Chapter 25

4.4K 172 9
                                    

HINDI ko nagustuhan ang camping ngayon dahil may nanira ng last day namin. Maagang kaming nagsialisan sa gubat at umuwi agad.

Hindi na nagawa ang huling activity dahil sa pangyayaring iyon kahapon.

Handa na ang lahat para sa susunod na activity. Ang ilan ay may dala ng first aid kit if ever na mapahamak ang mga kalahok.

Ganon parin ang bawat grupo kaya naman magkakasama parin kami.

Okay na kaming sampo dala na namin ang mga gamit na kakailangan sa laro.

Habang lumakad kami sa loob ng gubat ay bigla na lang kaming nagkatinginan tatlo nila karl dahil sa nararamdaman naming mga mapangmasid na mga mata.

Alam kong nararamdaman din iyon nila alex kaya naghanda na kami para pagsumugod sila ay makalaban kami.

Maya maya pa ay sabay sabay na sumugod sa amin ang mga taong nakasuot ng itim lahat.

Kingina! Gangster ang mga ito. Halata sa mga mukha at mga tottoo ng mga ito.

Sumugod sa akin ang isa sa mga ito kaya naman inilagan ko agad ang paparating nitong suntok bago ko denuble ang lakas nito sa kanya.

Sinipa ko ang kanyang hinaharap!

"Ahhhh!"

"Now! Tell me sino ang nag-utos sa inyo?" Malamig kong tanong sa dito.

"Hindi ko sasabihin.. Arghhh!" Daing nito ng sapakin ko siya sa panga.

"Ano? Sasabihin mo na?" Naiinis na talaga ko. Sasapakin ko na sana siya ng magsalita ito.

"Si miss claire po ang nag-utos sa amin." Nagtiim bagang akong binitawan siya.

That bitch! Akala ba niya ay natutuwa pa ako sa mga kagaguhan niya sa akin-amin? Kingina! Ubos na ang pasensya ko kaya maghintay lang siya, gaganti rin ako.

Pinauwi agad kami dahil nga sa nangyari. Wala rin naman kaming magagawa dahil mas maganda na yun para maging ligtas ang mga istudyante.

She want to play huh? Tch, Wag kang mag alala, Claire dahil pag bibigyan kita sa gusto mo.

You don't know me yet pero ganito ka na agad gumalaw, napakagaling!

IT'S been a week since that incident happened. Sa loob ng isang linggo na iyon naging tahimik sa buhay namin. Walang Claire na nagpapadala ng mga tauhan, tsk!

Pero sa loob ng isang linggo na iyon ay napapansin ko ang mga tingin na ibinibigay ni Claire slash Ms. Secretary.

Palagi itong nakamasid at may masamang tingin sa tuwing nakikitang magkasama kami ni Alex.

Hindi naman lingid sa kaalam ko kung anong nararamdaman niya kay Alex kaya alam kong iyon ang dahilan niya kaya nais niya akong mawala sa mundong ito, but sorry to say hindi ako yung taong madaling mamatay.

Nandito ako ngayon sa room at nagsasagot sa exam. Madali lang naman ang exam lalo na't alam ko na nag mga ito.

Nagkapagtapos na ako di ba? So hindi na ako mahihirapan dito.

Maya maya ay natapos ko na lahat bago tumayo at naglakad palapit sa teacher naming nagbabantay sa mga istudyante.

"Are you done ms. Valdez?" gulat na tanong ni prof. Sinong di magugulat kung 30 minutes palang ay natapos ko na agad tapos 300 lahat yung sa sagutan.

"Yes, prof." sabay lapag ng paper ko at bumalik sa upuan na ikinauupuan ko kanina.

Kinuha ko ang gamit ko bago tumingin sa mga member ng volleyball na ngayon ay nakanganga sa akin.

Napailing na lang ako bago lumabas. Pwede na kasing lumabas ang mga tapos na magsagot.

Saan ako pupunta? Hmm alam ko na kay alexious na lang. Alam ko ay tapos na iyon magsagot ngayon dahil kanina pa sila.

Hindi kami magkakasabay kumuha ng exam. Hinati kaming lahat sa dalawa by section.

Kaninang umaga ang Kalahati na isa na duon sila kuya at Alex. Habang ako lang ang naiwan ngayong hapon kasama ang ibang member ng volleyball na kaklase ko.

Habang naglalakad ako ay may ilang nabati sa akin. Yung mga taong nakakakilala sa kin bilang rose black as a model.

"Good afternoon rose"

"Ang ganda mo talaga idol"

"Rose black, bumili ako ng bagong labas na album mo"

"Crushhh"

"Huhu ang tagal ko na siyang nakikita dito pero hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala"

"Papicture black rose"

Tumingin ako sa nagsabi nun bago lumapit. Dalawang second year ang mga ito.

"Sure. Let's take a picture." nakangiting sabi ko na kanila na ikinalaki ng mata nila. Natatawang ngumiti sa cellphone dahil sa mukha nilang nagpipigil tumili.

"Thank you, rose black." nakangiting malaki na sabi ng isa sa kanila yung maikling ang buhok hanggang sa balikat lang.

"Aww! Ate Jasmine na lang." nakangiting sabi ko bago nagpaalam na sa kanila na pupuntahan ko pa si Alex.

Habang naglalakad ako papunta duon sa office ni Alex ay kinakabahan ako sa di ko malamang dahilan.

Nanlalamig ako na feeling ko ay may hindi ako magugustuhan na mangyayari.

Please wag naman si Alex!

Nagmadali akong naglakad hanggang sa binuksan ko ang pinto ng office ni Alex na walang katok katok na siyang pinagsisihan ko.

Nanigas ako sa kinatatayuan, hindi makagalaw. Naramdaman ko na lang na may tumutulong luha sa pisnge ko.

Fvcking shit, masakit! Kingina!

Gusto kong sumigaw pero walang lumabas sa bibig ko.

Nanatili akong nakatingin sa kanila habang lumuluha.

Nakatingin sa boyfriend kong may kahalikang iba. Nakaupo ito sa upuan niya habang nakaupo sa harapan niya ang magaling na secretary ng ssg.

Tumalikod ako at isinara ng malakas ang pinto nang gulat na mapatingin sa akin si alexious.

Kingina mo alexious!

Malamig ang mukha akong naglakad papunta sa kotse kong nakaparada sa parking lot.

Napapatingin sa akin ang ibang istudyante na nadadaan ko. May pag-aalala at taka sa mukha ang mga ito.

Narinig ko pa ang iba na nagtatanong kung anong nangyari at kung ayos lang ba ako ngunit ni isa ruon ay wala akong pinansin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nagtext sa dalawa para ipaalam kung saan ako dederetso.

Ginamit ko ang number kong panggangster as a queen.

QUEEN
I'm going to the hideout. No one will tell you where i am kahit kay alexious, do you understand? Oh! By the way, let's move.

PRINCESS
THE PRINCESS IS ON THE WAY

PRINCE
Sunod na lang ako queen diyan. Hindi ako makaalis dahil nandito si Alex hinahanap ka.

QUEEN
Hmm.

Pinatay ko na ang cellphone ko bago nagdrive paalis ng parking lot dahil natatanaw ko na ang nagmamadaling si alexious.

Hindi pa ngayon Alex. Masakit isipin na di mo man lang itinulak agad siya ng halikan ka nito.

"Tsk! Tsk! Claire hindi ka parin talaga titigil huh? Tingnan natin kung di ka iiyak pag-uwi mo sa bahay niyo."

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon