Chapter 9: Training

5.8K 220 13
                                    

CHAPTER 9: TRAINING

* * *

JASMINE VALDEZ POV
It's Tuesday! Ngayon din ilalabas yung magazine na shinoot ko noong saturday. I'm excited!

Sinong hindi maeexcite? Ngayon ko lang nakasama si kuya sa photoshoot tapos naging kapartner ko pa siya.

Wala pang nakakaalam na may nakapartner ako dun sa photoshoot at iyon ang aking mahal na kakambal.

Ano kayang magiging reaction nila karl paglaman at nakita nila yun? Alam ko kasing ayaw ni kuya sa mga ganon, yung makikita ng marami ang mukha niya. Kahit minsan sobrang mahangin niya.

"GOOD MORNING PEOPLE!" maligayang bati ko sa mga kasama ko sa bahay.

Kaya naman gulat na napatingin sa akin yung mga maid at butler dahil nakakabiglang sigaw ko.

Haha! Hindi naman kasi ako nasigaw pag-umaga depende na lang sa mood syempre.

"Oh! Bakit sobrang saya mo princess?" Takang tanong ni mom ng makapasok ako sa dining area.

"Kasi po mom mamaya na yung release ng magazine ng resort na yun. Tsaka excited na ako makita yung picture namin."

"Namin?" Takang tanong nila kaycee. Alam kasi nila ay wala akong makakapartner that time.

"Hmm.." tumango. Hindi ko muna sasabihin kung sino para exciting.

"Who?" Nakibit balikat lang ako kaya naman nagpuot si karl, si karl kasi yung nagtanong kung sino.

"Stop it! Hindi bagay sayo dahil nagmumukha ka lang na pato!" Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni kaycee. Si karl naman ay lalong nagpuot, ang cute!

KABABABA ko pa lang ng kotse ng makarinig kami ng tilian, sino pa ba edi yung mga prinsepe daw nila.

Sila alexious!

Kasama na dun si kuya nauna kasi siyang pumasok sa amin dahil maaga daw ang practice nila.

Naglakad na kami ni kaycee papasok habang naririnig ang mga bulungan nila. Wala naman akong pake dun lalo na kung mga negatibo lang naman.

By the way! Nakakotse ako ng sarili kanina, dahil nga hindi ako sumabay kay kuya.

Marunong naman akong magdrive at may lisensya na ako kaya pwede na akong magdrive kung gugustuhin ko.

Nadaanan namin sila kuya na nasa field ngayon at tumatakbo paikot. Nagsisimula na sila.

Nagpunta na agad kami sa gym kung saan ang hintayan ng mga volleyball player.

Dahil ako ang captain ay ako ang magtatraining sa kanila lalo na't sinabi ni coach na magaling daw ako na parang professional.

Wala din naman ngayon si coach kaya ako talaga ang magiging bantay ng buong team ngayon.

"GOOD MORNING TEAM! NGAYON AY MAGSISIMULA NA ANG SECOND WEEK TRAINING NATIN. ALAM NIYO NAMAN NA AYOKO SA LAHAT ANG MARAMING REKLAMO KAYA, LABAS SA GYM THEN RUN 10 LAP SA FIELD, NOW!" Malakas kong sabi sa team na ngayon ay seryosong nakikinig sa akin. Sa loob ng isang linggo na pagiging captain ng volleyball ay ganito na ako.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon