Chapter 1: Philippines

11K 330 10
                                    

Katulad nga nang sinabi ni daddy 5:00 am palang ay umalis na kami sa bahay na tinutuluyan ko sa korea at dumiretso sa Airport kung saan naruon ang private plane na sasakyan namin na pagmamay-ari ni tito Carlo, karl and kaycee's father.

Napatingin ako sa suot kong relo at nakitang mag 5:30 na nang umaga. Inaantok akong sumandal at hinahayan ang sariling makatulog muli.

"Ate Jasmine wake up! Were here." naramdaman ko ang mahihinang tapik sa pisnge ko na siyang ikinamulat ng aking mga mata. "Nandito na tayo, ate." sabi ni karl na siyang gumigising pala sa akin.

Tumingin ako sa labas ng bintana sa pwesto ko at natanaw na pababa na ang eroplanong sinasakyan namin.

Mahina akong napabuntong hininga at tahimik na hinihiling na sana lang ay walang media sa labas ng airport at maging tahimik ang aking-aming pagdating sa bansa.

Hindi sa pagmamayabang ngunit sa tagal ng pananatili ko sa korea ay maraming nabago sa buhay ko katulad na lang pagiging modela ko sa ibang bansa na siyang matagal ko ng pangarap.

Hindi madali ang tinahak kong landas dahil noong nagsisimula palang ako ang dami nang nangyari sa akin, maraming bagay ang tila nais sumira sa naipundar kong pangalan. Pero sabi nga nila huwag kang susuko kung nais mong makuha o matupad ang lahat ng pangarap mo na siyang aking ginawa.

Naglalakad na kami pababa ng eroplano. Nagsuot ako ng salamin at cap na isinuot sa akin kanina ni karl. Akala ko makakahinga na ako ng maayos dahil walang nakapansin sa akin sa loob ngunit pagkalabas palang namin sa airport ay nakaabang na ang mga taong may mga hawak na camera o kahit anong gadgets na magagamit makakuha lang ng larawan.

Nagkagulo ang mga tao at pilit na lumalapit sa pwesto namin pero dahil sa tulong ng mga bodyguard nila daddy at hindi nakalapit ang mga ito.

Mula sa isang mayaman na pamilya ang angkan namin na hanggang ngayon ay nananatili parin.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa mga banner nilang dala na may nakasulat na 'I LOVE YOU OUR QUEEN' 'FANS MO KAMI' 'JASMINE! JASMINE'

"KYAAAAAHHH NANDITO NA SI JASMINE"

"GANDA MO TALAGA JAS"

"OMG NAKITA KO NA SIYA SA PERSONAL"

"MYGAD BES ANG MUKHA SIYANG DYOSA."

"PRE ANG GANDA TALAGA NI JASMINE"

Ngumiti na lang ako sa mga narinig ko. Nakakataba lang ng puso na kahit di mo sila kilala todo suporta parin sila.

Hindi ko man sila kilala lahat basta ngitian mo lang natutuwa na sila agad.

"Woah! Iba ka talaga ate" manghang sabi ni karl pagkapasok namin sa loob ng kotse.

"Nakakagulat ang dami nila, cous." sabi naman ni kaycee na ikinatawa ko lang ng mahina.

Parang hindi pa sila nasanay. Ilang beses na itong nangyari sa akin na kasama ko ang dalawa.

"Princess, we are proud of you. Nakakatuwang hindi ka na ang maliit na prinsesa namin na umiyak sa tuwing iiwan o hindi maibigay ang nais. Masyadong malayo na ang naabot mo," masayang sabi ni daddy. Magkakasama kami sa iisang van. Tapos yung mga bodyguard nakasakay din sa ibang van na nakasunod lang sa sinasakyan namin, dalawa sa unahan at isa sa likod.

"Aww, thank you dad and mom," nakangiting sabi ko.

Dahil isang oras at kalahati bago pa kami makarating sa bahay natulog muna ulit ako. Nakakapagod bumyahe kahit pa nakaupo ka lang naman.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon