Chapter 23

42 3 0
                                    

Brandel's POV

"W-Where is she?" wala sa sarili kong tanong sa mga kasama ko.

"Dinala muna namin siya sa interrogation room. May bantay na dalawang pulis doon, Captain. Pasok ka kapag kaya mo na," sagot ni Sho.

Lumunok ako ng sunod-sunod. Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang minamartilyo ang puso ko at parang binabarena ang ulo ko.

I just saw my sister in a fucking crime scene! At siya pa mismo ang may hawak ng murder weapon. I just can't believe that. Hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing naaalala ko ang tunog ng halakhak niya at ang ngisi na ipinakita niya.

Nakita ko na ang ngising iyon noon. Nakita ko na pero sa ibang tao. Ngisi na tumatak sa 'kin. Ang ngisi ni Xyzin Illustro.

Tumayo ako. Pinilit na inaayos ang sarili ko pero maging pagkakatayo ko ay 'di ko maayos. Para kong mabubuwal at magkakapira-piraso. Na para bang guguho na lang bigla ang langit o di kaya'y lalamunin ako nang lupa.

Maraming reporters sa labas. Nag-uunahan na makapasok sa loob ng estasyon. Alam na kasi nila na patay na si Esteban Mirel. Nandito pa ngayon sa estasyon namin ang prime suspect na sarili kong kapatid.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko.

Diyos ko! Bakit sa lahat ang kapatid ko pa? Ano bang nangyayari sa kaniya?! She's a decent girl! Wala siyang gagawing ganoon kung nasa tamang pag-iisip siya.

Siguro may dahilan. Baka napadpad lang siya roon. Baka naman may ibang rason. Kailangan kong malaman! Gusto kong malaman!

"Brandel!" Napalingon ako sa boses na humahangos.

Lumapit sa 'kin ang babaeng tinawagan ko. She deserves to know. She needs to know. Parang pamilya na rin siya sa amin. At alam kong guguho rin ang mundo niya.

Inutusan ko na lang ang isa pang nakakataas na pulis na i-interrogate ang kapatid ko. Ang ibang pulis ay sumama sa kaniya, ang iba ay pumunta sa harap ng estasyon para pakalmahin ang reporters. Ang iba naman ay binantayan na ang mga preso na nakakulong. Kapag ganitong masyadong magulo, kailangan namin ng backup.

Tumawag na talaga kami ng mga backup. Kulang kaming mga pulis dito. Hindi lang rin ang kapatid ko ang priority namin.

"Brandel, si Devilia," Jeline uttered.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap na ko sa kaniya. Gusto kong mabawasan muna lahat ng sakit. Gusto kong maging maayos na ang lahat. Kung panaginip man 'to, isa itong nakakatakot na bangungot.

Umiyak na ko sa balikat niya. Ayaw ko ng tiisin. Ang dami ko nang nakitang pumatay pero hindi matanggap ng sistema ko na makikita ko din kung paano ang sarili kong kapatid.

Yinakap niya rin ako nang mahigpit. Sumubsob na lang ako sa balikat niya. Sinisilaban yata ang pagkatao ko sa sobrang hapdi.

"Baka misunderstanding lang 'yon, Brand, ha? Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Mas kilala mo si Devilia higit pa kanino man."

Kilala ko nga ba ang kapatid na nakasama kong lumaki? Na kasama ko nang tumanda? Na nakasama ko na sa mga tagumpay at hirap? Siya pa rin ba ang kapatid ko? Si Devilia pa ba iyon?

Napahinto ako sa pag-iyak nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Mula iyon sa interrogation room!

Ang kapatid ko! Baka napahamak siya!

"D-Dito ka lang, Jeline. Ako lang ang sisilip doon," madiin kong sabi.

"S-Sige. Mag-iingat ka."

Pinalayo ko na muna siya. Nagtawag ako ng dalawang pulis para sumama sa 'kin. Baka kung ano nang nangyari.

Hindi pwedeng masaktan ang kapatid ko.

Xyzin's POV

Natatawa ako rito sa lalaking nakaupo sa harap ko. Mukhang matigas kasi ang mukha niya pero mukha siyang kabayo. Tinatanong niya ko kung ano bang ginagawa ko sa crime scene. Hindi ba 'yon halata? Ang tatanga naman nila. Bigwasan ko sana isa-isa kaso nakaposas ako.

Nagkunwari akong natatakot. "P-Pwede po bang wala masyadong lalaki dito sa loob? Hindi po ako komportable," Yumuko pa ko.

Sinenyasan niya 'yong dalawang pulis na kasama niya na lumabas muna. "What are you doing in the crime scene?"

Paulit-ulit ang tanong niya. Parang sirang plaka na hindi napapagod.

Nag-angat ako ng ulo at nginisian siya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa ko roon?"

Sinamaan niya ko ng tingin. "Kapatid ka pala ni captain. Kriminal pala ang kapatid niya."

Matiim lang akong nakatitig sa bawat pagbuka ng bibig niya. Tumayo siya at pumwesto sa likod ko. "Kapag umamin ka, bababa ang sintensya na pwedeng ipataw sa'yo."

Umiling-iling lang ako. Sa pagkakaalam ko, pulis siya at hindi abogado. Ganito 'yong mga eksena napapanood sa K-Drama. Feeling ko nasa isang palabas ako at ako ang bida.

Nang naglakad na siya sa gilid ko, hinablot ko ang baril niya. Puta, ang dali. Parang kumuha lang ako nang ice cream sa bata. Partida nakaposas pa. Who is great now?

Bago pa siya maka-react, kinasa ko na iyon at binaril ang noo niya. Tumumba siya sa sahig.

Pumasok agad 'yong dalawang pulis kanina. Inasinta ko kaagad ang mga ulo nila. Tumba pareho. Mga tanga! Mga baguhan siguro 'to. Naupo ako nang prente sa upuan. Hinihintay ang kapatid ng may-ari ng katawan na sinasamantala ko.

Hindi nga ako nagkamali, pumasok na siya. Gulat na gulat siya habang pabalik-balik ang tingin sa 'kin at sa mga bangkay.

"Nagulat ka ba, kuya?" I smirked.

"Y-You did this?" halos hindi niya makapaniwalang tanong.

"Yeah. You ain't proud of your little sister?" I smiled sadly.

"Pumatay ka!" sigaw niya.

"Alam ko. Ang saya nga, eh," Tumayo ako at tumitig sa kaniya. "You should be proud of her."

Tinutok ko sa kaniya ang baril. "Napakahusay niya habang kinakasangkapan ko ang katawan niya," I chuckled.

"Ano bang sinasabi mo, Devi? Hindi ka namam ganiyan!"

"Because I'm not your sister, fucking idiot!" I shouted.

Palihim kong linagyan ng silencer ang baril. Napulot ko lang din kanina nang natumba 'yong isang pulis. Tinutok ko iyon sa ulo niya.

"Please, Devi! Tama na! Sumuko ka na lang," he cried after that.

"I'm not your sister," I said coldly.

Walang habas kong binaril ang tuhod niya. Tumba agad siya sa sahig. Sinamantala ko naman iyon para kalasin ang posas. Madali lang sa 'kin dahil sinanay ko na ang sarili ko dito. Mga naka-lock nga na lagayan ng pera, nabubuksan ko kaagad.

Ibinato ko sa gilid ang nakalas na posas. Lumapit ako sa kaniya at binaril ang hita niya at isang binti niya. Binaril ko din ang kamay niya na nagtangkang humugot ng baril.

"Tama n-na," He almost whispered.

Sinampal ko siya ng malakas. "I'm Xyzin Illustro, kuya. And your sister is mine."

Iniwan ko na siya roon. I took my escape on the window at the back of the station.

Kailangan kong makatakas. Hindi rito matatapos ang lahat.

TinTalim

Chattel (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum