Chapter 18

5.4K 196 24
                                    

JASMINE VALDEZ POV
Papunta na kami ngayon ni Alex sa resort nila mark, kung saan ginanap ang last photoshoot ko.

Duon kasi naisipan nila mom na ganapin ang engagement namin para daw may beach na mapapasyalan.

"Baby, matulog ka muna gigisingin na lang kita mamaya pag nandon na tayo." sabi ni Alex bago ako hinalikan sa noo at nagdrive.

Gaya ng sinabi niya ay natulog ako buong byahe.

"Baby, wake up! We're here." rinig kong sabi ni Alex bago ako dahan-dahan nagmulat. "Cute.. " sambit niya bago ako  hinalikan ako sa labi, mabilis lang.

"Hmm.." tumingin ako sa labas at nandito na nga kami. Inalalayan niya akong bumaba ng kotse bago kinuha ang mga gamit namin at siya na ang nagdala.

Habang naglalakad kami ay nakikita na namin ang ilan sa mga nainbitahan na dumalo sa announcement mamaya ng pamilya namin.

Ang iba sa kanila ay nagpipicture sa mga magagandang lugar dito.

"Oh! They are here." bungad na sabi ni mom nang makalapit kami sa kanila. Nandon sila sa lobby may mga kausap na business man nainbitado.

"Hi mom, dad." bati ko at humalik sa pisnge nila ganon din ang ginawa ko sa mga magulang ni Alex kasama na si Ashley na nakasimangot dahil Kay Kuya?

"Hello, pahinga muna kayo dahil mamaya pa naman ang announcement. Alam ko rin na malayo pa ang dinrive ni Alex." sabi ni tito lex, papa ni alexious.

Tumango lang kami bago dumeretso sa kwartong para sa amin. Magkasama kami sa iisang kwarto dahil pinayagan namin kami.

Pagpasok ay nahiga agad si Alex, napagod yata.

"Are you tired?" I asked habang hinahawakan ko ang buhok niyang malambot.

"Hmm.." he nodded bago yumakap sa akin at pumikit kaya naman siniksik ko ang sarili ko sa kanya bago pumikit rin.

JASRONE VALDEZ POV
Nandito kami sa resort. Ang dami ng tao, nakaayos na rin ang pag gaganapan mamaya.

"Ron, tara na daw gisingin ang dalawa para makapag-ayos na, gawa magsisimula na maya maya."sabi ni ashley na nandito sa tabi ko.

Sadistang Ashley

Tumango na lang ako bago sumama sa kanya papunta sa kwarto na kinalalagyan ng dalawa.

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang pagtahimik ni ashley, madalas kasi pag magkasama kami ay nag-aasaran kami pero ngayon ay ang tahimik nito.

Tatanungin ko na sana siya ng bigla itong napatigil at napatingin sa unahan namin na siyang tinignan ko din.

May dalawang tao na nakatayo sa harapan namin. Dalawang tao na di ko makakalimutan dahil sa ginawa nila sa akin.

"Zandra.." usal ko sa pangalan ng babaeng nagloko sa akin na isa rin sa dahilan kung bakit ako naging ganito.

"My dear ex, you remember mo huh?" nakangiti ng malakinv sabi nito bago pumulupot sa akin ang isang kamay pero mabilis ko itong tinanggal

Tumango tango ako. "Paano ko makakalimutan ang babaeng una kong minahal pero pinagpalit lang ako harap harapan pa. Matatanggap ko sana kung mas gwapo sa akin kaso.. Ah, nevermind." matigas kong ani bago tumingin sa lalaking ipinalit sa akin.

Naka tayo ito sa pwesto niya kanina pa pero nakatingin ito kay Ashley na nasa kanya rin ang tingin.

"Ley, let's go?" tanong ko habang nakalahad ang kamay. Tumingin ito sa kamay ko bago tumingin ulit sa lalaking 'to pero kinuha niya parin ang kamay ko bago na unang naglakad kaya nadala ako.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon