Chapter 32

4.2K 167 0
                                    

ALEXIOUS VILLALUNA POV
IT'S Been a week since that happened. Iyon din ang huling araw na nakita ko si Jasmine.

Pagkagising ko sa kwarto niya ay wala na akong naabutang katabi, akala ko noong una ay baka nasa baba lang ito, kumakain ng breakfast, pero mali ang akala ko.

Lumipas ang dalawang araw ay ganon parin, wala siya sa mansion pati na rin ang kambal na pinsan niya.

Hanggang linggo na ang nakalipas wala parin paramdam si jasmine maliban na lang sa sulat na naabutan ko sa kwarto niya pagkagising ko.

Nag-aalala ako, sobra nang mabasa ko ang laman ng sulat na iyon.

Hey, Alexious my baby!

     Alam ko sa oras na hawak mo ito at binabasa ay wala na ako sa tabi mo. Pasensya na huh? Kung umalis ako ng walang paalam pero wag kang mag-alala dahil hindi naman ako nagtatagal ng isang taon, siguro isang buwan o dalawa lang.

Baby, paalala ko lang sayo na huwag na huwag kang magtatangka na humanap ng iba dahil may mata ako dyan, matang mag uupdated sa akin sa lahat ng nangyayari sa paligid mo. Oh! I forgot please train yourself more and be careful.

Wait me baby, I love you remember that.

Your lovely fiancé
Jasmine Valdez

I missed her pero wala akong magawa kundi ang maghintay.

"LEADERRRR MAY DELIVER PARA SAYO!" napatingin ako kay Jake na ngayon ay naglalakad palapit sa akin habang may dala dalang kulay itim na box.

Oh! Nandito nga pala kami sa hideout dahil walang pasok kaya mas pinili nilang dito nalang tumambay dahil wala naman kaming ginagawa sa mga kanya kanyang bahay.

"What's that?" curious na tanong ni mark nakakalabas lang ng cr. Nakibit balikat lang si Jake bago inabot sa akin.

"Kanino galing?" tanong ko habang hinanap kong may sulat bang kasama.

"I don't know. Sabi lang nung delivery boy ay para daw kay mr. Villalun–fvck!" taka kaming napatingin sa kanya nang magmura ito bigla habang nanlalaki ang mga mata.

Wait! Delivery boy? Paanong–

"Paanong may nakaalam na nandito si alexious?" takang tanong ni jasrone na ngayon ay nakatitig narin sa box na hawak ko.

Paanong nangyari iyon? Don't tell me kumakalat na yung sinabi ng lalaking may kilala sa amin.

Hindi lang kami ang nandito sa hideout na ito kundi pati na rin ang mga kasamahan ng grupo namin.

"Isa lang ibig sabihin nun, may nakakaalam at nakakakilala na kay alexious bilang leader ng scorpio." seryosong ani ni mark. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila ang nangyari sa amin ni Jasmine sa mall.

"Parang kilala ko na kung sino." malamig kong sabi bago kininwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Jasmine.

Ganon na lang ang gulat nila nang matapos kong sabihin lahat ang mga detalye sa mga pangyayaring iyon.

"Fvcking shit! Sinong Jrs naman iyon?"

"Anong karapatan niya para angkinin ang kapatid ko?"

"Kalaban na naman!"

Kanya kanyang kumento ang tatlong ito habang ako ito nakatingin parin sa box, anong laman nito.

"Buksan mo na kaya lead!" Saad ni jake.

Kinalas ko ang tali ng box bago dahan dahan tinanggal ang takip nito, parang kahon lang ito ng sapatos kaya hindi masyadong malaki.

They all gasped. Hindi makapaniwalang nakatingin sa laman ng box.

Malalamig akong nakatingin lang sa loob ng kahon. Sari saring emosyon ang nagsilabasan sa mga mata ko.

Takot, pag-aalala, pangamba

Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa oras na ito.

"Leader anong gagawin natin?" basag ni Jake sa mahabang katahimik. Bakas sa boses nito ang pag-alala, kahit naman ako ay nag-aalala din.

Napatingin na naman ako sa laman ng box, mga letrato nila Jasmine habang may kinakalabang mga taong nakasuot ng kulay itim na damit.

Hindi lang iyon, may ilan dito ay may tama sila kaycee ng baril lalo na si Jasmine na napupuno na ng dugo ang suot na damit.

Napansin ko din bawat letrato ay may mga sulat, kung kailan ito kinunan.

Kaya ba wala sila palagi dahil ito ang inaatupag nila? Bakit hindi na lang sila humingi ng tulong sa amin. Nag-aalala na ako, sobra!

Magsasalita na sana ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwartong kinalalagyan namin, meeting room naming apat.

Naglakad dun si Jake suot ang maskara niya.

Isang minuto palang siguro ang tumatagal nang nagmamadaling sumigaw si Jake kaya napatakbo kami papunta sa kanya.

Gulat at pag-aalala ang bumalatay sa mukha ko ng makita ko ang mga taong inaalalayan ng ilan sa mga tauhan namin, sila Jasmine na napapaliguan ng dugo.

"Fuck! Baby, wake up?!" usal ko habang tinatapik ang pisnge niya.

"kingina! Karl anong nangyari sa dalawa... Sainyo?" Saad ni jasrone na siyang may hawak ngayon kay Karl na nag-iisang gising na lang.

"I-inambush k-kami sa d-daa–" Saad nito bago nawalan ng malay.

"Mark ang sasakyan!" nagmamadaling sigaw ni Jake habang binubuhat ang walang malay na si kaycee.

Ganon na din ang ginawa kay Jasmine bago nagmadaling tinakbo ang distansya ko papunta sa parking lot dito.

Damn! Not again, please.

I can't take this to happened again. Hindi ko kakayaning mawala na naman siya, please hold on baby.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon