Chapter 8: Photoshoot

6.2K 226 7
                                    

CHAPTER 8: PHOTOSHOOT

* * *

JASMINE VALDEZ POV
Saturday nga ngayon at ngayon ang photoshoot ko. Sa loob ng isang linggo ay puro practice kami kaya naman nakakapagod pero masaya naman lalo na kung gusto mo ang ginagawa mo.

"KUYAAAA WAKE UP!" sigaw kay kuya wala sa labas ng pinto ng kwarto niya.

"Baby naman! 7:00 palang ng umaga e." nakabusangot na sabi ni kuya kaya naman natawa ako.

"Kuya samahan mo 'ko sa photoshoot ko, please?"

"Sure, dapat sinabi mo agad para nakapaghanda ako. Anong oras ba?" nakangiting sabi nito.

"8:30 am." sabi ko bago nagpaalam na magbibihis na ako.

Pagpasok ko sa kwarto ay ginawa ko na ang morning routine ko. Pagkatapos ko maligo ay nagsuot ako ng skirt outfit. Hindi na ako naglagay ng makeup dahil aayusan pa naman ako dun.

Paglabas ko ng kwarto ay saktong paglabas naman ni kuya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Paglabas ko ng kwarto ay saktong paglabas naman ni kuya. Wow handsome!

"Pogi naman ng kuya ko." nakangiting sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya. Magkatapat lang naman ang kwarto naman dito sa third floor.

"Haha! You too, baby."

"MOM, AALIS NA PO KAMI." sigaw ko ng makarating kami sa baba. Lumabas naman si mommy galing sa kusina at binigyan kami ng halik sa pisnge.

"Take care, okay? ingatan mo kapatid mo jasrone." paalala ni mom kay kuya.

"Opo, ako ng bahala kay lil sis." tumango na lang si mommy bago kami hinayaan na lumabas ng mansion. "Saan ba ang photoshoot mo, baby?" sinabi ko ang address sa kanya bago nagpatugtog.

Boring kasi! Sabi ni kuya ay malayo pa daw yung resort dahil kilala niya ang may ari ng resort na sila mark daw.

Wow naman! So kanilang lugar ang ipagsoshootan ko.

"HEY JM, WAKE UP NANDITO NA TAYO." rinig kong sabi ni kiya habang tinatampal ng mahina ang pisnge ko.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko at nakita ko ang si kuya na nasa gilid ko at bukas na ang pinto sa tapat ko.

Hindi ko napansin na nakaidlip pala ako. Tumingin ako sa labas at nakita ko nga na nasa labas kami ng isang resort.

"Kanina ba tayo kuya?" umiling ito.

"Hindi naman, kakarating lang natin. Tara na baka malate ka pa." inalalayan ako ni kuya pababa sa kotse tapos nagsimula na kaming maglakad papasok ng resort.

Maganda ang resort sa tingin ko ito ang gusto nilang ipaalam sa mga tao na meron ito dito.

Bagong gawa lang resort kaya hindi kataka taka na gusto nilang gawan ng magazine 'to lalo na' t maganda ang lugar.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon