Chapter 24

4.4K 175 3
                                    

JASMINE VALDEZ POV
SERYOSO kaming lahat na nakatingin sa magkasintahan!

Ang galing nila magtago dahil hindi man lang namin napansin na nagliligawan na pala ang dalawa.

Paano ba naman laging nag-aasaran at nag-aaway ang dalawa kaya naman di namin napaghahalataan ang mga ito.

Tsaka ko lang naalala na the more you hate the more you love

Akala ko naman kasi ay hindi iyon totoo pero naalala kong inis nga pala ako dati kay Alex dahil sa pang-aagaw sa librong gusto ko.

Buti na lang talaga ay sinabi niya ang dahilan kung bakit niya ginawa yun kung hindi baka nasapak ko na siya.

"So, kailan kayo nagligawan?" seryosong tanong ni Karl. Minsan lang ito gumanito kaya naman seryosohin mo rin kung ayaw mong masapak ng isa.

Madalas ay siya ang nagagawa naming baby kaya talagang nakakatakot kung magsesryoso 'to.

"H-hmm noong isang buwan pa, Karl." utal na tanong ni Jake.

"Bakit hindi niyo sinabi?" this time ay si kuya jasrone naman. Hindi na ako makikisali sa kanila dahil wala naman akong masasabi at lalong hindi ko naman buhay yun.

Basta lang ay huwag niyang sasaktan si kaycee dahil baka di ako makapagtimpi at masipa ko siya palayo sa amin.

Iba pa naman ako magalit parang kabayo lang, kidding.

Nang matapos ang mahaba habang katanungan nila ay nagkanya kanya na kaming puntahan sa mga tent dahil bukas ay nagsisimula na ang mga activity.

"GOOD MORNING STUDENT, NGAYON ANG SIMULA NG ATING CAMP ACTIVITIES, FIRST KAILANGAN N'YONG BUMUO NG TEAM NA MAY SAMPONG MYEMBRO." paliwanag ng prof na nasa harapan namin. "Bibigyan ko kayo ng 20 minuto para makahanap ng mga kasamahan, time start now." nag kanya kanya ng sali ang mga istudyante.

Habang kami ito nakaupo lang, walo na kaming magkakasama kulang na lang ng dalawa.

Maya maya pa ay may dalawa ng napili sila kuya kaya naman pumunta na kami sa pila.

Ang unang laro ay kung sino ang unang makakuha ng flag na nakatago lang sa paligid.

Hindi mo ito basta basta makikita dahil may mga katanungan ka pang sasagutin kaya kailangan talaga sa grupo na may matalino.

Nagsimula na kaming maghanap. Nandito na kami ngayon sa mapunong lugar. Luminga-linga ako baka may sign na makakapagturo sa amin kung saan nakalagay ang flag.

Tama nga ako.

"GUYS DITO MAY SULAT." sigaw ko sa kanila at nauna ng pumunta sa punong may nakadikit na papel.

Binuksan ko ito at nalaman kong isa clue kung saan nandun ang flag.

Walang buhay ngunit nakatayo,
isang kayamanan kung hanapin.
Hindi agad nakikita ngunit natatapakan.

"Walang buhay ngunit nakatayo." ulit ni Alex na ngayon ay nasa tabi ko na. Lumingalinga muli ako hanggang sa naningkit ang mata ko sa akin nakita.

Walang buhay ngunit nakatayo!

"Ayon, punong patay na ngunit nakatayo parin oh." turo ko sa punong nakatayo hindi kalayuan sa aming pwesto.

Sumang-ayon naman sila. Sana lang ay tumama kami.

"Isang Kayamanan kung hanapin, tingin ko ay ito yung flag na hinahanap natin ang tinutukoy." sabi ni Caren na siyang ikinatango namin.

"Eh ano yung huli?" kamot-batok na tanong ni Karl. Napatingin kami kay Alex at Mark nang sabay itong nagsalita.

"Nakabaon sa lupa ang hinahanap natin!" sabay nilang sabi.

Tumingin kami sa baba namin ng mapansing may nakausling tela sa tinatapakan ni kaycee.

Hinila niya ito at lumabas duon ang kulay asul na flag.

Nakatinginan kaming sampo at sabay sabay na napatingin sa flag na hawak ni kaycee.

"WOAHH! THAT WAS FAST." Saad ng emcee ng makabalik agad kami sa pinagsimulan ng laro.

Wala pang ibang istudyante na kasali dun kundi kami lang. Umupo muna kami sa lapag, sila lang pala dahil nakaupo ako sa lap ni alex.

Okay lang naman sa akin na duon na lang umupo sa lupa pero ayaw ako duon paupuan ni alex baka daw mangati ako, dahil masunurin ako edi pumayag na favor naman sa akin yun.

ALEXIOUS VILLALUNA POV
NAKAUPO lang kaming sampo habang isa isang hinihintay ang ibang mga kalahok.

Napatingin ako kay jasmine na seryosong pinaglalaruon lang ang engagement ring na suot niya.

"Beautiful?" Tanong ko habang nakatingin na rin duon.

"Yeah, sobra."

Akala ko hindi niya magugustuhan yung noong binili ko buti na lang hindi siya yung mapili sa mga bagay.

Pinagawa ko pa yun hindi lang basta bastang binibili.

PAGOD kaming lahat na napaupo sa mga kanya kanyang pwesto dahil kakatapos lang ng last activity namin ngayon, bukas naman hanggang tanghali ang iba.

Ngayon ay nagpapahinga kami bago maghahanap mamaya ng pwedeng paliguan. Dahil nasa gubat nga kami ay kailangan namin humanap ng pwedeng pagliguan dito.

"Baby, kuha ka na ng damit, liligo na tayo." Ani ko kay jasmine na nasa tabi ko. Tumango naman ito kaya naman sinabi ko na rin kila jasrone na maliligo na.

Naglakad kaming sampo kasama parin ang kagrupo namin kanina para isabay narin humanap ng paliliguan.

Hawak ko ang kamay ni jasmine habang naglalakad, baka mamaya ay may mangyari sa kanya pagnalingat ako kaya hindi ko ito pinapayagan mawala sa kamay ko.

Hindi rin naman nagtagal ay nakakita na kami ng pwedeng paliguan na talon. Maganda ito dahil sa batuhan ay malilinaw na may nakikita karing isda.

"Guys, look saktong kailangan natin ng kakainin. Manghuli na rin tayo ng isda." Saad ni caren na nasa tabi ni karl habang nakatingin sa mga isdang lumalangoy.

Nanghuli kami ng isda bago naligo. Nakahuli kami ng labing isang isda na itinusok namin sa kahoy para madala. May nakita rin kaming mga puno ng niyog sa daanan kaya kumuha narin sila jasrone.

Nang matapos lahat ay nagsibalikan na bago niluto ang mga nakuhang isda para kainin ngayong gabi.

 The SSG President is My Fiance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon