Chapter 8

58 7 0
                                    

Xyzin's POV

I licked my lower lip while staring at the taxi driver's corpse. I pity him. I followed Devilia just a while ago. After watching the driver for a short period of time, I knew it already, he has a bad plan.

Hindi ko naman alam na makikita ako no'ng driver. I didn't know that it will result into an accident like this. But I'm still happy that Devilia is safe. I need her. And death is not waiting for her yet. I'm the one who's waiting for her.

Pinuntahan ko na lang ang ospital kung na saan si Devilia. Hindi ko alam na dito siya dinala pero dito ako dinala ng mga paa ko.

Nakita ko sa labas ng isang hospital room ang kaibigan niya. Jeline yata ang pangalan. Well, I don't care. Pumasok na agad ako sa kwarto. Nakita ko namana ang kuya niyang pulis. Nakaupo ito sa tabi ng kama habang hawak ang kamay ni Devilia.

My eyebrows furrowed. I saw a girl near her brother. A girl but a ghost. "Interesting," I whispered.

The girl looked at me. She gave me a glare so I smiled at her. Lumapit siya sa 'kin.

"Tigilan mo si Devilia," mariin niyang sabi.

"Why? And who are you to interrupt?" I chuckled.

"Sisirain mo lang ang buhay niya," sigaw ng babaeng multo.

Tiningnan ko siya. She looks familiar. Ilang beses ko na siyang nakita sa bahay nila Devilia.

"Bitch."

Nawala naman agad siya. Tumayo ang kapatid ni Devilia at lumabas ng hospital room. Ako naman ang pumalit sa pwesto niyo.

"Wake up, lady," I started playing with her hair. She's a nice girl. Beautiful and calm. Sayang lang at may third eye siya. Sayang din dahil patay na ako.

I was dreaming before of marrying a girl like her. Magiging nanay ng mga anak ko. Magiging asawa. But three policemen stained my pride. They killed me. I died because of filthy bullets.

But someone will help me, it's Devilia. She will be my weapon. My dearest weapon. Sisiguraduhin kong magiging akin ang lahat ng mayroon siya. Akin lang. Maging ang puso niya. Kapag nakuha ko na ng tuluyan ang loob niya, magiging maayos na ang lahat. Magiging maayos na ko. Magiging masaya na ulit ako.

Devilia's POV

Dalawang linggo na ang lumipas simula no'ng taxi incident. Hindi pa rin ako maka-move on. Napapanaginipan ko pa nga minsan. Wala naman ng nangyari na kakaiba sa loob ng dalawang linggo. Laging nakabuntot sa 'kin si Xyzin. Lagi rin siyang nagpapakita. Madalas ko din siyang mapanaginipan.

Makikita ko na lang siya minsan na nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakatitig sa 'kin. Waring sinusuri maging ang kaluluwa ko. Nasanay na ko sa presensya niya. Wala naman siyang ginagawang masama. Wala na rin naman siyang sinasabing kakaiba.

"Devilia," he whispered on my ear. Nasa trabaho ako ngayon. Nagpapahinga ako dahil dagsa ang mga costumer. Kakaiba talaga ang mga tao. Bili nang bili ng mga bulaklak.

Nandito ulit si Xyzin. Nakabantay siya palagi. Hindi ko pa nga siya nakakausap tungkol doon sa nangyari sa babae sa harap ng shop no'ng nakaraan.

"Bakit?"

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya.

"Apat na oras pa bago ako makauwi," sagot ko.

"I want to talk to you later."

Nawala na lang siya bigla. Saan kaya siya pumupunta kapag nawawala siya? Swerte naman nang mga multo. Teleport lang ng teleport.

Nagtrabaho na lang ako ulit. Dumadami na naman ang costumers. Habang nagtatrabaho ako, napansin kong wala si Ma'am Zeia.

Saan kaya 'yon nagpunta? Nagpaalam lang siya kanina na maglilinis sa storage room. Nandoon kasi ang mga flower vase na ginagamit namin. Inabot ko na sa costumer ang pumpon ng mga bulaklak. Siya na ang huling costumer sa araw na ito. Lagpas ala sais na kasi ng gabi. Uuwi na ako.

Tinalikod ko na ang 'OPEN' sign sa pinto ng flower shop. Pumunta ako sa storage room. Patay ang ilaw doon. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Ang dilim kasi masyado.

Bumukas ang ilaw at...

At...

AHHHHH!

B-Bakit? Bakit?!

Napatakbo ako palabas ng flower shop. Sumisigaw ako nang sumisigaw. Naramdaman kong umiiyak na rin ako. Hanggang sa nadapa na ako at sumubsob sa kalsada. Nagsilapitan ang mga tao.

Nakita ko si Ma'am Zeia sa storage room. Nakita ko siyang nakabigti!

Nagpakamatay ba siya? Bakit? Ang saya pa niya kaninang umaga. Maayos ko pa siyang nakausap. Bakit ko ba nararanasan ang mga bagay na ganito? Bakit kailangang ako ang makaranas ng ganito?!

Inuntog ko ang ulo ko sa sementadong kalsada. Inis na inis ako! Ang sakit!

Si Ma'am Zeia na ang tinuring kong nanay. Mabait siya kahit istrikto. Mabuti siyang tao. Hindi dapat siya namatay!

Kasalanan ko na naman ba? Kasalanan ko nga ba?

Brandel's POV

"Kamusta 'yong mga naunang aksidente?" tanong ko sa isa kong kasama.

"Ayos naman, captain. Naareglo na."

Bumuntong-hininga ako. Tapos na ang dalawang unang aksidente. Sana wala ng kasunod. Biglang tumunog ang telepono ng station. Kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello? Police Captain Brandel Rominez. Anong maipaglilingkod ko?"

"Pulis! Pumunta ho kayo dito sa flower shop! May nagbigti ho!"

"A-Ano?"

Nang makuha ko na ang sapat na impormasyon, binaba ko na ang tawag. Nagsama ako ng tatlo pang pulis. Sumakay kami sa police car. Kasamahan ko ang nagda-drive. Parang nasa drag racing kami sa bilis ng andar ng kotse.

"Grabe na 'tong nangyayari sa lugar natin," sabi ni Jio. Si Jio, Rad, at Shen ang mga kasama ko. Lagpas tatlong taon na kaming magkakasama sa serbisyo.

"Kaya nga. Kakaiba masyado," sabi ni Shen.

"Too much work for us," sabi naman ni Rad na nagda-drive.

Sana maayos lang ang lagay ng kapatid ko. Sana naman. Sana.

Devilia's POV

Nanginginig ako sa isang tabi. Nakayakap sa sarili habang maraming nakapaligid na tao sa flower shop. Wala pa ang mga pulis pero parating na daw. Ambulansya ang unang dumating. Kinuha na nila ang bangkay ni Ma'am Zeia.

Nakita ko si Xyzin na umupo sa tabi ko. "Wala kang kasalanan," sabi niya.

"Ayaw ko ng makakita ng gano'n."

Hinigpitan ko ang pagyakap ko sa aking sarili. Nakakatakot ng sobra. Makakatulog pa kaya ako nito? Hindi na siguro.

"Devilia."

Liningon ko siya. "A-Ano?"

"Sabi mo ayaw mo ng makakita ng gano'n, 'di ba? Tulungan mo ko. Tutulungan kita," mariin niyang sabi.

Tiningnan ko ang mga mata niya. Sinsero ang mga iyon. "P-Paano mo ko matutulungan?"

Hinawakan niya ang nanginginig kong mga kamay. "Babantayan ko ang mga mahahalagang tao sa buhay mo. Ako ang bahala. Basta tutulungan mo ako," paliwanag niya.

Lumunok ako.

Anong mangyayari kapag pumayag ako? Hindi ko kayang bantayan si kuya palagi. Ganon din si Jeline. Pero si Xyzin, kayang-kaya niya. Kahit saan ay mapupuntahan niya sila.

Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Kapag tinulungan ko siya, wala akong talo. Para sa 'kin din ito at sa mga taong mahal ko.

"S-Sige," Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha niya.

"Makakaasa ka," ngumiti siya ng matamis at hinalikan ang noo ko.

"Maraming salamat, Xy."

TinTalim

Chattel (Completed)Where stories live. Discover now