Chapter 9.1

60 7 3
                                    

Xyzin's POV

Hinaplos ko ang maamo niyang mukha. "Tutulungan mo na ako?"

Tumango siya. "Good girl."

Ginulo ko ng marahan ang buhok niya. My plan is going smoothly. She will satisfy my crave. Every crave.

"Your brother's here," bulong ko at lumayo na agad. Wala namang kwenta ang kapatid niya. Dapat pinapatay ko na 'yan. Isa pa sa mga epal. Napakaraming epal.

Naglakad-lakad na muna ako.

Kailangan niyang matutong pumatay para matulungan niya ko. Pagpatay na walang pagsisisi. Parang natural lang. Pero sa kagaya niyang babae, mukhang mahihirapan ako. Masyado siyang malambot at mahina. Matatakutin din. May magagawa naman akong paraan. Kakagat siya sa pain. I'll make sure that she'll do what I want.

Pero ang paghimok sa kaniya na pumatay ay parang paghigop ng pritong baboy gamit ang straw.

Devilia's POV

Nawala na si Xyzin at sumulpot naman sa harap ko si kuya. "Devi! Devi! Are you alright?"

Tiningnan ko siya. "A-Ayos lang."

"Anong nakita mo? May pumatay ba? May suspek ba?

"W-Wala. Tingin ko nagpakamatay siya."

Inangat ni kuya ang ulo ko. "You need to come to the police station and state what you saw," sabi ni kuya.

Tumango na lang ako. Alam ko naman na 'yon. Expected ko na. 

Pumunta ko sa police station at nagbigay ng station. Sinamahan ako ni kuya habang ang iba pa niyang mga kasama ay naiwan sa flower shop. Nakakalungkot isipin na hindi na ako makakapagtrabaho doon. Malalayo na ako sa mga bulaklak.

Pinauwi ako pagkatapos ng nangyari. Umuwi ako ng mag-isa. Tulala pero lihim akong natuwa nang makauwi ako sa bahay. Ngunit, kahit naman nasa bahay ay hindi rin ako ligtas.

Pumasok na ko sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Dumapa ako sa kama. Nag-isip ng susunod na hakbang.

Kapag ba tinulungan ko si Xyzin, papatay din ako? Kailangan ko din bang pumatay? Hindi ko alam. Pero umoo na ko. Baka may gawin siyang masama kapag tumanggi ako. Baka may saktan siya. Baka hindi lang ako ang guluhin niya.

Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Tama ba ang desisyon ko? Tama bang tumulong ako sa dating mamamatay tao? Nagulat ako nang may tumilaok sa tabi ko.

Wala naman akong ringtone na katunog ng manok. Napabangon ako.

May manok talaga sa gilid ng kama!

Saan galing 'to?

"Alis! Alis!" sita ko rito.

"Huwag mong paalisin," narinig ko ang boses ni Xyzin.

Bigla na lang siyang lumitaw. Tumilaok ng malakas ang manok.

"Ang ingay," iritado kong sabi.

"You hate loud noises, right?"

"Oo. Ayaw ko sa maingay. Sumasakit ang ulo ko. Naiinis ako," sinamaan ko ng tingin ang manok.

"Here," Tiningnan ko si Xzyin. May kutsilyo na sa paanan ko.

"Kill the noisy rooster," he commanded in a serious tone.

W-What?!

"Hindi ko kaya! Buhay pa din 'yan!" pag-alma ko.

"Then, let him bother you all night," naglaho na naman siya matapos sabihin 'yon.

Tiningnan ko ang maingay na manok. Hinayaan ko na lang. Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot. Napaka-ingay ng manok. Parang mapapatid na ang litid kakatilaok.

Hindi ba napapagod ang hayop na 'to?! Putak nang putak. Bakit ba kasi nandito 'to? Hindi ko naman kailangan.

"Xyzin! Alisin mo 'to!"

Naiinis na ko kaya bumangon ulit ako. Tilaok pa din nang tilaok 'yong manok habang lakad ng lakad sa kwarto ko.

Tumayo ako at linapitan iyon. "Ano ba! Ang ingay!"

Bubuhatin ko na sana 'yong manok kaso tinuka niya ko. Tinuka niya ang kamay ko!

At dumugo pa iyon!

Teka.

D-Dugo.

G-Galing s-sa k-kamay k-ko.

Naramdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko. Sinamaan ko ng tingin ang manok. Dinampot ko kaagad ang kutsilyo. Hinablot ko ang leeg ng manok at pinutulan iyon ng ulo.

Tumalsik ang dugo sa pader at sa mukha ko. "Ang ingay mo kasi!"

Itinapon ko sa isang sulok ang kutsilyo. Mas dumami ang dugo sa mga kamay ko.

Napaupo ako sa sahig. Napatulala.

Ginawa ko 'yon? P-Pumatay ako?

Xyzin's POV

Napangisi ako nang makita ang ginawa ni Devilia. 

Unti-unti ko na siyang nakukuha. Kaunti pang tulak at gagawin niya na lahat ng gusto ko. Ang mga susunod na hakbang ay magiging marahas na. Gagawin ko siyang kagaya ko. Perpektong pagdating sa pagpatay. Walang kinakatakutan. Walang pangamba sa dibdib at wala ng gustong gawin kundi makakita ng namamatay.

Kitang-kita ko kung paano siya natulala. Ang dugo sa mga kamay niya. Ang dugo sa pader ng kawawang hayop. Ang mga balisa niyang mata. Ito na ang simula. Kailangan niya munang pumatay ng mga hayop para masanay siya. Tapos unti-unti kaming papatay ng tao. Pero hindi na siya ang gagawa ng pagpatay sa tao. Gagawan ko ulit ng paraan 'yon. Kailangan ko lang sanayin ang katawan niya. Lalo na ang mga kamay niya.

Lumapit ako sa kaniya.

"Anong nangyari?" tanong ko.

"N-Napatay ko 'yong manok," balisa pa rin siya.

"Bakit mo pinatay?"

"Ang ingay kasi! Parang nawala ako sa sarili tapos... Tapos napatay ko na pala."

Umiiyak na naman siya. Pero ang pagpatay ay hindi dapat iyakan. Dapat ipagdiwang iyon. Dahil mabubuhay ulit para mamatay.

Yinakap ko siya. "Huwag kang umiyak. Hindi masama ang ginawa mo," bulong ko.

"H-Hindi masama? Pumatay ako ng kaawa-awang hayop!"

"Linisin mo na muna. Parating na ang kapatid mo."

Tumayo agad siya. Kumuha ng baldeng may tubig at basahan. Natuwa ako nang makita ang ginagawa niya. Sobrang linis ng ginawa niya. Sinabon niya pa. Linagay niya sa isang bakanteng kahon ang patay na manok. Tinago niya iyon sa ilalim ng kama niya.

"Bakit doon mo tinago?"

"Hindi ko pa 'yan matatapon ngayon. Baka may ibang makakita."

Naghugas siya ng kamay. Ilang beses niya pang binuhusan ng alcohol iyon.

Napangiti ako.

Mukhang hindi ako mahihirapan sa kaniya. Magiging masaya 'to. Magiging sobrang saya.

Mabilis na lumipas ang mga araw at gabi. Minsan lang umuwi sa bahay ang kapatid niya. Nagagawa ko ang mga gusto ko ng walang epal. Naiirita pa naman ako sa kuya niya.

Ilang manok na ang napatay niya. Hindi lang manok. May mga daga din at iba pa. Itinatapon niya iyon ng maayos. Ang iba ay inililibing sa likod ng bahay. Parang sanay na nga siya sa mga pinapagawa ko.

Susulsulan ko lang siya ng kaunti. Sasabihan ng kung ano-ano. Tapos, susunod na siya. Ang dali niyang mauto. Ang pagpatay ng mga hayop ang unang pahina. Doon din ako nagsimula. Mga aso naman ang pinapatay ko. Maiingay kasi sila.

May thrill din kapag aso ang pinapatay ko. Nangangagat kasi sila at nagpupumiglas. Mas exciting ang ganon. Puputulan ko sila ng dila. Hahatiin sa gitna ang katawan saka ko itatapon sa kung saan. Ang saya kaya.

Ang pangalawang hakbang ay sisimulan ko na agad. At hindi ako p'wedeng tumigil kahit isang saglit lang.

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now