Chapter 20

46 3 2
                                    

Brandel's POV

Nagkukuwentuhan kami ni Mang Trupo at Sho dito sa sala. Kauuwi ko lang galing sa trabaho. May nadatnan naman akong kanin at ulam. Sumama lang sa 'kin si Mang Trupo at Sho para mag-relax.

Kasama ko sa trabaho si Sho habang albularyo naman si Mang Trupo. Si Mang Trupo ay sikat sa barangay namin. Hanggang sa ibang barangay din siguro. Magaling daw kasi siya. Maluwag na short lagi ang suot nito na kulay pula. Nakasuot din siya lagi ng puting kamiseta, may anting-anting sa leeg at may bandana sa noo.

Hindi ko alam kung paano siya naging albularyo samantalang dati siyang bumbero. Sabi niya, 'wake up call' daw iyon para sa kaniya. Medyo hindi lang ako naniniwala. Parang linoloko niya lang kasi ang mga nagpapatulong sa kaniya.

Bumukas ang pinto nang bahay namin. Pumasok ang kapatid ko. Nagpaalam siya sa 'kin na gagala daw siya nang mag-isa. Napapadalas na ang pag-alis niya samantalang hindi naman siya mahilig gumala. Mas gusto niya sa loob ng bahay.

Nagtaka ako dahil parang nagulat siya. Nakatingin siya kay Mang Trupo tapos tumingin sa likod niya. Nagtaka tuloy ako lalo.

"I-I'm home," utal niyang bati. "Good afternoon po," Naging maayos na ang ekspresyon ng mukha niya.

"Kumain ka na ba?" I asked my younger sister.

"Opo, kuya," Bumaling naman siya sa mga kasama ko. "Kayo po? Kumain na ba?"

Tumango si Sho habang nakangiti. Si Mang Trupo naman ay nakakunot ang noo.

"Ang laki na pala ni Devilia," usal ni Mang Trupo.

Yumuko muna si Devilia saka halos patakbong pumasok sa kwarto niya. Nahihiya siguro. Hindi kasi sanay na makipag-usap sa 'di niya ka-close.

"Brand?" napalingon ako kay Mang Trupo.

"Bakit?"

"Kailan kayo huling nagpa-bless ng bahay?" tanong niya.

"Last year lang," sagot ko.

"Bakit, Mang Trupo? May engkanto ho ba rito?" natatawang tanong ni Sho.

"Walang engkanto rito. Pero masamang espiritu, meron. Malakas masyado. Naramdaman ko," seryoso ang mukha at tinig ni Mang Trupo.

Napailing naman ako. Walang ganoon dito. Imposible naman yata iyon. Sa pagkakaalam ko isang batang lalaki lang at si Aling Lulu ang multo sa bahay. Base iyon sa kwento ni Devilia.

"Tindi talaga nang powers niyo!" manghang sabi ni Sho.

"A-Aalis na ko, Brand," Parang biglang namutla ang nasa harap kong si Mang Trupo. Butil-butil din ang pawis na tumutulo mula sa noo niya.

"Ayos ka lang ba, Mang Trupo? Pinagpapawisan ka," puna ko.

"Aalis na ko rito!" halos pasigaw na niyang sabi.

Nagkatinginan kami ni Sho dahil sa inasal ni Mang Trupo. Kinuha nito ang mga gamit niya. Patakbo niyang tinungo ang pintuan. Tumayo ako para sundan siya. Naiwan naman si Sho na nakaupo at nagtataka. Kahit naman ako'y nagtataka. Hindi ganoon si Mang Trupo.

Palabas na nang gate si Mang Trupo nang abutan ko siya.

I sighed.

Naglakad ako papunta sa gate kung saan siya lumabas. Tinanaw ko na lang ang papalayo niyang pigura.

Wala pang ilang segundo ay napamura na ko.

Si Mang Trupo! Si Mang Trupo!

Nasagasaan siya nang rumaragasang cement mixer! Talsik ang katawan niya. At hindi lang iyon, nang tumalsik ang katawan niya ay nag-landing iyon sa magkakahilerang matutulis na bakal sa gilid ng construction site.

Chattel (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon