ng wallet tsaka cellphone kaya ang paper bag lang ang bitbit ko.

Malamig na ang panahon kaya hindi na ko nagdala nang payong panangga sa init. Nang sinilip ko ang front door, naroon si Xyzin. Mukhang sasama siya. Sakto namang gusto ko ring itanong kung anong nangyari kagabi. Sana lang hindi niya narinig ang sinabi ni Aling Lulu. Baka kasi ma-offend siya.

Nginitian ko siya nang makalapit ako. Blangko ang mukha niya pero tinanguan naman ako. Lumabas kami ng bahay at tinungo ang police station. Medyo malayo iyon sa bahay namin pero linakad ko na lang. Nakakatamad kasing maghintay ng masasakyan. Sayang pa ang pera.

Habang naglalakad kami, naisipan ko nang magtanong. "Xyzin? Anong nangyari kagabi?" tanong ko sa kaniya.

"Masakit ba ang balikat at likod mo?" tanong niya kaya tumango ako.

"Binuhat ko kasi 'yong bata. Muntik pa kong mabugbog no'ng lalaki. Buti na lang at nakatakbo ako kaso mabigat 'yong bata. Pasensya ka na," Yumuko naman siya.

Napangiti naman ako. Imbes na masamang serial killer ang ituring ko sa kaniya, parang superhero na siya sa paningin ko ngayon.

Huminto ako sa tapat ng police station. Marami-rami din ang pumapasok doon. Pumasok na rin ako. Madaming tao sa loob. Maingay din dahil mukhang maraming nagrereklamo. Aligaga din ang ibang pulis. May nakita pa nga akong ginang na umiiyak sa isang tabi.

"Nakita raw sa basurahan 'yong notorious na kidnapper. Nasa bunganga niya 'yong pares ng mata niya," rinig kong sabi ng isang pulis sa kasamahan nito.

Hindi ko na lang iyon pinansin. Hinanap ko na lang si kuya. Nakita ko siyang nakaupo sa desk niya habang may kausap sa telepono. Lumapit ako sa kaniya. Napatingin siya sa 'kin saka ngumiti. Binaba niya na rin ang telepono.

Inabot ko sa kaniya ang paper bag na dala ko. "Good afternoon, kuya. Kain ka na," nakangiti kong sabi.

Bago pa siya makapagsalita ay may lumapit ng babae sa 'min. Pormal ang suot niya pero makapal ang kolorete niya sa mukha. Hapit din ang suot niya kaya halos lumitaw na ang may kalakihan niyang dibdib.

"Hi, Brand," kinindatan niya si kuya. Nakita ko namang napangiwi si kuya.

Tiningnan niya ko saka siya tumikhim.

"Devi, this is Emelda. She's a lawyer. Emelda, this is Devi. My younger sister," paliwanag ni kuya.

Nakipag-kamay ako roon sa babae. Magpapaalam na sana ako pero bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.

Shit! Dapat nagdala ako ng payong!

Liningon ko si Xyzin. Seryoso ang mukha niya. Lumapit ako at nagsalita siya.

"That girl," Panimula niya. "She's a lawyer. A bad one. Nagpapasuhol siya sa mga kliyente niya. Kapag nakipag-sex sa kaniya ang kliyente niya, ipapanalo niya ang kaso."

Napatingin na lang ako kay Emelda na lumalakad papunta sa CR. Wala sa sariling sinundan ko siya. Basta gusto kong sumunod. Pagsara ng pinto ng CR, naramdaman kong parang nawala ako sa sarili.

Sho's POV

"Ganda ni Emelda 'no?" tudyo ko kay Brandel.

Sumimangot naman siya.

Malakas pa rin ang ulan. Kanina ko pa nakitang pumasok sa CR si Emelda pero 'di pa rin lumalabas. May nakita akong babae na pumasok din pero nahagip lang ng mata ko kaya 'di ko matandaan ang itsura.

Kursunada ko talaga si Emelda. Hayop kasi sa katawan. At lalaki lang ako, madaling tamaan. Single pa naman ako at tigang sa pagmamahal.

Naisipan kong pumunta sa banyo ng mga babae. Luminga-linga muna ako. Nang walang nakatingin ay diretso pasok ako sa loob. Nagtaka lang ako dahil basa ang sahig. Basa ng pulang likido. Kinutuban na ko kaya sinundan ko ng tingin kung saan galing ang likido. Tinunton ko ang isang pinto. May nakita akong high heels mula sa siwang sa ilalim.

Regla ba 'to?

Hindi na ko kumatok. Tinulak ko ng malakas ang pinto. Halos mahilo ako dahil sa nakita ko.

"Tangina!" sigaw ko.

May babae. Babaeng nakaupo sa bowl pero walang ulo. Fuck! May sumisirit pang dugo mula sa leeg.

Tatakbo na sana ako palabas kaso may naapakan ako kaya ako nadulas. Subsob ako sa lapag.

Halos panawan ako ng ulirat dahil sa tumambad sa 'kin.

Nadulas ako sa maraming dugo. At nang matumba ako, saktong-sakto na sa pugot na ulo nakatapat ang mukha ko.

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now