ALEXIOUS VILLALUNA POV
Akala ko mawawala na siya sa akin, pero sabi nga nila huwag agad mag-iisip ng kung ano ano baka magkamali lang tayo.Katulad na lang ngayon, nakaupo ako dito sa tabi ng kama sa hinihigaan ni Jasmine. Makakasama silang tatlo sa loob ng kwarto kaya naman tatlong kama ang nandito sa loob at nasa gitna si Jasmine, kanan si kaycee at kaliwa si Karl.
Maayos na ang kalagayan nila ngunit tulog pa sila, sabi naman ng doktor ay maaring magising ang mga ito bukas o mamaya.
Kinabahan ako kanina nang malaman hindi basta bastang sugat lang ang meron ang tatlo lalo na si Jasmine.
May dalawang tama ng bala at mga hiwa si kaycee, si Karl naman ay may tatlong tama ng baril at hiwa rin sa tagiliran habang si Jasmine na may isang tama ng baril ngunit may isang saksak sa tiyan.
I sigh while looking at her beautiful face. Hinaplos ko ang mapupulang pisnge nito na may pasa. Gusto kong manapak dahil sa nakikita ko ngunit hindi ko alam kung kanina ko ibubuhos ang galit ko.
Hindi ko alam kung anong pinaggagawa nila sa mga oras na wala sila. Gustong kasama niya ako pero anong magagawa ko hindi niya ako isinama at ayaw niya akong madamay sa gulo.
"ALEXIOUS ikaw muna dito bibili lang kami ng makakain." tumango na lang ako kay Jake at Mark, wala dito si jasrone dahil pinatawag siya nila tito, mama nila.
Hindi ko naman alam kung bakit at wala akong karapatan para mag tanong lalo na't mataas ang mga tungkulin ng pamilya niya.
Ayan na naman! Mataas na tungkulin na siyang hindi namin magawa na malampasan sila Jasmine kaya hindi ko siya kayang hindi sundin.
I'm just a fucking leader of scorpio gang, rank 2 in the underground arena. Hindi ako katulad niya na isang Reyna, reyna sa underground.
Ayos lang naman sa akin yun kaso sana naman isama niya ako sa laban, para matulungan ko siya at maprotektahan sa oras na kinakailangan niya.
Hindi naman sa leader siya ay kakayanin niya na lahat. Alam niyo yun? Babae pa rin siya na kailangan ng protection lalo na't nasa oras na ng panganib. I'm just freaking worried to my fiancé, babae siya na kailan ng isang lalaking puprotekta at ako iyon, ang fiancee niyang nag-aalala sa kaligtasan niya.
I sigh, wala na naman akong magagawa kung magwala ako dito.
Umayos ako ng upo sa tabi ng kama ni Jasmine pero bago iyon ay hinalikan ko muna ang noo niya at umob-ob sa gilid ng kama niya at pumikit. I'm tired! Wala akong tulog habang naghihintay na matapos ang operasyon nila kanina kaya kailan ko naman ng kunting pahinga.
NAGISING ako ng maramdaman kong may humahawak sa buhok ko kaya itinunghay ko ang mukha at nakita ang nakangiting mukha ng fiance ko.
"You're awake." mahinang ani ko ngunit batid kong may saya sa tinig na iyon.
She nodded "I' am. How's my cousins?" tanong nito habang nag-aalalang tumingin sa dalawang tulog parin. Tumingin ako sa labas ng bintana dito sa kwarto nang mapansin lumiliwanag na sa labas.
Umaga na pala.
Bumuntong hininga ako bago nagsalita, "Okay na sila, sabi naman ng doktor at magiging sila anytime." pinasadahan ko ng tingin si Jasmine. "Okay ka na ba? Ang lalim ng saksak sa tiyan mo. Ano ba kasing nangyari? Bakit nawala na lang kayo bigla?" sunod sunod kong tanong habang nakahawak sa kamay niya.
Naalala ko na naman ang gulat ko ng sabihin ng doktor na malalim ang sugat na natamo niya, hindi lang iyon basta bastang maliit na patalim dahil maaaring katana ito o kahit anong mahahabang patalim na hindi maliit.
BINABASA MO ANG
The SSG President is My Fiance (COMPLETED)
RandomCOMPLETED||STANDALONE Jasmine Valdez, one of the famous model here in asia. Maraming gustong manligaw dahil sa angking ganda nito na napakinosente ngunit hindi nila alam na marami pa itong secreto na iilan lang ang nakakaalam. Tahimik ang buhay niya...