Chapter 16

42 4 0
                                    

Devilia's POV

Tulala ako habang nakatitig sa telebisyon. Sunod-sunod kasi ang mga namamatay. Hindi naman ganito noon sa lugar namin. Tahimik lang at konti ang krimen.

May babaeng nakita sa kanal. Buntis ito. Bali raw ang leeg at may nakapasak na mga sigarilyo sa bibig niya. Sinindihan pa daw ang mga sigarilyo.

I heard kuya heave a sigh. Pagod na pagod siguro siya. Tambak ang mga kaso at reklamo.

"Kuya?" Pagkuha ko sa atensyon niya.

"Yes?" Liningon niya ako.

"Gusto mo bang gumala?" anyaya ko.

"Gusto syempre. Nami-miss na rin kita."

Yinakap niya ako ng mahigpit. Yumakap din ako sa kaniya. Na-miss ko din siya. Busy kasi kami pareho.

"Bisitahin natin si Papa at Ate Alicia," sabi ko pa.

Nakita ko siyang ngumiti at marahang tumango. Dali-dali kong pumasok sa kwarto. Nagbihis lang ako at nagsuklay. Nakaligo na kasi ako. Luminga-linga ako sa kwarto ko. Wala kasi si Xyzin dito. Pero, may nakita akong pamilyar na mukha. Napangiti ako nang makita ko siya.

"Hi, Angelus," Lumapit ako sa kaniya. Ngumiti siya ng malapad.

"Ate, okay ka lang po ba?" tanong niya.

"Bakit mo naitanong?"

"Kakaiba ka po kasi tuwing umuuwi ka ng gabi. Parang nanlilisik 'yong mga mata mo po tapos 'di mo po ako pinapansin," ngumuso siya.

Ako? Nanlilisik ang mata? Imposible naman yata iyon. Hindi naman kasi ako gano'n.

"Baka pagod lang ako no'n. Pasensya ka na," nginitian ko na lang siya.

Tinawag ako ni kuya mula sa labas. Patakbo akong lumabas. Nakabihis na si kuya kaya lumabas na kami ng bahay. I locked the door before we started walking to the jeepney station.

Sumakay kami sa jeep. Magkatabi kami habang nagkukuwentuhan. Buti na lang at sabay ang day off namin. Matagal na naming hindi nabibisita ang ama namin. Miss ko na rin siya.

Bumaba kami sa may sementeryo. Puro puntod ang sumalubong sa 'min. Sumalubong din sa 'min ang sari-saring multo. Pinuntahan muna namin ang puntod ni Ate Alicia. May dala kaming mga rosas para sa kaniya na nabili lang namin sa tapat ng sementeryo.

Inilapag niya iyon sa tapat ng puntod. Lumuhod siya sa harap nito kasabay ng pagsisindi niya ng kandila.

Yumuko ako at pumikit. Tahimik akong nagdasal habang naririnig ang mga hikbi ni Kuya. Ganito talaga siya tuwing binibisita namin si Ate Alicia. Hindi niya mapigilang umiyak. Parang nawawala bigla ang angas niya.

Naramdaman ko ang malamig na hangin. Napaangat ang ulo ko at namulat ang mga mata.

Muntik akong mabuwal sa pagkakatayo nang makita ko ang multo ni Ate Alicia. Hindi wasak ang mukha nito pero blangko ang mukha. Nakatingin siya sa 'kin. Bumuka ang bibig niya pero wala akong narinig na kahit anong salita.

Ngumisi pa siya bago mawala nang parang bula sa paningin ko.

Tumayo si kuya. Nakangiti siya nang humarap sa 'kin.

"Mas gumaan ang pakiramdam ko," sabi niya.

Ngumiti ako.

Sunod naming hinanap ang puntod ni Papa na nandito rin. Medyo malayo nga lang sa puntod ni Ate Alicia. Nakita namin ito. Naglapag kami ni kuya ng ilang kakanin at sampaguita. Paborito ni Papa ang sampaguita. Bumibili siya no'n dati at saka ilalagay sa altar namin sa bahay.

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now