PROLOGUE

12.6K 365 3
                                    

Nakatingin ako sa sa labas mula sa loob ng kwarto ko. Hindi naman malungkot dito kahit na hindi ko kasama sila mommy dahil nandito naman sila cous at hindi rin naman napalya sa pagbisita sila daddy.

Sa katunayan nga ay nandito sila noong isang linggo.

Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang may kumatok.

"Lady Jasmine, dumating po ang mga magulang niyo." kumunot ang noo at takang lumabas ng kwarto.

Pangkababa ko sa living room ay nakita kong nakaupo sila sa sofa habang seryosong nakatingin sa isa't isa na tila may importanteng pinag-uusapan.

"Hi mom and dad." Sabay halik sa mga pisnge nila.

"Hello, my daughter." nakangiting sabi ni mommy.

"May prolema po ba mom, dad? Napabalik yata kayo ng biglaan." taka ko silang pinagmasdan at napansin muli ang mga tingin nila kanina.

"Oh, namiss ka lang namin bigla, di ba honey?" napangiwi ako sa tawagan nilang dalawa.

Bakit kaya hindi pa ako nasanay sa magulang kong parang teenager?

"Your mom is right."

Pakiramdam ko, hindi lang iyon ang dahilan nila at palaging tama ang nararamdaman ko.

Lumapit ako at umupo sa tabi nila. "Come on, mom and dad tell me what is it? Alam kong hindi lang kayo basta basta pupunta lalo na't kagagaling niyo lang dito last week."

"You really know us," nakangiting sabi ni daddy.

"Well, i'm your daughter afterall." kibit-balikat kong sabi.

Nagkatinginan silang dalawa saka bumaling sa akin si dad. "Jasmine, gusto ka na naming isama pabalik sa pilipinas at mag-aral muli."

"Mag-aaral lang naman pala da—wait! What?! Mag aaral ulit? No way! Kag-graduate ko lang last month." gulat akong nakatingin sa kanila.

Bakit kasi kailangan pa? Natapos ko na ang kurso ko na Business management.

By the way Jasmine Valdez is my name, 19 years old. Heiress of Valdez Empire, may kakambal akong lalaki na nasa pilipinas. He is Jasrone Valdez.

"Kahit isang taon lang. Nais lang namin na maramdaman mo kung anong pakiramdam ang mag-aral sa pilipinas at makasama mo din sila Jasrone. Isa pa kausapin mo ang kapatid mo dahil marami na siyang ginagawang kalokohan."

Napahinga ako ng malalim. "Fine, kailan tayo aalis?" pagsuko ko na ikinangiti nilang dalawa.

"Tomorrow 5:00 am. Kasama nga pala natin sila kaycee at karlos para naman hindi ka masyadong mainis." nakangiting sabi ni mommy bago ako pabalikin sa kwarto at sila naman daw ay magpapahinga na din muna.

Nagsimula na akong mag-ayus ng mga importante kong gamit. Hindi na ako masyadong nagdala ng mga damit masyado dahil alam ko naman na marami ako sa bahay namin sa pilipinas.

Tumitig ako sa ceiling ng kwarto ko at napaisip. Ano na kayang pinaggagawa nila dun? Ano ng nangyari kay kuya?

Hindi ko maintindihan, bakit sinasabi nila daddy na gumagawa na siya ng mga kalokohan.

Kilala ko si kuya, hindi siya yung taong lalapit sa mga babae, masyado siyang maarte na akala mo naman babae.

I hope hindi pa masyadong nagbabago ang lahat.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon