Chapter 20

4.8K 175 2
                                    

ALEXIOUS VILLALUNA POV
Nandito kami ngayon sa tambayan namin sa University. Kanya kanya silang ginagawa. Oh by the way kami kami lang na magkakagangmates dahil maagang umalis ang tatlong Valdez maliban kay jasrone.

Sa pagkakaalala ko ay walang gagawin si jas ngayon kaya naman bakit nagmamadali ang mga itong umuwi.

"OH SHIT!" taka kaming na patingin kay Jake na ngayon ay nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa laptop niyang hawak. Hacker namin sa grupo kaya ganiyan iyan sa mga gadgets.

"Bakit?" si mark na lumapit sa kaniya.

"L-look!" utal nitong turo sa laptop.

Nagsilapitan na din kami ni jasrone sa laptop niya at sinilip kung ano yung tinitinginan nito.

Nag kanya kanya silang mura ng mabasa ang bagong post sa site ng underground.

Hello, everyone!
     How are you'll? Missed us? We're back, see you later! — Trio dragon

They are back! The trio dragon that you will never like to missed.

"Nandito na ulit sila. Siguradong alam na rin nila ang nangyayari sa underground." usal ni jasrone.

"Yeah, king pupunta ba tayo?" Jake asked. Tumango lang ako kaya naman nag kanya kanya na kaming punta sa kwarto dito sa hideout namin sa school.

Meron kasi kami ditong pinagawang hideout na may apat na kwarto para sa amin.

MAINGAY! Yan ang bumungad sa amin pagkapasok palang sa loob ng underground arena.

Nagkakasayang mga gangster. Kanya kanya sigaw kong sino ang pambato nila sa mananalo.

Napatingin ang mga ito sa amin ng mapasok na talaga kami. Isa kami sa mga ginagalang dito dahil rank two kami sunod sa trip dragon gang.

"Nandito ang scorpio gang"

"OMG! Nandito sila"

"Hanggang ngayon ay hindi parin natin alam ang mukha nila"

Yeah! Hindi nila kilala kung sino kami dahil may suot kaming mga maskara na natatakpan ang buong mukha.

Halos lahat naman ay itinatago ang identity at isa na kami dun. Ayokong pati ang buhay ko sa labas ng arena na to ay magulo.

Kaya pinapanatili namin na suot ito para iwas gulo sa labas.

Pumasok kami sa may bandang bar dito. May bar dito sa loob kung saan pwede kang uminom habang pinapanuod ang mga nag lalaban.

Umupo lang kami sa mga upuan habang nakatingin sa circle ring.

Nakatayo sa loob nun ay ang rank 14 at 13 tingin ko ay gusto ng rank 14 na makuha ang rank ng rank 13 kaya nakikipag laban sila.

Nasa rules na pagnatalo ka ng kabilang grupo ay mapapapunta sa kanila ang rank mo kaya kung ayaw mong maalis ay galingan mo.

Bawal dito ang patayan dahil pag sinuway mo yun ay kamatayan rin ang kapalit.

NAPATINGIN kami sa circle ring dahil bigla na lang naglabas ng baril ang mga rank 14 at itinutok sa rank 13. Bawal ang gumamit ng baril yun ang rules ng laban nila ngayon dahil mano mano ang gusto nila pero sa tingin ko ay mandaraya ang rank 14.

Ganon na lang ang gulat namin ng bigla na lang namatay ang ilaw at pagka bukas ay nakatayo sa gitna ng dalawang grupo ang tatlong tao na siyang kinatatakutan ng lahat dito, kahit ako lalo na dun sa leader nila.

Nakatayo ang mga ito ng maayos habang ang leader nila ngayon ay hawak na ang baril ng rank 14 na ikinagulat namin.

That was so fast!

THIRD PERSON POV
GULAT na gulat ang mga gangster sa loob ng arena dahil sa katotohanan na bumalik na nga ang kinatatakutan nila.

Trio Dragon

Ang rank one nila. Isang taon na ang mga itong hindi nagpakita kay ganito na lang ang gulat nilang sumulpot ang mga ito.

"Tsk! Hindi parin kayo nagbabago. Rank 14 na nga pero mandadaya parin." Naiiling na ani ng nag-iisang lalaki sa trio dragon. Nakangisi ito ng malaki na akala mo ba ay natutuwa dahil sa inis na mukha ng leader nila.

"Queen, pasasabugin mo na ba ang mga bungo ng mga yan?" parang wala lang na sabi ng isang babae sa kanila na kung tawagin ay princess.

May mataray itong ugali sa loob ng arena na madalas na ginagamit nito pag nababadtrip sa laban

"Na-ah! I'm bored, I want to fight, fight that team." ngumiti ang Reyna nila ng malaki, yung ngiting hindi mo gugustuhin.

Sumugod agad si queen sa limang tao na kabilang sa rank 14. Nagsiilagan ang mga ito ngunit may mga tira parin ni queen ang hindi nila naiiwasan.

"AHHH!!" sigaw sa sakit ng leader ng rank 14 pagkatapos pilipitin ang kamay. Sinuntok at sinipa sa mukha ni queen ang natitirang member nito na siyang ikinatulog ng mga ito.

Hindi pa naman patay ang mga ito, tulog lang talaga.

"Tsk! Piece of cake!" tumalikod agad ang Reyna na siyang sinundan ng dalawa pa nitong kasama.

Naiwan ang mga gangster na nakatulala at namumutla. Ito ang pinakayaw nila sa lahat ang bumaba ang tatlong iyon. Ang sumuway sa patakan na itinatag ng dalawang head at tatlong tagapataw ng parusa (trio dragon)

Hindi pa ang trio ang pinakamalakas na pinuno dun dahil may head pang nasa taas ito ay ang kanilang Empress at emperor.

Wala pang nakakakilala sa mga ito dahil napakagaling magtago ng identity.

JASRONE VALDEZ POV
Nakatulala ako–kami hanggang sa mawala ang mga anino ng mga ito.

Bumalik na sila! Kinatatakutan ang mga ito dahil sa pagiging magaling sa laban at malamig ng kanilang leader.

Alam ko ay may maraming underling ang mga ito, mga tauhan.

Meron din naman ang grupo namin kaso hindi kasing dami ng sa kanila.

Nakakakaba talaga tuwing nandito ang tatlong yun pero bakit pakiramdam ko ay pamilyar ang mga ito sa akin.

Yung feeling na nakakasama o nakilala ko na sila. Sa loob ng isang taon ay ngayon lang ulit sila dumating pero ganito agad ang bumungad sa kanila.

Hinahangaan ko ang tatlong iyon lalo na ang leader nila pagdating sa labanan dahil ang gagaling nila lalo na yung leader nila na ang cool lumaban.

Sana makilala ko kayo. Isang karangalan yun para sa akin. Ang makilala ang pinakamalakas sa arena na 'to. Alam kong kilala rin sa ibang bansa ang trio lalo na sa Japan.

Umuwi na agad kami pagkatapos ng nakakatulalang pagdating ng trio gang.

Nandito na ako sa condo ko. Hindi ako maaaring umuwi sa mansion lalo na't ganitong oras na baka matanong lang ako ng mga tao dun lalo na ni kambal.

Hindi pa ako handa na sabihin ito sa kanya pero alam kong may tamang panahon yun pero di pa ngayon.

Pumasok agad ako sa cr para maligo at matulog na.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon