Chapter 28

4.3K 166 6
                                    

"JASRONE WHERE'S YOUR TWIN?" bungad agad ng bagong dating. Napatingin kaming lahat sa mga ito, sila tita mga magulang nila Jasmine at jasrone.

"Mom-" naputol ang sasabihin ni jasrone ng bumukas ang emergency room kung saan nandun sa loob si Jasmine.

Lumabas dito ang doktor na nag-opera sa kanya.

"Who's the family of patient?" tanong nito.

"Me! I'm the mother, How's my daughter?" Nag-aalalang tanong ni tita .

Lahat kami ay tahimik na naghihintay sa resulta ng operasyon. Sana ligtas siya, hindi ko kayang mawala ang fiance ko.

"Hindi na ako magpapaligoyligoy pa. Successful ang operasyon, natanggal na namin ang apat na balang tumama sa katawan niya." Rinig ko ang pangsinghap ng makaranig sa apat ba bala. "Thankfully hindi tumama sa mga iniingatan parte ng katawan niya. Weeks bago magising ang pasyente, maaari niyo na siyang puntahan pagnailipat na sa isang private room." Nakahinga kami ng maluwag sa sinabi ng doktor.

Saka ito umalis ay nagpasalamat muna kami. Thanks god hindi niyo siya pinabayaan.

Pagpasok namin sa kwarto na kinalalagyan ni jasmine ay nanigas ako sa kinatatayuan.

Nandun siya sa higaan sa ospital bed habang may mga nakakabit na kung ano anong aparato sa katawan niya. Maputla ang mukha nito.

Nanghihina kong hinawakan ang kamay niya, maya maya pa ay sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"Baby bakit mo ginawa iyon? Sana ako na lang para hindi ka nahihirapan ngayon. Pakiusap gumising ka na mahal ko."

THIRD PERSON POV
DALAWANG linggo na ang nakalipas nang mangyari iyon at hanggang ngayong ay hindi parin nagigising si jasmine.

Palaging nasa tabi niya si alexious, hindi ito umaalis na tabi niya. Ginawa na nitong bahay ang kwartong kinalalagyan ni jasmine dahil hindi na siya umuuwi sa bahay.

"Baby, miss na kita. Kailan ka pa ba magigising? Alam mo bang ang daming nanghihintay sayo. Bumibisita rin ang ibang player ng volleyball at basketball ngunit hanggang ngayon ay wala ka paring malay."

Bakas sa mukha nito ang pagkamiss sa fiance na ngayon ay tulog parin.

Hinahaplos ni alexious ang buhok ni jasmine na para bang nararamdaman nito ang pagkamiss niya sa kasintahan.

Kung ang ibang makakakita kay alexious ay iisipin ng mga itong hindi ito ang president nila, hindi siya yung cold at napakaprofessional sa lahat ng bagay.

Ngayon ay iba ang makikita niyo. Isang lalaking walang maayos na tulog at kain. May itim sa ilalim ng mata na halatang walang tulog.

Kahit anong pilit nila jasrone na kumain siya ay hindi nito ginagawa kahit pa ang pagpapahinga.

Masakit sobra ang makitang walang malay ang mahal mo sa buhay habang siya ay ito nakatingin at umiiyak.

Paano kung hindi niya sinangga ang tama ng baril na para sa akin dapat? Anong mangyayari? Wala ba siya dito ngayon?

Mahal ko hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko maramdaman na buhay pa ako, pakiusap bumalik ka na.

Usal ni alexious sa isipan habang pinagmamasdan ang kasintahang nakahiga sa kama habang walang malay.

JASMINE VALDEZ POV
Nasaan ako? Ang ganda naman dito. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar kung nasaan ako ngayon.

Makulay na kapaligiran, maraming bulaklak sa paligid. Para akong nasa paraiso, may talon na kaykislap ng tubig.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon