Chapter 2: Mall

8.1K 270 10
                                    

Papunta na kami sa mall. Kasama yung mga kaibigan ni kuya na nakilala namin kanina.

Yung kaasaran ni kaycee ay si Jake Barcelon. Tapos yung isa pa nilang kasama na hindi naman nagsalita kanina ay si Mark Alvarez sabi ni kambal si mark daw talaga ang pinakaplayboy sa kanilang apat. Yeah, apat hindi ko pa kilala yung isa na sinasabi nilang leader daw nila kuno.

Kasama ko sa iisang kotse si kuya jasrone habang si mark kay karl nakasakay at si jake kay kaycee na paniguradong nag-aaway na naman ang dalawang yon.

Nang makarating kami sa mall. Madami pang naggagala dahil maaga pa naman, 2 palang ng hapon.

Habang naglalakad kami ay unti-unti kong napapansin ang pagdami ng mga taong tumitingin sa amin na siyang ikinabahala ko.

Biglang tumunog  ang cellphone ganon din ang kila kuya. Parang alam ko na kung ano ito.

"Miss Jasmine Valdez, one of the top model, was seen at a mall in Laguna with four men and a woman." basa naman ni kuya jasrone kaya napatingin kami sa paligid.

Napakagat ako sa labi nang may ilan sa nga ito ang kumukuha na ng larawan ko.

"Hmm, okay lang ba sayo ang walang bantay, Jasmine?" nag-aalalang tanong niya kuya sa akin.

Tumango ako. "Don't worry, kuya. Hindi naman siguro nila tayo susugudin di ba?" pabiro kong sabi saka siya hinatak papasok sa loob ng bookstore.

Dahil iilan lang ang tao sa loob ay humiwalay muna ako sa kanila at deretso sa pwesto na kinalalagyan ng mga novels book. 

Ngumuso ako nang makitang wala man lang bagong labas. Oo, madami naman kaso hindi ko naman mga gusto ang nandito.

Habang nililibot ko ang paningin ko sa mga libro ay huminto ang aking tingin sa isang libro na halatang bago at nag-iisa na lang sa lagayan nito.

Nang mahawakan ko ang libro at hahatakin na sana ay may nakasabayan ako at tila ba nais din ang librong hawak namin pareho.

Natulala ako sa lalaking ito at hindi mapigilan ang titigan ang napakagwapong mukha niya. Hindi kakapalan na kilay, mahabang pilik mata na akala mo naman ay babae, kulay brown na mata at idagdag mo pa ang mapupula nitong labi.

"Miss are you done checking me?" Nakangising tanong niya kaya napakurap ako at nabalik sa realidad.

"Yea—What the?!" gulat kong usal.

"Hmm? Natulala ka ba sa gwapo kong mukha, binibini?" nandun na naman ang nakakaasar niyang ngisi.

"No way! Mister, maaari bang pakibitaw ng hawak mo sa book na'to." inis kong sabi.

Gosh, nag-iisa na lang kasi 'to. Kung ano pa naman yung napili ko siya pang may kaagaw. I want this book!

"Sorry miss but i like this book too and this is the only one here."

"But i want this book." naiinis kong sabi.

"But i'm the one who first touch it."

Wag mong sabihin na makikipag-agawan talaga siya sa akin. Hindi ba siya marunong magpaubaya sa babae?

Nasaan na ba sila kuya. Kailangan ko ng tulong nila.

"Miss bitawan mo nalang dahil may pupuntahan pa ako." umismib ako sa kaniya at mas lalong hinigpitan ang hawak sa libro.

"Ayoko nga! Kung ikaw kaya ang bumibitaw. Nakakainis na kaya, ako ang una kaya sa akin dapat mapunta 'to."

"Sorry na lang miss but i' badly want this book." sabi niya at mabilis na hinila ito.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon